Looking For Anything Specific?

Billy Crawford, nagbahagi ng pasasalamat sa mga sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia dahil sa pagiging hands-on mommy nito

Proud na proud at sobra ang pasasalamat ni Billy Crawford para sa kaniyang misis na si Coleen Garcia.

Sa kaniyang Instagram post kamakaialan, ibinahagi ni Billy ang larawan ng kaniyang mag-ina.

Makikita sa nasabing larawan na nakatulog na si Coleen while breastfeeding their Baby Amari.

Kaya naman isang appreciation post ang ibinahagi ni Billy, aniya sa caption, “Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband!”

 

Aniya, nais niyang malaman ng anak nilang si Amari ang laki ng sakripisyo ng kaniyang mommy Coleen kapag lumaki na ito.

Samantala, kitang kita sa litrato ang kagandahan ni Coleen kahit nakatulog na ito sa pagod.
Umani naman agad ng samu’t-saring reaksyon ang post na ito ni Billy mula sa mga kaibigan nila sa industriya at mga netizens.

“kaya kelangan natin bumawi everyday, forever,” komento ni Chito Miranda.

“Awww so Precious, Billy !! All Breastfeeding Moms like me can relate!! ( well 16 and 11 years ago pa ang ganyang moments ko of course! Ahhahaha) bravo, @coleen !!” saad naman ni Christine Babao.

I have the same kind of photo of Cheska. Our wives are strong!” say naman ni Guji Lorenzana.

Maraming netizens din ang naka-relate sa post ni Billy at mas lalo din umano nilang na-appreciate ang kanilang mga asawa at ina.

Tunay naman talaga na ang mga asawa at ina ang siyang pinakamalaki ang sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sang-ayon ka ba dito?

Billy Crawford, Ibinahagi Ang Nakakaantig Na Tagpo Na Nadatnan Niya Sa Kanilang Bahay

Ibinahagi ng aktor at TV host na si Billy Crawford ang nakakaantig na tagpo na kaniyang nakita noong siya ay umuwi sa kanilang bahay.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ng aktor ang isang maiksing video kung saan makikita ang kaniyang asawa na si Coleen Garcia na nakatulog na habang pinapadede ang kanilang anak na si Amari Jaden.

Kaakibat ng nasabing video ay ang pagbati niya kay Coleen para sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa. Sa naturang caption, pinuri ni Billy ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mabuti at mapagmahal na ina nito sa kanilang pamilya.

 

Aniya,

“Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom but even a better wife, now that’s pure beauty!”

Dagdag pa ng aktor,

“Happy anniversary and I love you so so much! I pray that God will continue to bless us and guide our family to joy and success! My love! I came home to this by the way!”

Samantala, pinuri din ni Coleen ang kaniyang mister sa kaniyang Instagram post dahil sa pagsisikap nito at pagiging mabuting asawa at ama sa kanilang pamilya.

Saad ni Coleen sa caption ng kaniyang post,

“Happy(est) anniversary, my love! Thank you for assuring me every day that you love, appreciate, value, understand, and support me no matter what. You’re all I’ll ever need in a partner. I’m so thankful for you, and so proud of the husband and daddy that you are.”

Pagpapatuloy niya,

“You continue to grow so much because you are so humble and you genuinely care and want to be better for the people in your life. Thank you for giving us your all, and for keeping us in your mind in everything you do! Three cheers for three years of marriage, and for our little family of three! I’ll never stop thanking God for the both of you.”

Unang nabuo ang pagkakamabutihan nina Coleen at Billy sa isa’t isa nong sila ay naging magkatrabaho bilang mga host sa longtime variety show ng ABS-CBN na ‘It’s Showtime’.

Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong 2014. Nagpakasal ang dalawa sa Balesin Island sa Polillo, Quezon noong Abril 20, 2018 at sila ay biniyayaan ng cute at charming na anak na lalaki na si Amari Jaden.

The post Billy Crawford, nagbahagi ng pasasalamat sa mga sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia dahil sa pagiging hands-on mommy nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments