Looking For Anything Specific?

TINGNAN: Ang Napakaganda at Magarang bahay ng aktor na si John Estrada na may golf course at malawak na swimming pool!

Kilala na si John Estrada sa mundo ng showbiz, mula sa kaniyang mga comedy, drama at actions na mga pelikula. Isa siya sa mga mahuhusay na aktor at mas higit siyang nakilala sa naging tandem nila ni Willie Revillame at Randy Santiago sa isang noontime show noon.

Source: John Estrada IG

Hindi man sila nagkatuluyan ng aktres na si Janice De Belen, sila naman ay nabiyayaan ng mga anak at hindi naman tinatalikuran ni John ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang mga anak. Ngayon ay masaya si John sa kaniyang bagong pamilya sa asawang si Priscilla Meirelles kung saan sila ay may isang anak na si Anechka.

Source: John Estrada IG

Ipinasilip ni John ang kaniyang malawak at magandang real estate property sa Dasmariñas Cavite na talagang nakakamangha sobrang ganda at lawak ng tanawin. Ang kaniyang bahay dito ay napaka-moderno ang disenyo na may malalawak na espasyo sa loob nito. At nakaka good-vibes sa pakiramdam at dahil sa napaka-maaliwalas na tanawin ng lugar.

Source: John Estrada IG

Makikita sa kaniyang malalaking glass window ang kaniyang golf course sa labas ng kanilang bahay kung saan mala-hacienda ang dating nito. Mayroon din ang aktor ng isang malawak at magarang swimming pool kung saan masarap ang mag-relax habang nakatingin sa tanawin ng lugar. Madalas na swimming time ang bonding ni John at ng kaniyang anak dito rin sila madalas magsama-sama ng kaniyang pamilya.

Source: John Estrada IG

Makikita din dito ang kanilang magandang living room na malawak ang espasyo, dito sila madalas magkulitan magpamilya kapag wala silang bisita. At higit sa lahat pinaka highlight ang golf course ni John dahil ito ang kaniyang matagal ng hobby.

Source: John Estrada IG

Ang property na ito ng aktor ay kaniyang nakamit sa kaniyang sipag at tiyaga sa kaniyang trabaho. Ito ang naging bunga ng kaniyang mga magpupuyat sa kaniyang tappings.

Source: John Estrada IG

Xia Vigor, tagapagmana ng 14 na bahay ng kanyang ama sa England at ilang properties sa Pilipinas

Sa murang edad, tigapagmana na pala ng maraming ari-arian si Xia Vigor.

Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry.

Sa loob ng limang taon sa showbiz limelight, talaga nga namang pinabilib niya ang publiko sa kaniyang mga talento.

Ang British-Filipino child actress ay unang nakilala noong siya ay tanghalin bilang Grand winner ng segment na ‘Mini-Me 2’ sa ‘It’s Showtime’.

Si Xia ay opisyal ng miyembro ng Viva Entertainment family.

Matapos niyang pumirma ng kontrata sa nasabing kumpanya noong nakaraang taon.

Nagkaroon naman ng panayam kay Xia sa kanyang contract signing.

Kasama niya noon ang kaniyang ina at ang nakakatandang kapatid na lalaki.

Dito ay naibahagi niya na noong una ang pangarap niya na maging isang weightlifter, hanggang sa naging salon girl ngunit ngayon ay tila mas gusto na niyang maging isang artista.

Sa mga sagot ni Xia ay makikita ang pagiging mabait na bata nito.

Kahit na isa siya sa pinaka sikat na child star ngayon ay may po at opo ang kanyang mga sagot.

Ibinahagi din niya na wala umanong nagbago sa kaniyang pamumuhay kahit pa man ngayon na marami na ang nakakakilala sa kaniya.

Kahit pa man siya ay nasa eskwelahan, sinabi niya na hindi siya tinatrato ng kaniyang mga kaklase bilang espesyal.

Sa nasabing interview, ay ibinahagi ng kanyang ina ang tungkol sa mamanahin ni Xia.

Mayroon daw pagma-may aring labing apat na bahay sa England ang ama nito.

At lahat daw ng iyo ay si Xia ang magmamana.

Hindi lubos akalain na sa murang edad ni Xia ay isa na pala siyang heredera.

Mayroon din silang salon sa England na isa sa kanilang source of income.

Panoorin dito ang video ng kanyang interview:

The post TINGNAN: Ang Napakaganda at Magarang bahay ng aktor na si John Estrada na may golf course at malawak na swimming pool! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments