Labis labis ang pasasalamat ng beteranang aktres na si Sunshine Cruz dahil sa maayos na pagsasama ng kanyang mga anak at ang step-brother nila. Mayroong tatlong anak si Sunshine sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano. Sila ay sina Angelina, 19, Sam, 15, at Chesca, 14. Malalapit rin ang mga dalaga sa kanilang kapatid na si Diego Loyzaga.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang tatay ni Diego ay si Cesar rin. Ito ang panganay ng dating action star sa kanyang ex-partner na si Teresa Loyzaga. At kahit pa hindi na nag-uusap si Cesar at ang mga anak nito kay Sunshine, nananatili namang malapit si Diego sa kanyang mga stepsisters.


Sa katunayan, lagi nitong dinadalaw ang kanyang mga kapatid tuwing wala itong trabaho. Ayon kay Sunshine, nagpapasalamat siya dahil caring at responsible na kuya si Diego. Lagi rin daw nitong kinakamusta ang kanyang mga kapatid at dinadalaw sila sa kanilang bahay sa Paranaque City.
Kamakailan lang, nagbahagi si Sunshine ng larawan ng magkakapatid, kung saan makikitang nagse-celebrate sila ng birthday ng kanilang pet dog. Sa caption, pinasalamatan rin ni Sunshine si Diego dahil sa muling pagbisita nito sa kanyang mga kapatid.


Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi rin ni Sunshine na halos araw araw ay bumibisita si Diego sa kanilang bahay. Ngunit hindi daw sila laging nagpo-post ng larawan dahil nirerespeto rin niya ang request ng mga ito na gawing private na lamang ang kanilang bonding time.
“He visits my kids. May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children. But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids. Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong. Napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
Sunshine Cruz, pinuri ng mga netizens ng ibahagi ang larawan na nagbabakasyon kasama ang mga dalagang anak “Parang magkakapatid lang”

Viral ngayon sa social media ang mga larawan nina Sunshine Cruz kasama ang 3 anak nila ni Cesar Montano na babae.
Nag-bonding si Sunshine Cruz at tatlo niyang anak sa La Chevrerie resort.
Sa kanyang Instagram, makikitang parang kapatid lang ni Sunshine ang mga anak na sina Angelina, Sam at Chesca.

Dahil sa maganda pa ring pangangatawan at pagiging younger-looking ng 43-anyos na aktres.

Ang daming naloka sa se’xy figure ni Sunshine. Para raw itong hindi nanganak, para raw kapatid lang niya ang kanyang tres maria’s.

Kayang kaya diumanong makipagsabayan ni Sunshine sa kaseksihan ng kanyang mga dalaga.

Saad ni Sunshine sa kanyang post, “It was an enjoyable 4 day stay at La Chevrerie.”
Makikita sa mga larawan na enjoy na enjoy ang mag-iina habang nagtatampisaw sa swimming pool.

Hindi rin maitatanggi na talaga namang halos mukhang magkakapatid lang sila.

Maraming netizens nga ang nakapansin dito, kaya naman umani ng papuri ang kanilang mga larawan.


Narito ang ilang komento mula sa mga netizens at ilang celebrities:
“Angat na angat si Rona eh!! Haha! Hello ate and your tres marias!!! “
“Wow beautiful talaga c bunso”
“sayo po ba galing sila?… para lang mag totropa”
“sana all parang magkakapatid lang kayo”
“Ang gaganda parang magkakapatid lang”
“I love this fam!! so pretty nyu! parang magkakapatid lg talga kayu mommy Shine”
Kapansin-pansin naman ang naggagandahang mga kutis at pigura ng mag-iina.
Talaga ngang nananalaytay sa kanilang dugo ang dugo ng isang artista na kitang kita naman sa kanilang mala-anghel na mga mukha.
Marami din ang naging inspirasyon si Sunshine ukol sa pagtatanggol niya sa kanyang mga anak.
Ito ay nang maging tampulan ng mga bast0s na netizens ang mga litrato nilang mag-iina noon.
The post Sunshine, Laking Pasasalamat Dahil Close si Diego Loyzaga sa mga Step-Sisters Nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments