Hindi lang sa career blessed ang young actress na si Barbie Imperial, kundi maging sa kanyang love life! Maraming netizens ang talagang napa-“sana all” sa nakakakilig na pagsasama ni Barbie at ng kanyang boyfriend na si Marco Gumabao. Matatandaang nitong January 2021 lamang nang ibunyag ni Barbie na official na ang relasyon nila ni Diego.
Sa social media, ibinabahagi rin ng aktres ang sweet moments nila ni Diego. Ayon kay Barbie, wala na siyang ibang mahihiling pa dahil mapagmahal at maunawain si Diego sa kanya.
Ayon pa sa ibang fans na nakasubaybay sa kanilang relasyon, talagang deserve ni Barbie ang pagkakaroon ng mabuti at responsableng boyfriend.
Kamakailan lang, sa kanyang exclusive interview sa KAMI ay ibinahagi ni Barbie ang kaibahan ni Diego sa kanyang mga ex-boyfriend noon.
Matatandaang na-link si Barbie dati sa kanyang co-star na si JM de Guzman, at naging ex-boyfriend niya rin ang aktor na si Paul Salas. Ayon kay Barbie, ibang-iba si Diego sa mga ito.
“There’s a lot of differences with my relationship now with Diego from my past relationships. I was serious naman before, but now, mas grabe. We talk about life. We talk about future. At ang sarap sa pakiramdam when someone you love talks about a future with you. I’ve learned a lot from Diego,” pahayag ni Barbie.
Dagdag pa nito, malaki rin ang pasasalamat niya dahil marami siyang natututunan kay Diego. Na-inspire rin daw siyang maging mas mabuting tao dahil sa impluwensya ng kanyang boyfriend.
“He guides me. He helps me become the best version of myself. Im so used to being the alpha in a relationship, but with Diego, I can be just me. I can be a girl. I can be soft. He’s the best. And Im so lucky to have him in my life talaga,” pahayag ng aktres.
Barbie Imperial, nag-ala “Barbie Doll” sa kanyang napakagandang 23rd birthday photoshoot
Natupad na ang isa sa mga childhood dreams ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.
Ito ay ang mala-fairytale na photoshoot niya para sa pagdiriwang ng ika dalawapu’t tatlong kaarawan niya.
Sa kanyang Instagram noong July 30, ay ibinahagi ni Barbie ang napakagandang mga litrato niya sa nasabing photoshoot.
Saad ni Barbie, “Fantasy offers possibilities and sparks the imagination. At a young age, I fueled by tales of the power of dreams. It coalesced with the beautiful reality inculcated in me—that dreams will remain dreams if you don’t work hard for them. I am a dreamer, but I am also a doer.”
Dagdag pa niya, “In my fairytale fantasies and magical dreams, I wear a whimsical ensemble that sparkles with hope.
“I paint a world where visions turn into reality and imagination becomes life.”
Kalakip nito ay ang litrato niya na nagmukha siyang diwata na napapalibutan ng napakaraming bulaklak.
Sa kasunod naman niyang post ay naging isang real life Barbie doll ang aktres na nakasuot ng pink dress.
” You can be anything!Be your own doll, be who you want to be, and live your dream.Let your colorful imagination blossom into a bouquet of playful possibilities. I am Barbie,” say naman niya sa caption.
Ilang litrato din ang ibinahagi ng event stylist at photographer na kumuha ng larawan ng dalaga.
Na kinagiliwan ng mga netizens dahil sa napakaganda niyang awra.
The post Barbie Imperial, Ibinunyag ang Pagkakaiba ni Diego Loyzaga sa mga Naging Ex-Boyfriend Niya Noon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments