Looking For Anything Specific?

Prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah, gusto ma-meet sa personal si Ivana ALawi matapos magandahan at mapanood ang aktres sa YouTube

Talaga nga namang hindi matatawaran ang kagandahan ni Ivana Alawi.

Dahil pati prinsipe ng Brunei ay kanyang nabighani.

Isa nga si Ivana sa bagong pantasya ng bayan ngayon.

Dahil sa angkin niyang kagandahan at ganda ng hubog ng katawan ay marami talaga ang nahuhumaling.

At kamakailan nga lang ang prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah ay nais siya makilala ng personal.

Si Prince Mateen ay ipinanganak noong August 10,1991.

Isa siya sa mga anak ng Kagalang-galang na si Sultan Hassanal Bolkiah sa pangalawa nitong asawa na si Puan Hajah Maryam.

Bilang anak ng pinakamakapangyarihan na tao sa kanilang bansa, nanatiling normal ang buhay ni Prinsipe Mateen at nagagawa niya ang mga pangkaraniwang gawain ng mga binata kagaya ng pamamasyal.

Isa rin siyang magaling na polo player na naglaro sa South Asian Games noong 2017 at 2019.

Sa katunayan ay mayroon siyang personal na eroplano at siya mismo ang nagmamaneho nito.

Maliban dito ay nakapagtapos din siya ng Master’s Degree sa International Studies and Diplomacy.

Mula sa The School of Oriental and African Studies, University of London.

Isang binata na naghahanap ng kanyang katuwang sa buhay kung maituturing si Prince Mateen.

At kamakailan ng lang ay ipinahayag niya ang pagkabighani kay Ivana Alawi.

Nagandahan daw kasi ang prinsipe ng mapanood si Ivana sa YouTube.

Ang isa sa mga tauhan kasi ni Prince Mateen ay avid fan ni Ivana.

Lagi itong updated sa mga vlog ng dalaga at dito ng nakita ng prinsipe ang se’xy actress turn vlogger.

Ngunit ang tanong, papasa kaya ito kay Ivana?

Dahil sa ilang panayam sa aktres ay mariin niyang sinabi na wala sa utak niya ang pagkakaroon ng boyfriend.

 

Ayaw din ng dalaga sa mga maporma at mayabang.

Aniya, hindi siya mabibili o masisilaw sa pera.

Ivana Alawi, binigyan ng malaking pera ang kanyang magkapatid na kasambahay matapos niya itong paiyakin sa prank

Napaiyak na lamang ang mga kasambahay ni Ivana Alawi nang abutan niya ng pera ang mga ito matapos niyang i-prank.

Isa si Ivana sa mga sikat na YouTube influencer sa panahon ngayon.

Bawat video na kanyang inilalabas ay talaga namang humahakot lagi ng million views.

Karamihan sa kanyang mga content ay ang pagpa-prank.

Hindi lamang sa mga mahal niya sa buhay kundi maging sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Pero sa bawat prank na ginagawa niya ay may kaakibat naman itong biyaya.

Sinusuklian niya ito ng malaking halaga upang makatulong sa pangangailangan ng taong nais niyang tulungan.

At kamakailan nga lang, ang kanilang mga kasambahay naman ang napiling i-prank ni Ivana.

Sa umpisa ng kanyang video ay hindi mapigilan ni Ivana na matawa dahil sa gagawin niyang kalokohan sa kanilang mga kasambahay.

Dito ay ipinaliwanag niya na mayroon silang dalawang kasambahay, ito ay sina KC at Mae.

Binahagi din ni Ivana na lagi lang nasa bahay sina KC at Mae. Kaya nakikita ng mga ito ang ginagawa niya tuwing may ipa-prank siya.

Dagdag pa ni Ivana akala daw siguro ng dalawa ay hindi sila mabibiktima ng mga kalokohan ng magandang dalaga.

Isang buwan daw pinlano ni Ivana kung anong prank ang gagawin niya sa dalawa nilang kasambahay.

At ang naisip nga niya ay ang pekeng “What’s in the box.”

Ikinwento din muna ni Ivana kung paano niya nakilala ang kanilang mga kasambahay.

Sa nasabing prank naman ay kunwaring nasira ang camera na bagong bili lang ni Ivana.

Panay paliwanag naman sina KC at Mae nang makitang tila galit na si Ivana.

Hanggang sa naiyak na lamang sina KC at Mae dahil pinapabayaran ni Ivana ang camera.

Nang makita ni Ivana na di na mapigil ang luha ni KC dito na niya sinabi na “It’s a prank.”

The post Prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah, gusto ma-meet sa personal si Ivana ALawi matapos magandahan at mapanood ang aktres sa YouTube appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments