Looking For Anything Specific?

Jollibee Maluha-luha nang dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo at sinagot ang mga paratang sakanya

Neto lamang nakaraang araw ay viral sa social media ang mga larawan kung saan nakatanggap ng isang “fried towel” ang isang customer ng sikat na fastfood chain. Umani agad ito ng samut-saring reaksyon lalo na ng dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo ang nasabing customer.

Nakatanggap ng mga kritisismo ang mismong fastfood chain at maging ang nagreklamo na customer. Naging usap-usapan ito ng mga netizens sapagkat ang fastfood chain ay isa sa pinakapinagkakatiwalaang restaurant sa buong pilipinas.

Photo: Facebook/ DyanTv

Lalong naging mainit ang usapin nang iere ito sa programang Raffy Tulfo in Action—Muling nagtrending ang usapin nang mismong si Jollibee ang dumalaw at nagpaabot ng mensahe sa mga manunuod gamit ang programa.

Photo: Facebook/ DyanTv

Sa mga larawan na kumakalat ay tila malungkot si Jollibee dahil sa mga kritisismong natatanggap. Maluha-luha pa ito habang kinakausap ni Idol Raffy.  Naging emosyonal ito nang sagutin ang mga paratang na binabato sakanya.

Naging malaki din ang kontribusyon nito sa childhood ng mga Pinoy, marami na ang napasaya lalo na ang mga bata na nagdidiwang ng kanilang kaarawan. Kapag gutom at walang lutong ulam ay ito ang nagiging pantawid gutom ng mga Pinoy.

Photo: Facebook/ DyanTv

Mensahe ni Jollibee sa mga manunuod na sana’y unawin ang sitwasyon at ang isang pagkakamali ay hindi pagkakamali ng lahat. Magiging mas maingat pa ito para magpasaya pa ng maraming Pilipino.

Pabiro din nagreact ang mga netizens sa mga larawan at ginawang katatawanan na lamang ang issue;

Photo: Facebook/ DyanTv

Ayon pa sa ilang nagpost, “Buti na lamang hindi pinatulfo no Jollibee, eto si ate inuwi pati plato, kutsara at baso! Pati rin pala yung upuan! Hahahaha!”

Ang ilan naman ay suportado padin ang naturang restaurant. “Isang crew lang ang nagkamali, wag natin idamay lahat ng Jollibee stores. Madami ang apektadong manggagawa at sa hirap ng buhay dahil sa pandemya, nakakasama pa lalo ito.  Let’s support nalang Jollibee, bilang suporta mo nalang rin sa mga nagtratrabaho ditong nadadamay sa nangyari. Favorite ko kasi yung tuna pie nila kaya the best padin ang Jollibee!”

Photo: Facebook/ DyanTv

“Mas lalo kung minahal ang Jollibee dahil sa issue na ito! Haha number 1 padin talaga!”

”Pinaka the best padin ang chicken joy!! Favorite ko noong bata pa, favorite ko parin hanggang ngayon!”

Dating Jollibee Manager, may buwelta sa babaeng nagpaTulfo at nagpost ng Fried Tuwalya!

Trending ang buwelta ng isang dating manager sa Jollibee kay Alique Perez, ang babaeng nagbahagi ng karansan niya matapos na makatanggap ng crispy towel imbes na crispy chicken.

Ilang araw matapos mag viral ang kaniyang post sa social media ay dumulog si Perez sa programa ni Raffy Tulfo upang aniya ay mabigyang aksyon ang di katanggap-tanggap na nangyari sa kaniya.

Sa nasabing programa ay sinabi niya na kumuha siya ng lawyer at humihiling ng danyos para sa natanggap niyang crispy towel, na taliwas sa nauna niyang pahayag na for awareness ang kaniyang pagbabahagi ng kwento, lalo pa’t hindi naman daw nila ito nakain.

Photo: Facebook/Jeffrey Sabino Padoga

Sa kabilang Facebook post naman ay nagbahagi ng kaniyang saloobin ang dating manager ng Jollibee na si Jeffrey Sabino Padoga, patungkol sa tila kwestyunableng pakay ni Perez.

“TULFO agad mam?, pwede naman between you and the branch lang for sure aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin 40 plus yra na si jollibee alam nila gagawin sa complaint,” panimula ng post ni Padoga.

Ibinahagi nito na hindi naman daw si Tulfo ang makakapag-ayos ng bagay na ito, kung kinakailangan pa nga ay si Jollibee pa umano mismo ang gagastos sa pagpapa medical nito

“And di naman tulfo ang magsosolve ng prob.. Hindi naman po kinaen yung towel fried ehh
if ang concern dn is yung safety pwede po kau magpa medical or if sino mam incase natikman or nakagat ung towel sagot ni jollibee yung all expenses sa medical,” dagdag pa niya.

Kwinestiyon din nito ang tila biglang pagbabago ng isip ni Perez na noong una ay for awareness lamang ang gusto ngunit ngayon ay humihingi na ng danyos.

“Sa unang statement mo Mam sabi mo wlaa kang habol sa jollibee sabi mo for awareness lang… then kini clear ni Tulfo na for awareness lang ba daw ang post nya walang money purposes? biglang meron na din daw hmmmmm,” pagdududang sabi ng dating manager.

Samantala binura na ni Alique Perez ang trending post niya sa kanyang social media account matapos na maglabas ng statement ang pamunuan ng Jollibee.

Narito ang buong pahayag ni Padoga:

“TULFO agad mam?

“pwede naman between you and the branch
lang for sure aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin 40 plus yra na si jollibee alam. Nila gagawin sa complaint..

“and di naman tulfo ang magsosolve ng prob..
Hindi naman po kinaen yung towel fried ehh
if ang concern dn is yung safety pwede po kau magpa medical or if sino mam incase natikman or nakagat ung towel Sahot ni jollibee yung all expenses sa medical

“ang init ng mantika non mam 350’F kakahiya sa germs if mabuhay pa sya sa init na un
ung towel fresh na fresh pa nakakapag taka ahha

“Then sa unag statement mo Mam sabi mo wlaa kang habol sa jollibee sabi mo for awareness lang

“then ung tinanong kna ni Tulfo if me habol kaba anything damage fee or else

“may pera naman daw sila ng asawa nya and gusto nya mag public apology ang mga heads ng jollibee
Coming from you mam Walankang habol sa perampero biglang nag ka lawyer bigalng gusto mona bayaran damag le hmmmm

“naka usap kanapala mam ng branch head di naman po un dun matatapos for sure pupuntahan ka nil
para magsorry personal.. haist

 

“Biglang nabago ang isip me lawyer pa heheheh
then kini clear ni Tulfo na for awareness lang ba daw ang post nya walang money purposes? biglang meron na din daw hmmmmm

“mam if safety ang ang concern peede po kau magpa medical Sagot ng branch then bbigyan kau ng atonement na possible lang ng branch

“iba nga dami complain pero naiintindihan nila
nonperfect fastfoods and atill gusto parn nila
sa jollibee pero sayo kakaiba hahahha

“sa mga COOMENT agains or not welcome po here hahaha

“Its my own opinion then ok lng any openion bawal pikon ahhh GOD bless

“pa: This post is only for awareness din po”

Watch | Customer na Nag-post Tungkol sa “Fried Towel”, Dumulog kay Idol Raffy Tulfo

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang post tungkol sa “fried towel” na naideliver sa isang customer na si Angelique Perez. Dahil dito, dumulog si Perez sa programa ni Idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo. Nilinaw naman ni Idol Raffy  na hindi makakasuhan si Perez dahil ang ginawa niyang pag-post sa social media ay isang awareness sa mga tao at hindi isang paninira sa fast food na Jollibee.

Nakapanayam ni Idol Raffy si Perez at ang Grab Food Rider na nag-deliver sa kanya ng “fried towel”. Nilinaw din ni Perez na tunay ang kanyang pinost at hindi ito paninira sa Jollibee. Nais niyang huwag mahusgahan dahil hindi totoo ang hinala ng ilang netizens na gawa-gawa lamang ang kanyang post.
Wala umano siyang contact number sa branch ng establisyemento kaya naman idinaan na lamang niya ang reklamo sa Grab Food Rider na nag-deliver sa kanya. Binanggit din ni Perez na may nakausap siyang staff sa naturang branch at nangako umano sila sa kanya na iimbestigahan nila ang insidente.
Nang mag-viral ang kanyang pinost sa social media ay may isa namang netizen ang nag-mensahe sa kanya at sinabi na nangyari din sa kanya ang kaparehong insidente. Nakatanggap din siya ng “fried towel” imbis na fried chicken.
Idinulog din niya kay Idol Raffy kung ano ang maaaring maging panagutan ng naturang branch ng Jollibee. Tinanggihan din umano ni Perez ang alok na refund ng naturang establisyamento.
Panoorin ang kabuuang video:

The post Jollibee Maluha-luha nang dumulog sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo at sinagot ang mga paratang sakanya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments