Looking For Anything Specific?

Kylie Padilla, pinuri ng mga netizens matapos ibahagi ang kanyang sayaw ngayon sa Tiktok

Nagpagalingan sa TikTok moves ang mainit na pinag-uusapan ngayon na Kapuso “couple” na sina Kylie Padilla at Andrea Torres.

Sa ibinahaging TikTok videos sa Instagram, parehong kumasa sa Breakfast Challenge sina Kylie at Andrea.

Makikita si Kylie na naka-all black fit habang ipinapakita ang moves nito.

Kapansin-pansin din ang maikling buhok ng aktres na bagay na bagay sa kanya.

“We are no longer TikTok virgins,” caption ni Kylie sa Instagram, at ipinaalam na mayroon na silang TikTok accounts.

Agad namang nag-comment si Andrea sa post na ito ni Kylie, “Gwapo mo Babe,” na may kasamang heart eyes emoji.

Nag-post din ng video si Andrea na may nakalagay na caption na, “BetCin made us do it! Hahaha!”

Sa isa pang TikTok post ni Kylie ay umindak naman siya sa saliw na La La La ni Jonas Baclao.

Bumilib maging ang ibang kapwa celebrities sa kanilang Tiktok posts.

Hindi rin nagpahuli sa suporta ang ilan sa mga kaibigang artista ni Kylie na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Rita Daniela, Michelle Dee, Mayton Eugenio, Saab Magalona at Drew Arellano.

 

Kamakailan lang, ilang larawan ang ipinost ni Kylie na tila may kissing scenes sila ni Andrea bilang pasilip sa bago nilang proyekto.

Tila isang couple kung titignan sina Andea at Kylie sa kanilang mga litrato. Kaya naman marami sa kanilang mga fans ang nagaabang na sa proyektong pagsasamahan ng dalawa.

Vlog ni AJ Raval na Naglilinis ng Kwarto, Umabot ng 4 Million Views sa Youtube!

Isa si AJ Raval sa mga pinakasikat na young stars ngayon sa social media. Ang 20-anyos na aktres ay anak ng action star na si Jeric Raval, kaya naman hindi na siya nahirapang makapasok sa industriya ng showbiz. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na dumarami ang taga-hanga ni AJ sa social media.

Upang mas makilala pa siya ng mga fans, nagdesisyon rin si AJ na pasukin ang mundo ng vlogging. Sa kanyang official Youtube channel, nagbabahagi si AJ ng kanyang pang-araw araw na gawain na madalas ay hindi nakikita ng kanyang mga fans. Kamakailan lang, nag-share rin siya ng kanyang bedroom cleaning video.

Sa vlog na ito, ipinakita ni AJ kung paano niya linisin ang kanyang kwarto. Isang linggo pa lamang simula nang i-upload ito ni AJ, ngunit sino nga ba namang mag-aakala na aabot ito ng milyon-milyong views? Sa katunayan, sa ngayon ay mahigit 4.1 million views na ang kanyang vlog.

Sa kabilang banda, hindi naman mapigilan ng mga netizens na ikumpara ang cleaning video ni AJ Raval sa “A day in my life” ni Ivana Alawi.

Katulad ni AJ, agad ring nag-trending ang video ni Ivana, kung saan ipinakita niya ang kanyang daily routine. Sa ngayon ay mahigit 27 million views na ito sa Youtube, at patuloy pa itong nadaragdagan!

Silipin ang mga komento ng fans sa sizzling video na ito ni AJ Raval:

“Buti pa ‘to naglinis lang ng bahay 3million views na in 5days lang. ako hanggang 3rd floor nilinis ko, kunti lang nanood unfair talaga.”

“This vlog inspires me to clean my room and to focus on one angle for 22 minutes lol.”

“Ang sipag mo naman ganda sa lahat ng nandito tara magtulungan tayo para umangat tayo lahat nothing is impossible with god.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Kylie Padilla, pinuri ng mga netizens matapos ibahagi ang kanyang sayaw ngayon sa Tiktok appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments