Looking For Anything Specific?

Wedding pictorial theme sa Såbüngån, viral at umani ng iba’t ibang komento kung saan ikinagiliw ng madla

Ang pagpapakasal ay hindi dapat minamadali. Mula pa sa pag paplano ng mga detalye at mga dapat mangyare ay dapat hinihimay himay, at pinag-iisipang mabuti.

Nang sa gayon, maging Pulido ang mga bawat kaganapan bago, habang at pagkatapos ng kasal.

Ang bawat magkasintahan ay malamang naghahangad ng kanilang mga plano at mga gusting gawin sa kanilang magaganap nap ag iisang dibdib.

Hindi na siguro mahalaga kung simple o engrandeng kasalan pa yan.basta ang mahalaga, nasa tamang tao ang pagsasabihan mo ng “I do” dahil ang pagpapakasal ay pang habang buhay na sumpaan ng pagmamahalan.

Nararapat lamang na sigurado at walang kahit anong magiging aberya.

Ang kasal ay pinag iipunan. Sa isusuot, sa mga bisita, disenyo ng simbahan, reception at iba pa. Madaming nauusong kasalan sa panahon ngayon kagaya na nga ng iba na nag dadaos ng kanilang kasalan ng tinatawag na “minimalist wedding” o kaya man ang nauusong eco- friendly na kasalan.

Mayroon ding “luxurious and extravagant” at mga kung ano ano pang wedding theme.

Ngunit ang dalawang magkasintahan na ito ay kakaiba. Dahil sa sabüngan lang naman nagana pang kanilang wedding pictorial na talaga namang kinagiliwan ng marami.

Ang lokasyon ay idinaos sa Nadongholan Cockpit sa Ormoc. Ang dalawang kwelang mag asawa mula sa Ormoc City sa Eastern Visayas ay nakilala sa pangalang Harvey at Rose Ann.

Imbis na dalawang mapuputing kalapati ang pinaghahalik, naging manok na panabong ang ginamit.

Marami ang natawa sa nagging konsepto ng kanilang kasal. Ngunit naroon pa din ang pag aalala kung bakit sa sabüngan nila ginanap ang kanilang wedding pictorial.

Post a Comment

0 Comments