Nakalikom ng malaking halaga ang bagong kasal na umabot umano ito ng 629,000Php sa kanilang ‘Prosperity Dance’. Ang ‘prosperity dance’ ay isang tradisyon ng mga Pilipino para sa mga bagong kasal. Pinapasayaw ang bagong kasal habang sinasabitan ang mga ito ng pera ng kanilang mga ninong at ninang sa kasal, mga bisita, at kamag-anak.
Ito ay simbolo ng kaginhawaan umano ng bagong kasal sa pagsisimula nito ng bagong buhay o ang buhay mag-asawa. Maraming netizen ang nalula sa laki ng pera na nalikom ng isang bagong kasal sa kanilang ‘prosperity dance’. Umabot lang naman kasi sa tumataginting na Php 629 000 ang perang inabot at nalikom ng naturang bagong kasal galing sa kanilang mga kamag-anak at bisita sa ‘prosperity dance’ nito.
Mapapa-sana all na lamang talaga umano ang sinuman sa laki ng pera na nalikom ng dalawa sa pagsasayaw lamang sa kanilang kasal. Trending at umani ng maraming atensyon ang Facebook post tungkol dito na ibinahagi ng isang photographer na si Ernie Piamonte Balili sa isang kasalan sa Davao. Maging ito ay napa-wow na lang din sa laki ng pera na nalikom sa naturang kasal.
Biro pa nga ng iba na nakakita sa naturang post, bawing-bawi na umano ang perang nagastos sa kasal sa laki ng perang natanggap ng bride and groom. Dagdag pa ng iba, baka nga raw mas malaki pa ang perang natanggap ng mga ito kaysa sa perang nagsatos sa naturang kasalan. Sa mga larawan ng bride at groom na ibinahagi, makikita ang mga perang nakasabit sa kanilang damit na inaayos pa sa hugis ng pamaypay. Umuulan ng tig-iisang libo at limang daan ang mga perang nakasabit sa bagong kasal.
Kaya naman, hindi maiwasag mainggit ng maraming netizen sa laki ng pera na nalikom ng dalawang ito. Kung ganito lang naman din umano ang matatanggap sa kasalan, magpapakasal na lamang umano ang ilang mga netizen. Marami naman ang naintriga sa mga bisita, ninong, at ninang umano ng dalawang ikinasal. Bihira lamang ang ganoon kagalanteng mga bisita kaya naman, ang swerte umano ng dalawang ikinasal.
Ayon naman sa isang ulat, ang ganoon kalaking pera sa ‘prosperity dance’ ng naturang bagong kasal ay tradisyon na umano sa pamilya na mga ito. Naniniwala raw kasi ang pamilya ng mga ikinasal na dapat daw ay maginhawa ang kanilang pagsisimula ng buhay mag-asawa. Nasa dalawang ikinasal na lamang umano kung paano nila palalaguin ang natanggap na pera.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.
Groom Na Nagkamali Sa Pagsabi Ng Kanyang Wedding Vows, Viral Ngayon Sa SocMed

Ang karaniwang pag-iisang dibdib dito sa pilipinas ay pormal na okasyon na pagbubuklod ng dalawang tao. Kadalasan makikita sa isang kasalan ang matitinding emosyon tulad ng iyakan, kagalakan at walang pagsidlan ng pagmamahalan. Hindi puwedeng ma kompleto ang isang kasal ng hindi nagpapalitan ng vows ang bride at groom.
Subalit nabasag ang pormal na okasyon na ito ng matinding tawanan sa loob ng simbahan. Ang kasalan nila Shiela Llagas at Cleyford Llagas na taga Lucena City, Quezon Province.
Naging viral ang video clip ni Shiela sa kanyang socmed account dahil sa maliit na pagkakamaling ito ng kaniyang asawa. Sa panahon natin ngaun na pandemic, maraming nabuhay ng loob sa maiiksing video na ito.

Sa kanilang wedding video mapapansin ang paggaya ni Cleyford sa sinasabi ng Pari, at ng siya ay nagkamali hindi napigilan ng kaniyang Bride na si Shiela, ang kaniyang pagtawa pati ang mga bisita, maging ang pari na nagkakasal sa kanila.
Ang narining ng Pari bride at mga basita na sinabi ni Cleyford ay “Tinitipan kita maging aking bahay” imbes na “Tinitipan kita maging aking may bahay.”


Pagkarinig ni Shiela sa sinabi ni Cleyford hindi niya napigilan mapatawa pati na ang mga basita. Mabilis naman binawi ng Groom ang pakakamali.
Subalit hindi na rin napigilan ang kanilang pagtawa maging ang Groom ay natawa sa kanyang pagkakamali. Hindi tuloy napigilan ng Pari na mgbiro na “Take two, palibhasa Arkitekt ka, walang iniisip kung hindi bahay, bahay lagi. Sige ulet.”

Nakatutuwa din ang Caption ni Shiela sa video na kanyang iniupload sa kanyang socmed account, Yung ikakasal na kayo pero yung isip ng asawa mo nasa trabaho pa yata.
Sa kasalukuyan maraming netizens ang natuwa sa kanilang video. Ang video clip nila Shiela ay umabot na sa 1.1 million views, 160,000 reacts at 16,000 comments sa kanyang socmed account.
TINGNAN: Pinuri ng mga netizens ang magkasintahang ito, na naging masaya sa kanilang kasal kahit na napakasimple lamang nito.

The post Viral Ngayon Ang Bagong Kasal Na Nakalikom Ng Humigit 629,000PHP Sa Kanilang ‘Prosperity Dance’ appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed








0 Comments