Looking For Anything Specific?

Sikat na basketball player na si Scottie Thompson hiwalay na sa long-time girlfriend. matapos kumalat ang larawang kinasal na sa ibang babae

Ikinasal na si Ginebra superstar Scottie Thompson sa isang private ceremony sa Las Piñas, ayon sa ilang report.

Ang istorya ni Scottie Thompson at Pau Fajardo ang tunay at bagay na bagay sa kanta ni Moira na “PAUBAYA.”

Ako ang nauna, pero siya ang wakas.”

Napapakanta na lang ngayon ang mga netizens dahil sa viral na kaganapan ng Ginebra superstar na si Scottie Thompson. At sa fiancee nito na si Pau Fajardo.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans ng Ginebra ang matagal na relasyon ng basketball player sa fiancee nitong si Pau Fajardo at nagpropose na rin ang manlalaro sa dating nobya noong January 1, 2021.

Ngunit may lumabas na balita na noong Abril pa nag-break sina Thompson at Fajardo. Burado na rin ang mga litrato nilang dawala sa Instagram account ng basketbolista.

Inamin ni Thompson na siya dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng dating nobya

At magpapakalalaki umano siya upang harapin ang mga ibabatong galit ng netizen sa kanya.

Ayon sa ilang report, dalawang buwan pa lang nαgкαкαhιωαℓαy sina Scottie at Pau, pero tatlong buwan na ang relasyon ng player at ng naging asawang si Jinky Serrano.

Ayon sa report, ang stewardess mula sa Pampanga na si Jinky Serrano ang napangasawa ni Thompson,at ang kasalan ay naganap noong unang linggo ng Hunyo.

Dagdag pa sa ilang report, na kaya agaran ang kasalan ni Thompson at Jinky sa kadahilanang  buntis na ito di umano.

At kailangan panagutan ng player ang dinadala nitong bata.

Pinahinto na rin ni Scottie si Serrano bilang flight attendant at posibleng asikusuhin na lang nito ang business sa Pampanga.

Si Serrano ay nagmamayari ng ilang beauty clinic sa Pampanga.

Samantala, maraming netizens ang nanghinayang at tila nasasaktan umano para sa sinapit ni Pau Fajardo.

Tignan: Mga Pinaka-Engrandeng Kasalan Sa Pinas Na Umabot Ng Ilang Milyon Ang Gastos

Inihayag ng isang socmed page na ‘Pinoy History’ sa isa nilang post ang mga maringal na kasalang naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kalakip nga ang mga litrato ng mga itinampok na mga bride at groom, ipinakita ang mga tinantiyang halaga ng nasabing mga kasalan. Bukod pa roon ibinahagi rin ang mga petsa kung kailan nangyari ang kasal.

Ang Top 10 nga sa ‘Grandest Filipino-Wedding in History’ ay sina dating Presidente Ferdinand Emmanuel Marcos at Imelda Romualdez.

Ang kanilang kasal noong ika-1 ng Mayo, 1954 ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 2,300,000.00.

Hindi na rin nakapagtataka sapagkat galing ito sa pamilya ng mga politiko at sumunod din siya sa yapak ng kaniyang pamilya noong siya ay maging Presidente mula ika-30 ng Disyembre, 1965 hanggang ika-25 Pebrero,1986.

Sumunod naman sina Gabriel “Gabby” Concepcion at Sharon Cuneta, na ang kasal noong ika-23 ng Setyembre 1984 ay nagkakahalaga ng Pitong milyong piso, nang in-adjust sa Inflation, ngunit kung ilalahad ang halaga nito noong taong 1984 3.8 milyong piso ang magiging halaga nito.

Nagkaroon ng isang anak ang dalawa, at ito nga ay si KC Concepcion. Sa kasamaang palad, naghiwalay ang dalawa noong Agosto 1987, tatlong taon matapos ikasal.

Sinusundan naman ito nang kasalan nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre, 2017. Nagkakahalaga ito ng tinatayang 17 milyong piso.

Pang-pito naman sina Potenciano Larrazabal III at Donna Yrastorza na ikinasal noong ika-19 ng Setyembre,1998.

Humigit-kumulang 25 milyong piso ang naging halaga ng kanilang kasalan.

Sina Ariel “Aga” Muhlach at Charlene Mae Bonnin naman na nag-isang dibdib noong ika-28 ng Mayo, 2001 ay mayroong tinatayang 27 milyon na halaga ng pagpapakasal.

Sunod naman, sa panglimang pwesto ay sina Yilmaz Bektas at Sharmaine Ruffa Gutierrez na ang kasalang ginanap noong ika-25 ng Mayo, 2003 ay nagkakahalaga ng 28 milyon din.

Ngunit, sa kasamaang palad, naghiwalay din ang dalawa noong taong 2007 dahil magkaiba raw ng kultura ang dalawa.

Kalaunan nga’y inamin ni Ruffa na nakaranas siya ng pisikal at emosyonal na pang-aabuso mula sa dating asawa.  Mayroong dalawang anak ang mga ito at tuluyan ngang na-annul ang dalawa noong taong 2012.

Ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna noong ika-30 ng Emero, 2016 ang pang-apat sa listahan. Nagkakahalaga ng tinatayang 84.5 milyong piso ang naging kasalan ng dalawa.

Noong ika-14 naman ng Marso, 2004 ikinasal sina Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

98 milyong piso naman ang estimated wedding cost ng dalawa na pangatlo sa Top 10 Grand Filipino-Wedding in the History.

Sumunod naman ang kasalan nina Jose Sixto Raphael Dante at Marian Gracia o mas kilala bilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Naganap ang kasal ng dalawa noong ika-30 ng Disyembre, 2014.

Naging kontrobersyal ang kasal ng dalawa dahil na rin sa pagka-engrande nito kung saan ay nagkakahalaga ng mahigit-kumulang 103 milyong piso.

Ang pinaka-engrande pa nga sa pinaka-engrande na kasalang nangyari sa Pilipinas ay ang kasal nina Doctor Vicky Belo at Hayden Kho Jr. noong ika-2 ng Setyembre, 2017.

Tinatayang 502 milyong piso o kalahating bilyong piso ang naging halaga ng kanilang kasal. Ito ay talaga namang nakamamangha dahil sa pagka-engrande nito.

Engrande man o simple, mahal man o hindi ang naging halaga ng kasalan, anupaman yan basta’t magmamahalan ang dalawang tao at iginagalang ang sakramento ng kasal, wala nang hihigit pa rito.

The post Sikat na basketball player na si Scottie Thompson hiwalay na sa long-time girlfriend. matapos kumalat ang larawang kinasal na sa ibang babae appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments