Ibinahagi ng isang netizen ang nangyari sa kaniyang sasakyan kung saan ay nabangga ng isang jeep na pagmamay-ari ng matandang lalaki kahapon lamang sa Tuguegarao City, ika-16 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Kinilala ang netizen na si Francis Anthony V. Semana.
Noong siya raw ay nasa BPI Caritan, mayroon daw sasakyan na nag-park sa likod ng kaniya ring sasakyan. Iniwan daw nito ang sasakyan upang mag-withdraw sa banko. Sa kasamaang palad daw ay walang handbreak ang jeep ng matanda at bumangga sa likod ng kaniyang kotse.
“Nagpark si manong sa likod ko at iniwan ang sasakyan para mag withdraw. Walang handbreak so bumangga siya sakin,” paglalahad ni Francis.
Pinuntahan niya raw ang matanda sa ATM; ka-wi-withdraw lamang daw nito at may hawak na pera. Tinanong niya raw ang matanda kung wala raw bang handbreak ang sasakyan nito at sinabi niya na ring tinamaan nito ang kaniya namang kotse.
Paglalarawan pa niya sa matanda, “Ninenerbyos at luma pa ang plaka”. Nanghingi raw ito ng pasensya at hindi raw nito alam na nabangga. Namumutla na rin daw ito at nanginginig na.
Pagsasalaysay ni Francis sa mga sumunod na nangyari:
“Ako: Kuya, taga saan po ba kayo?
Manong: Taga Iguig pa ako. Pasensya kana tlga.
Ako: Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin. Buhay tayo parehas. Ingat na lang po kayo sa byahe.”
Matapos ang nangyaring usapan, nang umalis ang matanda, bumusina raw ito at kumaaay palayo.
“Ung mga maliliit na bagay na pwede naman idaan sa magandang usapan. Ganun na lang. Palipasin na lang. Andami daming problema ngayong pandemya. Wag idaan sa init ng ulo. Spread Love guys.” Sabi pa nito.
Labis naman ang paghanga ng mga tao sa ginawang ito ni Francis at inulan din ng papuri ang huli, sapagkat sa panahon ngayon, bihira na lamang ang mga taong ganito.
Isang Hindi Kilalang Babae, Pinakain Ang Mag-amang Gutom Na Gutom Na Sa Jollibee
Talaga nga namang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin ang ating mga kababayan na pinipili pa din na maging mabuti at magbigay ng tulong para sa mga kapwang nangangailangan sa kabila ng mga pagsubok at problema na kinakaharap natin ngayon.
Katulad na lamang ng kabutihang ginawa ng babae na ito matapos ilibre ng makakain ang mag-amang pulubi na gutom na gutom.
Ayon sa post ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita umano ng babae ang mag-ama na namamalimos sa labas ng Jollibee kaya naman walang pag aalinlangan niyang pinapasok ang dalawa sa naturang fast food restaurant at ilibre sila ng makakain.
Dagdag pa ni Alexiefe, marami umano ang umiwas sa mag-ama dahil sa kanilang hitsura ngunit ang babae ay hindi nagdalawang isip na tulungan sila.
Ang mag-ama ay gutom na gutom na din daw dahil malayo pa ang kanilang pinanggalingan. Naglalakad lamang sila dahil wala silang sapat na pera para mamasahe pa.
Bukod sa pagkain na ibinigay ng babae sa mag-ama, binigyan niya din ang mga ito ng kaunting pera upang sila ay mabilis ng makarating sa kung saan man sila pupunta.
Lubos naman ang pasasalamat ng matandang lalaki para sa babae dahil sa kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita nito sa kanila kahit pa man ganoon ang kanilang hitsura.
Narito ang kabuuang post:
“Guys.. pasikatin natin itong babae..
“Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe, pero itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe, labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa’yo! nawa’y pagpalain ka ng Poong may Kapal.. thumbs up”
Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawa ng hindi pa nakikilalang babae na hindi man lang nagdalawang isip na tulungan ang mag-ama.
Jollibee Service Crew, Kinamanghaan ng mga Netizens Matapos na Gawin Ito sa Isang Matandang May Kαραnѕαnαn!
Marami sa atin ang may pinagdadaanan sa buhay ngunit mahiråp man ay nananatili pa rin ang mga Pinoy na magpatuloy at maging positibo sa buhay. Sa araw-araw na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay marami pa rin ang may mabubuti ang kalooban. Isa na rito ang Jollibee Service Crew na naaktuhang tumutul0ng sa isang matandang ℓαℓαкι nα мαy kαραnѕαnαn.
Pauwi na ng mga oras na iyon ang service crew nang makita niya ang lalaking may кαραnѕαnån na tila gut0m na gut0m na at mukhang kulang din ang kanyang pera para makabili ng pagkain.
Dahil dito, inabonohan na lamang ng service crew ang pagkain ng lalaki. hiråp na rin itong sumubo kaya naman tinulungan pa siya ng service crew na makakain.
Marami ang lubhang namangha sa ginawa ng service crew. tunay nangng lamang ang kabutihan ng mga Pinoy. Saludo kami sa’yo kuya!
Narito naman ang ilang komento sa naturang post:
“Sana lahat tayo maging mabait at matulungin sa ating kapwa upang tayo ay kalugdan ng DIYOS higit pa sa ating naiitulong ang ipagkakaloob niya sa atin”
“Sana lahat ng jolibee crew ganyan…god bless always guapo”
The post Netizen, Di Inasahan Ang Sumunod Na Nangyari Matapos Mabangga Ng Isang Matandang Lalake Ang Sasakyan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments