Looking For Anything Specific?

Arci Munoz, personal na binisita ang isang PWD na si Kuya Abeng sa Corregidor Island Siargao para pasayahin ito

Masayang nagbabakasyon ngayon ang aktres na si Arci Muñoz sa Isla ng Siargao.

Sa mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ay makikitang ine-enjoy ng aktres ang kagandahan ng isla.

Giliw na giliw din ang aktres sa mga asong alaga ng mga naninirahan sa resort na kanyang pinuntahan.

At tinawag pa nga niya ang mga ito na kanyang island buddies. “Island buddies. soo many great reasons to smile!” saad nito sa kanyang caption.

At syempre hindi mawawala ang pag-flex ni Arci sa napakagandang hubog ng kanyang katawan na hinahangaan ng marami.

Tuwang tuwa din ang dalaga sa mga makukulay na surfing board, dahil kilala ang Siargao na surfing capital ng bansa.

Wala namang ibang detalyeng ibinigay si Arci kung sino ag kasama niya habang nagbabakasyon sa isla.

Ngunit sa post ng isang netizen, may isang fan ni Arci ang kanyang napasaya. Ito ay ng personal niyang binisita ang PWD na na si Kuya Abeng.

Sa Facebook post ng netizen na si Espino Daposala Dexter ay kitang kita ang ngiti ni Kuya Abeng ng nasa tabi na niya si Arci.

May dala dala pang bulaklak ang aktres na tila handog ni Kuya Abeng para sa kanya.

Lyca Gairanod, ibinahagi ang pagtulong sa matandang nangangalakal na si Nanay Ising. matapos niyang maalala ang sarili niya dito noon

Isang nakakaantig na istorya ang ibinahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang latest vlog.

Ibang-iba na nga ang buhay ngayon ni Lyca Gairanod matapos niyang tanghalin bilang grand winner.

Ng kauna-unahang season sa Kapamilya TV show na “The Voice Kids Philippines” noong taong 2014.

Maliban kasi sa mga natanggap niyang premyo sa nasabing patimpalak ay sunod-sunod rin ang mga proyekto na kaniyang ginawa kagaya na lamang ng mga song recordings at TV commercials.

Isa rin sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Lyca ay ang pag-gawa ng vlog sa YouTube.

Kaya naman, biglang guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya at nakalipat rin agad sa bago nilang bahay.

Ganoon pa man, hindi pa rin nakakalimutan ng batang singer ang lugar na kaniyang pinanggalingan.

At ang mga bagay na ginagawa niya noon bago pa man siya makilala sa industriya ng showbiz.

Sa katunayan ay lagi niyang binabalik-balikan ang lugar kung saan siya lumaki.

Makikita sa kaniyang Youtube vlog ang payak nilang pamumuhay noon sa tagpi-tagping bahay na matatagpuan malapit sa dagat.

Pati na rin ang pangangalakal niya noon ay hinding hindi aniya makakalimutan ni Lyca.

Kaya naman ng may makilala siyang isang matandang babae ay agad niya itong tinulungan.

Ayon kasi kay Lyca ay nakikita niya ang kanyang sarili sa matanda na kinilalang si Lola Ising.

Namumuhay kasi ang matanda sa tabing ilog at tanging pangangalakal lang din ang kanyang ikinabubuhay.

Nang makita daw ni Lyca si Lola Ising ay parang nabiyak ang kanyang puso.

Kaya naman pinilit niyang ipahanap ito sa kanyang Team Charan upang maabutan ng tulong.

Binilhan ni Lyca ng mga grocery, pagkain at mga prutas si Lola Ising at personal niya itong dinala sa tahanan ng matanda.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

The post Arci Munoz, personal na binisita ang isang PWD na si Kuya Abeng sa Corregidor Island Siargao para pasayahin ito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments