Looking For Anything Specific?

Maraming nagulat na mga netizen dahil sa pinagbago niya ngayong dalaga na siya

Ang bilis lang talaga ng panahon nu’? Dati bata ka pa ngayon dalaga/binata ka na. At isa na dito ay ang award winning young aktres na si “Xyriel Manabat” , 17-taon-gulang, na naging usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kanyang kamakailan na post sa Instagram na talagang ikaw ay mapapa-wow ka nalang dahil sa kanyang big transformation ngayong dalaga na siya.

Ang batang ito ay sobrang kilala na ng mamamayan dahil sa kanyang ka-kyutan at sa pagiging makulit nito na talaga naman ang mga audience ay tatawa at ngi-ngiti dahil sa kanya. Marami siyang napatawa dahil sa pagiging makulit nito.

Sa taon 2009 ng Star Circle Quest: Search for Kiddie Idol Season 3, Nakuha ni Xyriel ang pagiging 3rd place. Dahil sa pagka-panalo maraming nag-alok sa kanya at opportunidad kagaya lamang ng TV commercials, teleserye at pelikula. Ang kanyang palaging kasama naman sa pelikula ay si Zaijan Jaranilla na sobra ‘rin ang paglaki ng pagbago.

Nakilala si Xyriel sa pag-role bilang si Agua Bendita, siya lamang ang batang Agua Bendita at ang kanyang acting skills ay talagang magaling na siya. Sa kanyang edad ay marami na siyang portray na role kagaya ng bida at kontrabida. Kahit anong role pa ang ibigay mosa kanya ay talagang susunod siya, para lang sa ikakatuwa ng mga mamamayan at manonood.

At Isa ‘rin siya sa mga nag-role sa mga bagang aktor/aktres sa Noah kasama sina  Piolo Pascual at 100 Days To Heaven kasama si Ms. Coney Reyes. Naging cast din siya sa Wansapanataym at Maalaala mo Kaya (MMK). Pero, ang tanong ng lahat asan na kaya ‘tong batang ito na ngayon? We’ll kung isa kang fan ni Xyriel at aktibo ka sa mga social media talaga namang mapapa-wow ka nalang sa kanyang larawan na ika-nga big transformation sa kanyang Instagram account.

Pero, hindi lang dito nagtatapos dahil hindi nawawala ang mga bashers, maraming nagsasabi na retokada pero hindi walang pakialam si Xyriel dito. At ang kanyang mga fans ay hindi na makahintay na makita itong si Xyriel sa big screen.

Ano po ang masasabi niyo sa big transformation ni Xyriel, Isa ka din’ ba sa mga nagulat? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan ng pag-komento dito sa ibaba at huwag kalimutan na i-SHARE ang blog na ito sa social media!

Source: Xyriel Manabat Instagram Account

Goin’ Bulilit star, ginulat ang netizen dahil sa kanyang big transformation!

Si Mariko Nicolette Egger dela Cruz o kilala bilang si Mika Dela Cruz ay kilala na ng lahat at marami na itong followers na patuloy ang pagdami nito. Si Mika Dela Cruz ay hindi lang nakakuha ng maraming followers dahil sa kanyang celebrity status kung hindi pati na ‘rin sa kanyang mga post sa social media na sobrang ganda na tiyak kung makikita mo talagang mapapa-react ka ka-agad. Ang kanyang latest shoot ay talagang inulan ng komento dahil kung makikita mo sa kanyang mukha ay malaki na talaga ang pinagbago at ang nasabing larawan ay isang endorsement para sa isang local clothing brand.

Ang 22-taon-gulang na aktres ay ginulat ang kanyang mga followers matapos magpost ng kanyang latest photos sa isang shoot para sa isang clothing brand na Apartment8 ang nasabing shoot ay naganap sa Singapore noong 2018 kasama ang co-endorser at Kapuso talent Julie Anne San Jose.

At kung makikita mo sa mga larawan, Si Mika ay nagsusuot ng magandang damit na talagang bagay na bagay sa kanya. Kung makikita mo sa pagiging chic ngayon naging classy dresses. Kaya naman talagang madali lang maibenta ang damit na kanyang iniendorso dahil sa kanyang charm. Talagang si Mika ay bagay na bagay kung ano ang kanyang isusuot sa kanya.

Si Mika Dela Cruz ay unang sumali sa isang reality show na “Star Circle Quest” pero bago pa man siya gumawa ng sariling pangalan sa industry, Nakilala si Mika dahil sa kanyang kapatid na si Angelika Dela Cruz.

Kung makikita mo sa kanyang official Instagram account ng Apartment 8 clothing, talagang makikita mo na ang local brand new collection ay nagfofocus sa mga shades na talagang bagay na bagay sa skintone lalo pa’t ang fair-skinned ay katulad ni Mika Dela Cruz at morena Julie Anne San Jose.

Sa ngayon may boyfriend na si Mika Dela Cruz ang pangalan ay si Nash Aguas dati rin niyang katrabaho sa Goin’ Bulilit.

Kung bibisitahin mo an Instagram account ni Mika Dela Cruz talagang makikita mo na ang batang aktres ay mahilig sa travel at mga magagandang larawan sa kanyang trip.

Ano po ang masasabi ninyo? I-comment sa ibaba at huwag kalimutan na i-SHARE ang post na ito sa social media!

Silipin ang Bagong Bahay ni Awra Briguela sa Las Pinas City

Alam naman natin na ang paggamit ng iba’t ibang social media platforms ay maaaring maging dahilan ng mabilisang pagsikat ng isang tao. Ito rin ay nagbibigay ng daan sa ibang tao para ibahagi ang kanilang kwento sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang social media din ay isa sa mga paraan para ipakita ng isang tao ang kanilang talento sa buong mundo, hindi na nila kinakailangan gumamit ng kung ano ano at mag-audition, dahil isang click lamang sa iyong social media account, maaari ka ng maging isang sikat na tao.

Mayroon na ring ilang mga sikat na personalidad ang nagsimula sa kanilang karera dahil sa social media. Sila ay nagsimulang maging netizens lamang na gumagamit ng social media at ngayon ay isa ng ganap na artista, at isa na nga rito ang rising child star na si Awra Briguela.

Photo from The Filipino Times

Kung noon ay isang simpleng bata lamang si Awra na mayroong pangarap, ngayon ay isa na ito sa mga sikat na child star at unti unti na rin nitong natutupad ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya. Si Awra ay nagsimulang sumikat matapos maging viral ng ilang sa kaniyang mga nakakatuwang video clips na inu-upload niya sa kaniyang social media accounts.
Matapos nito, nakuha rin si Awra na maging parte ng teleserye na “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN. Siya din ay naging kabilang sa Your Face Sounds Familiar, kung saan madalas siyang tinatanghal na panalo kada linggo.
Dahil sa mga pagganap ganap sa ilang pelikula at teleserye sa TV, nakaipon na din si Awra na ginamit niya naman para maipundar ang bahay na pinapangarap niya para sa kaniyang pamilya.
Ang bagong bahay naman ni Awra sa Las Pinas City ay kaniya ding pinasilip. Makikita na ang bahay na pinatayo niya ay talagang maganda at elegante. Maging ang kulay na pinili niya para sa kaniyang bahay ay nagdagdag rin ng kagandahan dito, mapalabas man o loob.
Sa naging panayam naman ni Awra noon, sinabi niya na lahat ng blessings na kaniyang natatanggap ngayon ay lubos niyang pinagpapasalamat sa Panginoon.

Panoorin ang kagandahan ng buhay at bagong bahay ni Awra:

The post Maraming nagulat na mga netizen dahil sa pinagbago niya ngayong dalaga na siya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments