
Aminado si Jinkee Pacquiao na kabado siya sa naging laban ngayon ng asawang si Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas.

Nagaganap ngayong araw ang laban ni Pinoy pride Manny “Pacman” Pacquiao kay Yordenis Ugas. Na ayon kay Jinkee ay labis na pinaghandaan ng asawa.

Sa isang interview sa kaniya, inamin ni Jinkee na hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa tuwing sasabak sa laban ang kaniyang asawa.

Pero ayon dito, nakatulog naman aniya nang maayos si Pacman at ipinagpapasa-Diyos na lamang nilang ang nangyayaring laban.

Wish nga niya na after this fight ay magretiro na ang mister. Although lagi nga raw sinasabi nito na gusto nito munang makaharap ulit sa ring si Floyd Mayweather, Jr.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacman noong 2015 and since then ay naghahamon na ang ating Pambansang Kamao ng rematch.

Pero mukhang hindi naman interesado si Mayweather na labanang muli si Pacman kaya ani Jinkee, sana raw ay last na ito.

Of course, kung si Jinkee ang tatanungin, noon pa ay gusto na niyang magretiro ang asawa sa boxing. Simula raw nang matalo si Pacman sa laban kay Juan Manuel Marquez IV noong 2012 na na-knockout ang mister, ayaw na raw niya talagang lumaban pa ito. At ganundin ang gusto ng buong pamilya. Talagang si Manny lang daw ang may gusto.

Samantala, sa naganap ngang laban kanina ay caught on cam na kabado talaga si Jinkee.

Habang nasa front seat ay katabi niya ang kanyang kambal. At masisilayan ang pag-aalala niya habang nasa loob ng ring ang kanyang asawa.

Nagwagi si Ugas by unanimous decision na maluwag namang tinanggap ng mambabatas.
Pero kapansin-pansin ang kuhang larawan kay Jinkee, na bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha.
Pagkatalo Ni Pacquiao Sa Laban Nila Ni Ugas, Inulan Ng Iba’t-Ibang Komento

Matapos ang labanan sa boksing nina Manny Pacquiao at Yordenis Ugás, hindi mapigilan ang ulanin ng iba’t-ibang komento ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao.


Nanalo si Yordenis Ugas via uninanimous decision, makikita naman kung gaano ka-solid ang suntok ni Ugas, at siyempre kay Manny na din. Ngunit, tila nabagsak si Manny sa round 9 na siyang pwedeng maging dahilan ng kanyang pagkatalo.
Kaya naman dahil dito, hindi mapigilan na ganito ang maging komento ng iilang netizens, may mga netizens ang nagsasabi na congrats manny pero may iba din ang nagsasabi na magretiro kana.


Samantala, may netizen din ang pumukaw ng atensyon dahil sa kanyang komento na kaya daw natalo si Pacquiao ay dahil hindi na vision ni Rudy Baldwin.
Narito ang iba’t-ibang komento ng mga netizens:










Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.
The post Caught on Cam, Jinkee Pacquiao’s reactions sa mga nakakadurog ng pusong tagpo sa laban ng asawa appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments