“TRUE LOVE NEVER DIES”
Naantig ang puso ng mga netizens nang mag-viral sa social media ang mga larawan ng isang Lolo na namimili ng damit sa ukay-ukay sa Olongapo City nito lamang Miyerkules.
Ayon sa uploader na si Janina Ulanday, Noong una ay inakala niya na namimili ang matanda ng damit para sakanyang sarili ngunit napansin niya na sa women’s section ito kaya naman nagtaka si Ulanday at kinausap ang matanda.
“Para po kanino ‘Tay?” tanong ni Ulanday
“Para sa babae,” sagot ng matanda
Agad naman nagtanong uli si Ulanday “Pang-regalo po ba?”
Matapos ang ilang segundo ay bigla na lamang tinanong ng matanda ang babae at itinaas ang hanger, “Para sa misis ko. Maganda ba?”tanong ng matanda
“Opo ‘Tay, maganda,” agad naman itong sinagot ni Ulanday.
Napatanong din ang matanda kung maganda ba ang kanyang napiling damit para sa kanyang mahal na asawa.
“Hindi pala sayang ‘yung tagal kong naghanap. Para kay misis ‘to. Para may pang-alis siya. Salamat ha?” dagdag pa ng matanda.
“Nung nakita ko siya, wala na, hindi na ako naghanap ng bibilhin ko. Sinundan ko na lang po siya kasi nakakatuwa talaga eh. Talagang binubusisi niyang mabuti ‘yung mga damit. Kinakapa niya ‘yung mga tela kung okay po na bilhin niya,” ayon kay Ulanday.
Napahanga nalang ang babae at napansin rin niya na hindi pa tapos ang matanda sa paghahanap ng regalo para sa kanyang misis. Napaka sarap isipin na sa kabila ng kanilang edad ay puno parin ng pagmamahal ang kanilang ipinapamalas.
Mapapa sana all nalang ang lahat, tunay nga na true love never dies, Kahit na subukin pa ng panahon hinding hindi ito kukupas.
“Narealize ko na love has no age. Love is the root of all happiness… Na hindi presyo ang magpapasaya sa tao dahil ang tunay na kasiyahan ay ang kasiyahang hindi nahahawakan bagkus ay nararamdaman,” dagdag pa niya. (Photos courtesy of Janina Ulanday)
Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya

Viral ngayon sa social media ang isang 90 years old na lola pilit lumalaban sa hamon ng buhay.
Pinukaw ang puso ng online community sa ginawang post ni Jun Butac tungkol kay Lola Lucena “Lola Lusing” Barangay Damiano na taga Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.


Photo: Facebook/Jun Butac
Sa pag-aalala ni Jun sa kalagayan ni Lola Lusing ay ibinahagi niya ang mga litrato nito upang makahinga ng kahit kakaunting tulong.
Dahil sa kahirapan sa buhay, pinagkakasya umano ni Lola Lusing ang kanyang kakarampot na ulam ng ilang araw. Naghihintay lang din umano siya ng kung ano ang maiabot na pagkain sa kanya ng mga kalapit na bahay.
Walang nabanggit si Jun sa kanyang post kung may kamag-anak ba si Lola o kung nasaan na ang mga ito. Pero mapapansin sa larawan na siya mag-isa lang na namumuhay sa kanyang tahanan.
Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing, kaya naman agad na nag-abot ng kanyang tulong ai Ma’am Rona mula sa Pasuquin, Ilocos Norte



Photo: Facebook/Solsona Mps
Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal niyang iniabot ang kanyang tulong sa matanda na siyang nagbigay ng napakalaking ngiti kay Lola Lusing.
Maraming may mabubuting puso ang nagpaabot din ng kanilang tulong kay Lola. Makikita sa mga larawan ang napakaraming groceries at mga kagamitin para kay Lola Lusing.





Photo: Facebook/Jun Butac
The post “Nakakaantig ng Puso!”, Isang 97-year-old na Lolo ang namimili sa ukay-ukay para sa kanyang Mahal na Misis appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments