Looking For Anything Specific?

Julia Barretto, inulan ng samut-saring reaksyon ngayon matapos mag-post ng fathers-day na hindi kasama ang kanyang ama na si Dennis Padilla

Julia Barretto hindi binati ang amang si Dennis Padilla.

Binantayan kahapon ng mganetizens kung babatiin ni Julia Barretto ng Happy Father’s Day si Dennis Padilla.

Hindi naman kaila sa publiko ang issue sa pagitan ng mag-ama, na mas lalong umiinit nitong mga nakaraang buwan.

Noong una ay naging usap-usapan ang interview ni Julia kay Dennis sa kanyang vlog sa YouTube. Na binura din ng aktres matapos naman ang interview ni Dennis kay Ogie Diaz.

May ilang pahayag kasi si Dennis ukol sa relasyon ni Julia sa kasintahang si Gerald Anderson.

At ito ay pinagmulan na naman ng bagong isyu kaya’t naging tampulan na namanng bashers ang dalaga.

Kasunod naman nito ay ang interview ni Dennis sa Reporter’s Notebook kung saan sinabi nitong hindi siya tinulungan pinansyal ng mga anak.

Ito ay noong naging kriti’kal ang kanyang kalagayan ng dapuan ng v1rus noong Marso.

Saad ng komedyante ay nanghingi lamang siya sa kanyang mga kaibigan upang may ipangbayad sa hospital bill na umabot ng 1.2 million.

Dahil dito ay muli nanamang kinwestyon ng sambayanan si Julia.

Na ni isang kusing ay hindi man lang naabutan ang kanyang ama.

Kaya naman kahapon, June 20, sa pagdiriwang ng Father’s Day ay inabangan ng madla kung babatiin ba ng aktres ang kanyang ama. Ngunit hindi ito nangyari.

Sa IG story ni Julia ay litrato ng kanyang lolo ang una niyang ipinost.

Kasunod nito ay litrato nila ni Ian Veneracion na gumanap bilang tatay niya sa kanyang bagong proyekto.

At sa huli naman ay ang throwback picture nila ng inang si Marjorie.

 

Tila nais ipahiwatig ni Julia na si Marjorie lang ang tumayo bilang ina at ama sa kanilang magkakapatid.

Dennis Padilla, hindi napigilang maging emosyonal ng mapag-usapan ang kontrobersyal na pagpalit ng family name ni Julia Barretto

Emosyonal na ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang saloobin ukol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak.

Nagkaroon ng panibagong pagkakataon si Dennis Padilla na masabi sa anak na si Julia Barretto ang hinanakit niya dito.

Nang magtangka itong palitan ang kanyang apelyido, from Baldivia to Barretto, ilang taon na ang nakararaan.

Sa pinaka latest vlog ni Ogie Diaz ay naging guest niya si Dennis.

Dito ay pinag-usapan nila ang mga pinagdadaanan ngayon ng komedyante.

Isa sa kanilang topic ay ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto.

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan noon.

Nag-file pa diumano noon ang girlfriend ni Gerald Anderson sa korte ng petition to change her last name last 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagsabi itong hindi na niya ipare-remove ang Baldivia sa kanyang last name.

Moving forward, nagkaayos na sila pero aminado pa rin si Dennis na isang C0’VID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon.

“That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yun,” saad ni Dennis.

“Bakit kailangan palitan ng family name, samantala ang gamit naman niya eh mas kilala sila ng tao sa Barretto bakit kailangan palitan yung name?”

Ito na lamang daw ang naisip ni Dennis ng sabihin sa kanya ng anak na, “Pa I’m sorry ah pinalitan na namin yung apelyido mo Barretto na kaming lahat.”

Panoorin dito ang panayam ni Ogie kay Dennis:

Anong masasabi mo?

The post Julia Barretto, inulan ng samut-saring reaksyon ngayon matapos mag-post ng fathers-day na hindi kasama ang kanyang ama na si Dennis Padilla appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments