Looking For Anything Specific?

Biro ni Lolit Solis sa dahilan ng pagpapakasal ni Angel Locsin, ikinagalet ng maraming netizens

Inulan ng batikos ang comment section ng Instagram post ng batikang manunulat na si Lolit Solis.

Ito ay dahil sa banat nito sa umanoy biglaang pagpapakasal ni Angel Locsin kay Neil Arce.

Ayon kasi kay Manay Lolit, ang akala raw niya ay magda-diet muna si Angel.

Para maganda ito kapag naglakad sa aisle pero biglang civil wedding ang nangyari at hindi pa ito pinaalam sa madla.

“Sabi kasi nuon gusto nila iyon lahat nandun sa special day niya, dahil hindi nagdebut party si Angel, na meron nang naghihintay na wedding dress, pero bakit ganito ang nangyari.”

Dagdag pa ni Lolit, “Baka daw nahirapan mag diet at mukhang matagal bago pumayat, kaya bulaga, kasal na lang bigla.

Hah hah, joke joke, pero para ngang baka ganuon dahil si Neil mismo ang nagsabi nuon.

Na gusto niya unforgettable ang wedding ni Angel dahil once in a lifetime lang mangyayari.”

Ngunit ayon din kay Lolit, may sari-sarili namang choice ang mga ito at nasa sa kanila kung ano ang nais nilang mangyari.

“Pero siyempre kasal nila iyon, sila masusunod, sila lang ang puwede pumili ng gusto nila mangyari.

Saka sa panahon ngayon, talagang hirap ang big preparation, imposible na gawin mo iyon talagang gusto mo na big one dahil ECQ

At dahil narin parang insensitive iyon big party ngayon na parang ang hirap ng lahat.”

Marami naman sa mga netizens ang napataas ng kilay dahil sa tinuran ni Manay Lolit.

Ang iba ay nairita dahil napaka-bitter ng dating ng post nito.

Meron rin nakapansin na palaging negative ang mga sinusulat nito tungkol kay Angel

At pati na rin sa kaibigan nitong si Bea na recently nga ay lumipat sa Kapuso network.

Engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal na ngayon sa isang civil wedding

After two years of being engage, kinasal na sina Neil Arce at Angel Locsin.

Ito ang masayang ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram post ngayong Sabado ng gabi.

and just like that, Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig,” lahad ni Angel sa kanyang caption.

 

Ayon naman sa post ng NicePrint sa Instagram, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce Civil wedding done”

Makikitang nakasuot lamang ng casual white sina Neil at Angel sa naganap na kasalan.

Makikita rin sa Instagram post ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana ang ilan sa mga kuhang larawan sa seremonya ng kanilang kasal.

“In case you missed the end of their surprise reveal VLOG , check out the Angel and Neil channel on YouTube channel. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin,” saad sa IG caption ni Dimples.

 

Kasunod pa nito ay nagbigay din ng mensahe si Dimples para sa bagong kasal na matalik niyang kaibigan.

“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours”

 

Masayang-masaya si Dimples dahil isa siya sa mapapalad na nakasaksi sa pag-iisang dibdib na ito, kasama ang kaniyang mister na si Boyet.

Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Pinasilip ni Angel at Neil ang naging kasalan sa kanilang vlog na pinost sa YouTube channel nila nitong Sabado.

The post Biro ni Lolit Solis sa dahilan ng pagpapakasal ni Angel Locsin, ikinagalet ng maraming netizens appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments