Looking For Anything Specific?

Vice Ganda Napagtapos Ng Pag-aaral Ang Dalawa Niyang Kasambahay

Ang pagiging mautulungin at maawain ay talaga namang nasa pag-uugali na ng mga Pilipino, hindi maaalis sa mga pinoy ang ganoong ugali, kahit na ang ilan ay kapos rin sa buhay pinipili parin nilang tumulong ng kahit na walang kapalit. Sa panahon ngayon may kinakaharap na p@ndemya ang mundo, mas nakilala ang mga Pilipino sa pagiging matulungin, maraming kwento ng pagtutulungan ang lumabas at nagviral na talagang nakakatuwang isipin bilang isang Pilipino.

Source: Facebook

Ang kwento naman ng kabutihang pagtulong ni Vice Ganda sa kaniyang mga kasambahay ay talagang nakakataba ng puso dahil sa tulong niyang binigay ay nakapagtapos ng kolehiyo ang dalawa niyang kasambahay. Isang comedian/host si Vice Ganda sa isang noontime show na “It’s Showtime” at talagang marami ang napapasaya nito at marami rin ang kaniyang tagahanga, hindi lang sa pagpapatawa magaling si Vice Ganda magaling rin itong kumanta at umaarangkada rin siya sa pag arte.

Source: Facebook

Nanggaling rin siya sa mahirap na pamilya kaya hindi na mawala sa kaniya ang tumulong at magmalasakit sa kapwa, ang ilan sa mga lubos na natulungan niya ay ang kaniyang dalawang kasambahay na sina Emelyn Freo at Jacquelyn Guerrero, silang dalawa ang tinatawag niyang Vice Ganda Angels, taong 2012 ng sila’y mamasukan bilang kasambahay at balak nilang mag aral pagkatapos nilang maging kasambahay ngunit nang malaman ni Vice Ganda ang plano ng dalawa ay si Vice Ganda na mismo ang nag alok na siyang magpapa-aral sa dalawa upang makapagtapos ang mga ito at matupad ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.

Source: Facebook

Taong 2018 nang matapos nila ang kanilang pag-aaral at dahil sa may graduation ball ang mga ito muli silang tinulungan ni Vice Ganda, sila’y binigyan ng magandang make-over upang mas maenjoy nila ang kanilang graduation ball. At sa lahat ng ginawa at naitulong ni Vice sa kanila ito ang kanilang naging pahayag bilang pasasalamat:

“Hi ate Vice, thank you ito na oh pataapos na kami. Thank you sa lahat, hindi naming inexpect ‘to, ang ganda ng pa gown mo.”

Source: Facebook

Isang magandang asal ang pagtulong dahil sa bagay na ito maraming buhay ang pwedeng mabago, ito’y nagbibigay ng pag-asa sa iilang nanghihina. Nawa’y maraming tulad pa ni Vice Ganda ang tumulong sa mga nangangailangan, “share your blessings” ika nga nila.

Mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina, pinapurihan ng mga netizens dahil sa magandang pakikitungo sa kanilang kasambahay

Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Ito ay dahil sa magandang pagtrato nila sa kanilang mga kasambahay.

Alam naman natin na ang pagiging kasambahay ay hindi madaling trabaho.

May mga kasambahay na nakakaranas ng pagmamaltrato sa kanilang mga amo.

Pero mayroon din namang mga kasambahay na swerte sa kanilang mga pinagsisilbihan.

At isang patunay dito ay ang mga kasambahay nila Rodjun at Dianne.

Para sa mag-asawa ay pamilya na din kung ituring nila ang kanilang mga kasambahay.

Dahil malaking parte daw ang mga ito sa pang araw araw na bu’hay nila.

Lalo na ngayon na nagsisimula pa lang sila sa buhay may asawa nila.

Ang kanilang mga kasambahay ang isa sa gumagabay sa kanilang pagsasama.

At para bigyang pasasalamat ang mga ito ay naghanda ng surpresa sina Rodjun at Dianne.

Para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga kasambahay.

Isang magandang surpresa ang inihanda ng mag-asawa para sa kanilang minamahal na si Manang Nitz.

Sa Instagram account ni Rodjun ay ibinahagi niya ang pangyayaring ito.

Kung saan walang kaalam alam si Manang Nitz, dala ang isang cake ay nakaabang na sina Rodjun sa kwarto ng matanda.

Kitang kita naman na nasurpresa talaga si Manang Nitz at napaiyak pa nga ito sa surpresang hatid ng kanyang mga amo.

Kasunod naman nito ay ang paghahanda din nila sa isa panilang kasambahay na si Abe.

Sa kaniyang IG ay isang masayang pagbati din ang hatid niya para dito.

Happy birthday Abe! Salamat sa pagtulong sa pag alaga kay @babyjoaquinilustre at sa Love mo sa kanya. God bless you always #TeamILustre,” saad ni Rodjun sa kanyang caption.

Kaya naman umani ng napakaraming papuri ang mag asawa dahil sa mabuting pakikitungo nila aa kanilang mga kasambahay.

The post Vice Ganda Napagtapos Ng Pag-aaral Ang Dalawa Niyang Kasambahay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments