Looking For Anything Specific?

RR Enriquez, Nawalan Ng P64K Nang Ipinadeposito Niya Ang Kanyang Pera Sa Bangko

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng television personality na si RR Enriquez ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang pera na ipina-deposito niya sa kaniyang mga tauhan.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni RR na inutusan niya ang kaniyang driver at staff na mag-deposit ng P2.3-M sa banko.

Sinabi pa ni RR na ilang beses niyang binilang ang pera bago ito ipahatid sa bangko kaya laking gulat na lamang niya na kulang na ang pera noong ito ay bilangin na sa banko.

Ani RR,

“I am still contemplating if I will post this or not! But again if you know me, I’m the type of person na mahilig mag vent out! Why? Because alam ko na may sense ang mga post ko and may lesson madalas.

“So today I asked my staff to deposit a 2,380,000 pesos. Sorry I’m not bragging!! Gusto ko lang talaga ikuwento in detail.”

Dagdag pa niya, “My driver brought the money (sealed sa box) picked up my staff and bring her to the bank. Pag dating ng bank, when the teller count the money sa machine. It’s 2,316,000 na lang. Nawawala ang 64thousand.”

Ayon pa kay RR, hindi niya ugali na magbintang sa ibang tao ngunit sinabi niya na hindi siya puwedeng magkamali sa halaga ng pera dahil ilang ulit pa niya itong binilang bago iabot sa kaniyang staff.

Kinapkapan naman ng gwardiya ng bango ang kaniyang driver at staff ngunit hindi nila nakita ang kulang na pera.

Ibinahagi din ni RR ang video at ilang larawan na maaaring makatulong upang malaman nila kung saan napunta ang P64,000 na nawawala.

Nilinaw din ni RR na patago lamang sa kaniya ang pera na iyon.

Samantala, marami naman ang mga netizens na nagsasabi na dapat ay iniabot na lamang niya ang pera sa mas pinagkakatiwalaan niyang tao.

Former Wowowee Dancer, RR Enriquez, Stands as Inspiration After Becoming a Multi-Millionaire Businesswoman

Dating Wowowee dancer na si RR Enriquez ay isa na pala ngayong Milyonaryong negosyante. Marami ang napahanga ni RR hindi lamang sa galing nitong sumayaw sa telebisyon noon dancer pa ito sa sikat na game show ni Willie Revilame kundi pati na rin sa narating nitong tagumpay sa negosyo nito.

Isa si RR Enriquez na sumikat sa palabas na Wowowee dahil sa galing at ganda nila. Kasama niya ang dalawa pang dancer na kilalang kilala ng lahat na si Luningning at si Mariposa. Ngunit matapos ang karera ni RR sa paggiging dancer ay nagpasya ito magnegosyo.

Kasama ang boyfriend nitong si Jay-Jay Helterbrand ay itinayo nila ang “Rejuva Aesthetics and Laser Center” sa Cavite noong 2011. Sabay nilang pinangarap ang magtayo ng negosyo ngunit ang boyfriend nitong si Jay-Jay ang nagpasya na magtayo ng beauty center dahil na rin sa naging inpluwensya ni RR sa industriya ng showbiz na siyang nakatulong upang magkaroon sila ng mga customers.

Laki naman ang pasasalamat ni RR sa mga loyal nila customers kaya’t ipinaghuhusay pa nila lalo ang serbisyo sa kanilang negosyo.

Hindi naman maipagkakaila na nagamit ni RR ang kanyang mga natutunan noong nagtatrabaho pa ito kaya’t sinisiguro nilang dalawa ng kanyang boyfriend na tama at patas ang pangangalaga nila sa kanilang mga empleyado.

Inamin naman ni RR sa isang interview na talagang hands-on siya sa negosyo at patuloy na may bagong natututunan araw-araw.

Isa lamang si RR sa mga nagtatrabaho sa industriya ng showbiz na nagpasyang mag negosyo upang kung dumating ang araw na hindi na ito magpatuloy roon ay may seguridad pa rin na may kita pa rin siya. Sa ngayon ay tumatayong inspirasyon si RR hindi lamang sa publiko at sa mga nagnanais magsimula ng kanilang negosyo kundi pati na rin sa mga katulad nitong nagtatrabaho sa industriya ng showbiz.

The post RR Enriquez, Nawalan Ng P64K Nang Ipinadeposito Niya Ang Kanyang Pera Sa Bangko appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments