Alam naman natin na karamihan sa mga babae, ay normal lamang na magkakaroon sila ng access sa cellphone ng kanilang mga nobyo. Dahil kasi sa ganitong paraan ay nagkakaroon sila ng peace of mind at kumbaga walang sekretong tinatago ang kanilang mga nobyo mula sa kanila.
Ngunit, ma-iba tayo, dahil ayun kay aktres Ellen Adarna, hindi niya habit na mag-check ng cellphone ng kanyang mga boyfriend. At kamakailan lamang ay tinanong si Ellen kung binubuksan ba niya ang cellphone ng kanyang nobyo ngayon na si Derek Ramsay.
Kaya naman prangkang sinagot ni Ellen at nilinaw na hindi pa niya nasubukang nangialam ng cellphone kay Derek at ayun pa niya mismo na praning lamang ang gumagawa nito at walang tiwala sa nobyo.
Dagdag pa ng aktres, mga babaeng ‘pangit’ at ‘insecure’ lamang ang gagawa ng ganitong mga bagay. Aminado si Ellen na hindi pa niya ito napagdaanan. Ngunit kung saka-sakali lang na lokohin siya ni Derek, hinding-hindi magdadalawang isip si Ellen na iwan siya agad mismo.

Kaya naman ang nasabing opinyon ni Ellen ay agad umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens sa social media. Maraming mga netizens ang nagsabi na Tama si Ellen, at naniniwalang mahalaga pa rin ang privacy sa isa’t-isa. Ngunit, may iilan naman ang hindi sang-ayon dito.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.
Ellen Adarna, tinawag na ‘pangit’ ang mga babaeng nagtse-check ng cellphone ng kanilang mga boyfriend

Ellen Adarna proud Gwapa!
Isa ka din ba sa mga babaeng laging chinecheck ang phone ng kanilang mga partner?
Pwes may say si Ellen tungkol diyan!
Sa kanyang most recent Q&A session with her fans sa kanyang Instagram stories ay isa isang sinagot ni Ellen ang mga nakakawindang na tanong.

At ang isang tanong nga na naibato sa kanya ay kung chinecheck daw ba niya ang cellphone ng kanyang fiancee.

“Okay lang ba pakialaman ang cellphone ng boyfriend?”

Nakakatuwang sagot naman ni Ellen dito, “I never check his phone. I’m not an ugly, psycho b*tch.”

Dagdag pa niya, “Yung mga ganyan, para sa mga pangit lang iyan, mga insecure at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never.”

Sinabi pa nito na Gwapa siya kaya naman hindi na niya kailangan pang gawin ang bagay na iyon.

Isa din sa natanong kay Ellen ay, “what to do if my ex keeps messaging me even if ayoko na sa kanya.”

Sagot naman ng se’xy actress dito, “O di ba, ang ganda mo. Ang ganda mo pero di ka nag-iiisip… Di mo na isip na i block siya? Ano ba yang cellphone mo, analog?”

Laging game na game si Ellen sa mga nakakawindang na tanong at binibigyan naman niya ng nakakaaliw na sagot.
The post Tinawag Ni Ellen Adarna Na ‘Pangit’ at ‘Insecure’ Lang Ang Mga Babaeng Nagche-Check Ng Cellphone Sa Kanilang Mga Jowa appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed









0 Comments