Pinatulan na ni Kakai Bautista ang mga taong walang sawang pumupuna sa kanyang pangangatawan.
Sa kanyang post sa Instagram, isang video ang ibinahagi ni Kakai.
Kung saan deretsahan niyang binweltahan ang mga kumukutya sa kanyang pangangatawan.
“I have come across so many body shamers this past few days! And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives. I love to eat. And… pak all that toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy. Black, brown, morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall,” saad ni Kakai sa kanyang post.
Pagpapatuloy pa niya, “REAL TALK. Ang dami kong kilala payat na may sakit. And it’s not good. I will never be happy with that. Ang dami ko ring kaibigan na morena na haaaaay ang solid ng gandaaaa.”
Para kay Kakai, kahit anumang kulay ng balat ay may kanya-kanyang taglay na ganda ang bawat tao.
Ang importante aniya ay ang masaya siya sa buhay ngayon at kung ano siya.
“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours. SORRY kung ikakalungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko. AND I AM ENJOYING every bit of what I am now and every second of my LIFE”
Mensahe pa niya sa mga taong walang magawa kundi manlait ng kapwa, “Iksi ng buhay, ‘wag mong pakialaman ang buhay ng iba. Pakialaman mo yung sa ‘yo. Gawin mong maganda, masaya at kapaki-pakinabang!”
Ginamit din ni Kakai ang mga hashtag na #NoToBodyShaming at #Confidenceispower.
Kris Aquino, sinagot ang isang netizen na tinawag siyang ‘pangit kapag walang makeup’
Sinagot ng aktres at host na si Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup sa mukha. Sa Facebook, matapang na nagkomento ang isang netizen sa opinyo nito sa itsura ni Kris kapag walang make up.
“Pangit pala c Miss Kris pag walang makeup. Sorry just saying,” ani pa sa komento ng isang netizen.
Pero, hindi man pinatulan ang pangungutya, mas pinili ni Kris na huwag ng manlait pa.
“Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan,” sagot ni Kris.
Biniro pa itong naghirit na masaya siya na malamang gumaganda siya kapag naglalagay ng makeup.
“Siguro you need to find your happiness? And thank God di ba, ako gumaganda pag may makeup,” dagdag pa niya.
Hindi lang ito ang unang beses na sinagot ni Kris ang mga baher lalo na sa mga dinadamay ang kaniyang dalawang anak na si Josh at Bimby.
The post Kakai Bautista hindi na nakapagtimpi, binweltahan na ang kanyang mga bashers appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments