Looking For Anything Specific?

Vlogger, May Ginawang Kamangha-Mangha Sa Lalakeng May Kakaibang Sakit Sa Balat At Ayaw Lumapit Sa Ibang Tao

Walang arteng niyapos ng vlogger na ito ang isang matandang lalaki na mayroong sakit sa balat at ayaw nitong lumapit sa ibang tao sapagkat madalas kasing reaksyon ng iba ay mayroong kalakip na pandidiri.

Sa YouTube Channel nga ng naturang vlogger na Virgelyncares, ibinahagi rito ang nakakaantig damdaming kwento ng matandang lalaki.

Pagbabahagi pa ng vlogger, nakilala niya raw ang matandang lalaki na kinilalang si Tatay Domingo noong siya ay naghahandog ng mga relief goods. Nakaupo raw ito at may hawak na malaking kaldero nang kaniyang makita.

Dalawang taon nang pangangalakal ang pangunahing hanap-buhay ni Tatay Domingo, at nagbebenta rin ito ng mga tanim.

Noong tinanong ito ng vlogger tungkol sa kaniyang sakit, sinabi ng matanda na nagkaroon siya ng mga tila malalaking butlig sa kaniyang katawan at mukha noong siya ay 12-anyos pa lamang, dahil umano nasobrahan siya nang pag-inom ng gamot. Hindi na rin daw siya nakapag-aral noong mga panahong iyon sapagkat inuulan siya ng mga pangungutya mula sa mga kaklase.

Sa isang bahagi ng video, nang igiya na ng matanda ang vlogger sa kaniyang bahay, makikita ang ilang sako ng kalakal na kaniyang inilalabas upang maibenta. Ngunit, ayon sa kapitbahay nito, hindi nito agad maibenta ang mga kalakal sapagkat mabibigat ang mga iyon at wala itong sasakyan papunta sa bentahan.

Nag-alok naman ang vlogger na sa kaniyang tricycle isakay ang mga kalakal. Nang maibenta ang mga kalakal, nagkakahalang Php 134.00 ang kaniyang kinita, na kaniya namang pinagkakasya para sa pagkain at iba pang mga gastusin; mag-isa  na lang rin kasi sa buhay si Tatay Domingo.

Ngunit, hindi niya inaasahan na marami ang kaniyang maiuuwing bigas sa araw na iyon dahil sa tulong ng vlogger na kumakalap ng mga handog mula sa mga subscribers nito, na karamiha’y mga Overseas Filipino Workers (OFW), para sa mga kapus-palad.

Lubos ang pasasalamat ng matandang lalaki sa vlogger at sa mga iba pang nag-abot tulong.

Pinaalalahan naman ng naturang vlogger ang mga tao na hindi naman ‘nakakadiri’ ang balat ni Tatay Domingo saka niya ito niyakap at hinalikan.

Pinuri Ng Netizens Ang Mag-asawang Nagmagandang Loob Na Bilhan At Bihisan Ng Damit Ang Isang Pulubing Walang Kasuotan

Kahit mahirap ang buhay at panahon ng pandemiya, marami pa rin ang mga taong nagbibigay ng kanilang tulong sa kanilang kapuwa. Kahit sa simpleng paraan lamang makakatulong ay malaking bagay na iyon para sa mga taong nangangailangan. Isa na rito ang mag-asawang nag-viral ngayon dahil sa kanilang kahanga-hangang pagtulong sa isang matandang pulubing na naka hubo’t-hubad na kanilang nakita sa kalye.

Source: LJ Adop

Sila ang mag-asawang sina LJ at Wilfredo Adop, ayon kay Wilfredo ang mag-asawang ito ay nakasakay sa kanilang motorsiklo nang makita nila umano ang isang matandang wala anumang suot at tila kinukutsa at pinagtatawanan ng mga taong napapadaan dito.

“Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh.”

Source: LJ Adop

Kasama ni Wilfredo ang kaniyang asawa na si LJ nang kanilang makita ang matanda. Dahil sa nakitang kalagayan ng matanda nakaramdam umano sila ng awa kaya hindi sila nagdalawang-isip tulungan kaya binilhan nila ito ng pagkain at damit na maisusuot upang hindi na ito kutyain dahil wala itong saplot.

Ayon pa sa mag-asawa, mabuti na lamang daw at may malapit na ukay-ukay na bilihan ng mga damit sa lugar at mabilis silang nakabili ng damit para sa matanda. Hindi naman alintana kay Wilfredo ang pangamba na dala ng virus at walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan at binihisan.

Source: LJ Adop

“Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip ‘yung virus virus, naawa kasi ako kay tatay”, ani pa ni Wilfredo.

Ibinahagi ni LJ ang larawan na ito ng matanda sa kaniyang facebook account, labis naman na humanga si LJ sa kaniyang asawang si Wilfredo sa ginawa nitong pagpapa-bihis sa matanda.

Source: LJ Adop

Kaya naman maraming netizens ang lubos na humanga sa kanilang kabutihang loob at tunay nga silang ehemplo, pamarisan at maging inspirasyon sa pagtulong sa kapwa sa kanit ano mang paraan.

Source: LJ Adop

Narito ang kabuuan ng naturang Facebook post:

“*Kanina habang paalis kami
Me ; posh my nakita akong lalaki naka hubad as in walang damit.

*Pag balik namin
Me; posh ayan sya oh .
Posh ; wait posh . Bilhan nten damit san merun bilihan kahit ukay lang . Nakakaawa naman pinag tatawanan.

*Buti nlang may malapit na ukay store.
Thankyou Posh nakapabait mo talaga.”

The post Vlogger, May Ginawang Kamangha-Mangha Sa Lalakeng May Kakaibang Sakit Sa Balat At Ayaw Lumapit Sa Ibang Tao appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments