Sina Chito Miranda at ang kanyang asawa na si Neri Naig ang ilan sa mga tinututukang couple sa youtube ngayon dahil sa kanilang mga content na talagang educational nga para sa kanilang kapwa may asawa.
Naging personal naman ang kanilang usapin sa isa sa mga kanilang vlog kamakailan kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa paghawak nila ng pera. Sa video ay ipinaliwanag nila kung bakit may kani-kaniya silang business at kung bakit may kani-kaniya silang hawak na pera at kung paano ito nagwowork sa kanila bilang mag-asawa.

Nagsimula ang kanilang video sa pagsasabing maghahanap daw sila ng isang lupain kung saan nila ititirik ang tuyo negosyo ni Neri Naig. Agad namang idinagdag ni Chito na ang tuyo negosyo ni Neri ay kanya lamang at wala daw pag-aari doon si Chito.
Inumpisahan nilang sagutin ang issue na ito sa pagsabing may sari-sarili daw silang style o diskarte pagdating sa business. Bagamat sinabi din nila na meron din silang business na magkasosyo.

Isa pang naging dahilan ng kanilang pagkakanya-kanya ay dahil sa pagkakaroon nila ng magkaibang circle of friends kung saan sila ay nagiging business partners din nila.
Sa kabila ng pagiging kanya-kanya nila sa trabaho, hindi naman daw nila nakakalimutang humingi ng advice sa isa’t isa bilang mag-asawa. Ayon kay Chito, he trusts her opinion and she trust his opinion pero at the end of the day, kanya-kanya pa rin daw sila.

Ayon kay Chito, ang advantage ng pagkakaroon ng sariling hawak na pera ay kaya mong magtake ng risk sa isang business na walang iniisip na kasosyo kung sakaling hindi magwork.
Tungkol naman sa business na magkasosyo sila, madalas daw silang magkaroon ng argument dahil sa magkaiba nilang pamamaraan ng pamamalakad. Inamin ni Chito na si Neri daw ang tipo na istrikto pagdating sa trabaho samantalang happy-go-lucky daw ang pag-atake ni Chito.

Sinabi din mismo ni Neri na kahit magkaiba sila ng mga business, nirerespeto din naman daw nila ang business ng isa’t isa since ilang mga gabi, linggo o taon daw nilang pinagpupuyatan at pinaghihirapan ang mga ito.

Inamin din nila sa vlog na ito na si Neri daw ang uri ng business holder na mataas kung magtake ng risk kaya mataas din ang mga nagiging balik. Samantalang si Chito daw ang uri ng tao na nakikibakas lamang kapag nakikita nyang malago na ang isang business dahil kailangan daw nyang maging wais.

Payo na lang nila sa ibang business holders o sa mga balak pa lamang na magpatayo ng sariling business, wag daw matakot magtake ng risk dahil gaya nila, madami na daw silang hindi nagwork na business. Trial ang errors daw ang nangyari sa kanila hanggang sa nakuha na nila ang tamang paghandle hanggang sa lumago at dumami na ang kanilang mga businesses.

Mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, umabot na sa programa ni Raffy Tulfo. dahil sa kanilang nagviral na cryptic post

Naging talk of the town ang cryptic post nina Chito Miranda at Neri Naig ukol sa failed relationship.
Kamakailan nga lamang ay naging palaisipan sa mga netizens ang palitan ng cryptic post ng mag-asawa.
Kapwa kasi nag-post ang dalawa ng “cryptic messages” sa kanila-kanilang Instagram accounts na tila patungkol sa isang tila gumuguhong relasyon.

May kinukuwestiyon kasi ang Parokya ni Edgar frontman tungkol sa diumano’y pagbabago sa isang samahan.

“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat…pero bakit parang hindi na tulad ng dati?” tanong ni Chito sa kanyang IG post.

“Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin”
Pakiramdam naman ni Neri, base sa kanyang post, na tila hindi appreciated umano ang kanyang mga efforts.

“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon,” aniya sa IG.

”Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?”
Kapwa black and white din ang ginamit nilang larawan.

Kanya-kanyang hula ang kanilang followers kung patungkol ba saan ang ipinost nilang messages sa Instagram.

Merong fans ang nag-alala sa relasyon nina Chito at Neri, ngunit may iba naman ang nagsabi na posibleng may kinalaman ito sa bagong kanta na binubuo ng bokalista ng “Parokya ni Edgar”.

Hanggang sa umabot pa ang kanilang usapin sa programa ni Raffy Tulfo.
Hanggang sa napag-alaman na bahagi pala ng isang brand endorsement ang post ng mag-asawa.
Saad tuloy ng karamihan na iba talaga ang pakulo nina Chito at Neri pagdating sa kanilang mga endorsement.
The post Chito Miranda At Neri Naig, Inaming Kanya-Kanya Daw Sila Pagdating Sa Pera appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments