Si Gerald Anderson ay isang Filipino-American na sumikat dito sa ating bansa bilang artista at endorser. Una syang nakilala noong sumali sya sa reality show na Pinoy Big Brother. Mula noon ay hindi na nga Nawala ang ningning sa bituin na si Gerald dahil hindi ito nauubusan ng proyekto. Hanggang ngayon nga ay napapanood pa rin ang actor sa kanyang teleserye na Init Sa Magdamag.

Si Julia Barretto naman ay galing sa pamilya ng mga artista. Bata pa lamang sya noong nagsimula syang umarte sa teleserye na Kokey. Gaya ni Gerald ay hindi na nga sila nawalan ng ningning at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sila sa kanilang mga career.

Noong nakaraang taon ay umugong ang mga pangalan nina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil sa balitang panlol*ko daw ni Gerald kay Bea Alonzo. Kapwa naman itinanggi nina Gerald at Julia ang pag-aakusa.

Kamakailan lamang ay nag-upload ng video ang aktres na si Marjorie Barretto kung saan makikita ang anak na si Julia kasama si Gerald. Base sa mga komento, mukhang tanggap na nga daw ng pamilya Barretto si Gerald bilang parte ng pamilya.

Isa pang patunay na tanggap na nga sa pamilya si Gerald ay ang post kamakailan ni Julia Barretto kung saan kasama ng kanyang pamilya si Gerald Anderson na nagbakasyon sa Baguio City.

Sa kanilang mga larawan, kitang kita nga ang closeness ng actor na si Gerald sa ina ni Julia na si Marjorie at sa mga kapatid nitong sina Claudia, Leon at Erich.
Tunay ngang maganda at positibo ang epekto ang pagmamahalan nina Gerald at Julia sa isa’t-isa dahil maging sa ibang tao ay kanilang nai-share ang kanilang love and care.

Kamakailan ay namataan sa Subic ang couple na namamahagi ng relief bags. Dahil dito, madaming netizens ang humanga at pumuri sa dalawa dahil sa handog na tulong at kasiyahan sa kominidad ng Subic.

Julia Barretto denilete ang larawan ni Gerald Anderson sa kanyang IG


Nagbura muli si Julia Barretto ng recet post niya sa social media.
Kung matatandaan, nakaraan lamang ay binura ni Julia ang kanyang vlog. Kung saan nakapanayam niya ang kanyang ama na si Dennis Padilla.

Ito ay matapos mag-viral ng interview ni Ogie Diaz kay Dennis at napag-usapan nila ang mga nak ng huli.

Hinuha ng ilang netizens ay binura daw ni Julia ang kanyang video tampok ang ama ay dahil sa pahayag nito tungkol sa kasintahan niyang si Gerald Anderson.

Ipinahayag kasi ni Dennis sa panayam kay Ogie ang napag-usapan nila noon ni Gerald.

Ito ay noong mainit ang isyu sa break up nito kay Bea Alonzo. Kung saan nakaladkad as third party ang anak n’yang si Julia Barretto.

Dito ay kinuwento ni Padilla na siya mismo ang tumawag kay Anderson noon na nasasangkot sa kontrobersya matapos ang kanilang hiwalayan ng noo’y nobya ng aktor na si Alonzo.

Nadamay ang anak nito na si Barretto na itinuturong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
Ito umano ang dahilan kung bakit personal siyang tumawag kay Gerald upang linawin ang mga isyu.

Napag-usapan din nina Dennis at Ogie ang tugkol sa pagkamiss ng komedyante sa kanyang mga anak.

Napansin din ng ilan na noong nagsabi ng “i love you” si Dennis kay Julia sa vlog nito ay thank you lamang ang sinagot ng dalaga.

Samantalang panay i love you daw ito sa mga post niya patungkol sa nobyo.

At kamakailan nga lang, nagbura muli si Julia ng kanyang online post.
At this time, ang picture ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson at ang St. Bernard dog, na si Amari ang binura niya sa kanyang IG.

Palagay tuloy ng mga netizens, may kinalaman ito sa naging pahayag kamakailan ng komedyante hinggil sa relasyon ni Julia sa 32-anyos na hunk actor.
The post Gerald Anderson At Julia Barretto, Hinangaan At Pinuri Dahil Sa Paghahandog Ng Tulong at Kasiyahan Sa Komunidad Ng Subic. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments