Mainit ang sunud-sunod na mga balita tungkol sa relasyon ng artistang si Ellen Adarna at ang kaniyang ngayon ay fiancé nang si Derek Ramsay.
Nagsimula ito noong bali-balita na si Ellen ang dahilan ng hiwalayan ni Derek at ng aktres na si Andrea Torres. Hanggang sa mabilis na mga balitang mula sa isang buwan na relasyon ay agad nang nai-engage ang dalawa at nagpaplano nang magpakasal bago matapos ang taon.

Maraming mga show at balita ang nais makausap sila Ellen at Derek upang malaman ang mga pangyayari sa relasyon nila, at nasagot lamang ang lahat ng mga katanungan ng kanilang mga tagasuporta, nang makapanayam nila si Dra. Vicky Belo nang sila ay mag-guest sa youtube vlog nito.
Nang ibinahagi ng dalawa ang kanilang kwento ay marami ang naantig sa kanilang pagmamahalan at sa kanilang mga pinagdaanan bago pa makasama ang isa’t-isa. Lalo na at bukas sa media ang lahat ng nangyari sa aktres na si Ellen noong siya ay nagpapagaling sa kaniyang depresyon.

Magmula ng panayam na iyon ay nabawasan ang mga basher ng magkasintahan, at mas lalo pang natuwa ang mga netizen nang ilabas ng GMA actress na si Kiray Celis ang video nila noon ni Derek na naglalambingan sa dagat.
“Sorry, Ellen, nauna talaga ako! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” saad ni Kiray sa kanyang caption nang ipost niya sa kaniyang tiktok account ang nasabing video.
“Ellen, una siyang naging akin.” dagdag pa ni Kiray sa comment section ng kaniyang post.
Maraming mga netizen ang natuwa at nagkomento pa ng mga nakakatawang banat sa post ni Kiray.

“Love is blind!! Ang harot mu jn ms. Kiray Celis hehe pero nakaka-kilig tlaga ung part na yan sa inyo dalawa ni derek”
“Haha ang cute kakilig parang totoo ses kiray hahaha may spark”
“Hahahaah kabahan ka na kay Kiray Ellen”
“Hahaha hindi ko alam kung kniklig ako ohh na tatawa ako sana all miss Kiray Celis”
Ang nasabing video ay kinunan nang minsan ay magtambal si Derek at Kiray sa kanilang pelikula na Love is Blind, kasama ang aktres na si Solenn Heussaff.

Ellen Adarna, nagbigay ng reaksyon matapos i-post ni Derek Ramsay ang kanyang larawan na natutulog na nakanganga
Simula ng aminin nina Derek at Ellen sa publiko ang kanilang relasyon ay marami na ang sumubaybay sa kanila.
Lagi din nagbibigay ng update ang magkasintahan sa mga activities nila sa araw araw na magkasama sila.
Nakaraan nga lamang ay magkasama sa isang beach getaway ang engaged couple kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa mga ibinahaging larawan ni Derek, kitang-kita ang pagmamahalan nila habang naglambingan sa tabing-dagat.

Makatapos naman nito ay nagviral din kamakailan ang kanilang kissing photo.

Unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang “flexibility” pagdating sa pagwo-workout sa pamamagitan ng tinatawag na “elaborate kissing-while-doing-yoga” pose.

Dito makikita ang pagyo-yoga ng dalawa sabay halikan gamit ang iba’t ibang posisyon.

At mukhang kinakarir na nga nina Ellen at Derek ang ganitong klase ng workout kung saan napagsasama nila ang romance at fitness goals.

Bagamat may mga humanga sa acrobatic post ng dalawa, ilan naman ang nagsabi na tila “offensive” ito.

Ngunit hindi ito alintana ng magkasintahan, ine-enjoy lang nila ang kanilang relasyon. At patuloy lang sila sa pagpapakilig sa isa’t-isa.

At kamakailan nga lang, viral na naman ang naging reaksyon ni Ellen sa litratong ipinost ni Derek tungkol sa kanya.

Nagpost kasi si Derek ng litrato ni Ellen na nakanganga habang napakahimbing ng tulog.

Saad ng aktor sa kanyang caption, “You know you really love someone when you don’t freak out when you wake up to this in the morning!”
Agad namang nagkomento si Ellen sa post ng kasintahan, “Kaya pa’tay na pa’tay ka sakin eh,” say ni Ellen.
Kinagiliwan naman ito ng kanilang mga fans, marami din ang nagsabi na napakaganda pa din ni Ellen kahit tulog lang ito.
The post Kiray Celis, Kinabog Si Ellen Adarna Sa Kaniyang Throwback Photo Kasama Si Derek Ramsay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments