Ang mga magulang ay nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak, kahit anong hanapbuhay ay kanilang pinapasok upang matugunan lang ang bawat pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi na alintana sa kanila ang pagod at hirap, dahil ang tanging mahalaga sa kanila ay ang maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak at makita itong maging matagumpay sa buhay.

At bilang anak, mas masarap sa pakiramdam na nakamit mo ang tagumpay dahil sa pagsusumikap. Lahat ng tao ay may kwento ng tagumpay sa buhay mula sa hirap patungo sa nakamit na magandang kinabukasan. Sa Facebook Page ng Peso Sense, kanilang ibinahagi ang kwentong tagumpay ng apat na makakapatid na anak ng isang tricycle driver at isang mananahi.
Ayon sa kanilang post, ang apat na magkakapatid na ito ay naging working student habang sila ay nag-aaral sa kolehiyo. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanilang mga magulang sa pamamasada at pananahi, kaya naisipan ng magkakapatid na ito ang magtrabaho habang nag-aaral. Para makatulong na rin sa kanilang gastusin sa araw-araw. Kaya nagsumikap silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo at sinikap din nilang makapasa sa board exam. At sa awa ng Diyos ang apat na magkakapatid na ito ay naka isang take lang ng kanilang board exam.

Ngayon ang magkakapatid na ito ay may magaganda ng trabaho, ang panganay na anak ay isa ring Electrical Engineer, ang ikalawa naman ay isang Civil Engineer, ang ikatlo naman ay isang Math Teacher at ang kanilang bunso ay isang Mechanical Engineer. Ayon sa panganay ng magkakapatid, binabalikan nila ang kanilang buhay noon kung paano sila natutulog sa sala ng kanilang bahay kung saan sila ay nagsiksikan pa. Pero ngayon, may kaniya-kaniya na silang mga magagandang kwarto dahil pinagawan nila ng napakalaking bahay ang kanilang mga magulang bilang kanilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at para lang maitaguyod sila sa araw-araw ng kanilang mga magulang.

Ang kanilang natamong tagumpay sa buhay ay isang patunay na walang imposible sa pag-abot sa mga pangarap. Sa tulong na rin ng Diyos, sila ay nagabayan na huwag sumuko sa pagkamit ng kanilang tagumpay sa kabila ng mga paghihirap na kanilang naranasan sa buhay.
Maraming mga netiznes ang na inspire at sumaludo sa naging sipag at tiyaga ng kanilang mga magulang na sa kakarampot nilang kita ay napagtapos nila ang kanilang mga anak. Sa pagbabago ng panahon, anak naman ang magbabalik ng kanilang pagmamahal para sa bawat sakripisyo ng kanilang mga magulang. Ito ay bilang pasasalamat natin sa lahat ng hirap na ginawa ng ating mga magulang para sa atin.
Mariel At Robin Padilla, Pinatayuan Ng Maℓaking Apartment Ang Mga Kasambahay At Kanilang Pamilya

𝚂𝚒 𝚁𝚘𝚋𝚒𝚗 𝙿𝚊𝚍𝚒𝚕𝚕𝚊 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚊𝚝 𝚋𝚎𝚝𝚎𝚛𝚊𝚗𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚊𝚛 𝚜𝚊 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣 𝚒𝚗𝚍𝚞𝚜𝚝𝚛𝚢.
𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝, 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚋𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 “𝚋𝟺𝚍𝚋𝚘𝚢” 𝚜𝚊 𝚒𝚗𝚍𝚞𝚜𝚝𝚛𝚒𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚊𝚗𝚐𝚊𝚜 𝚗𝚊 𝚛𝚘𝚕𝚎 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚙, 𝚖𝚊𝚙𝚊 𝚃𝚅 𝚜𝚑𝚘𝚠 𝚖𝚊𝚗 𝚘 𝚙𝚎𝚕𝚒𝚔𝚞𝚕𝚊, 𝚜𝚒𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚋𝚘𝚝 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚋𝚞𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚞𝚜𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚕𝚊𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚝𝚊𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚖𝚊 𝚊𝚝 𝚝𝚞𝚖𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚜𝚊𝚠𝚊 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙼𝚊𝚛𝚒𝚎𝚕 𝚁𝚘𝚍𝚛𝚒𝚐𝚞𝚎𝚣-𝙿𝚊𝚍𝚒𝚕𝚕𝚊.
Ang mag-asawa ay nagtayo lang naman ng apartment para sa kanilang mga kasambahay. Ang nasabing apartment na regalo ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay ay ipinakita sa YouTube channel ng TV host na si Mariel.

Ayon sa mag-asawa, ang regalo na ito ay isa sa kanilang paraan para ipakita ang kanilang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa serbisyo na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga kasambahay.
Mahal at malaki ang malasakit nina Robin at Mariel sa kanilang mga kasambahay kaya naman ginagawa nila ang kanilang makakaya para mapasaya at makapagpasalamat sa kanilang mga kasambahay na siyang naaasahan at tumutulong sa kanila sa araw-araw.


Ang nasabing apartment ay talagang gusto ng kanilang mga kasambahay dahil simula nang maglockdown at magkaroon ng pand3miya sa bansa ay hindi na sila naka-uwi pa sa kani-kanilang mga pamilya.
Labis na nami-miss at nais na umanong makita ng mga kasambahay ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi na nagdalawang isip pa ang mag-asawa na ito ang siyang iregalo nila para sa mga ito.
Ani Mariel,
“Tonight on my YouTube Channel is something more special. Since the lockd0wn no one has left the house, including our staff. Miss na nila pamilya nila. Ito kwento nila. Kamusta sila ngayong pand3mic. Lahat ng sakripisyo may matamis na kapalit basta magsumikap. Isang pangarap ng bawat tao nakamit nila ngayong panahon ng C0VID.”

Ideya umano ni Robin ang pagpapaggawa ng apartment sa Museo Padilla. Ayon kay Mariel, naging mahigpit umano sila sa pagpapalabas ng mga tao sa kanilang bahay simula noong magkaroon ng pand3miya sa bansa para na din masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila.
Ngayon na mayroon ng apartment ang kanilang mga kasambahay, tiyak na makakasama na muli nila ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi maiwasan ng mga kasambahay na maging emosyonal para sa regalong ito na handog nina Robin at Mariel.

Ani Jo, isang midwife na mahigit ng tatlong taon na nagtatrabaho sa pamilya nina Robin at Mariel,
“Nagpapasalamat po akodahil napapunta ako sa pamilya nyo.”
Saad naman ng isa pa nilang kasambahay,
“Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba. Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo.”
The post Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver at Mananahi, Pinatayuan Ng Mansyon Ang Kanilang Magulang appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments