Looking For Anything Specific?

“Dalawa silang dine-date ko”- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati

Isa si Luis Manzano sa mga sikat na aktor sa industriya ng showbiz. Maituturing na ‘open book’ ang buhay nito sa publiko, lalo pa’t parehong public personalities rin ang mga magulang ni Luis. Interesado rin ang mga fans sa love life ng aktor, at hindi lingid sa kaalaman ng publiko na marami na rin itong naging girlfriend.

Sa ngayon ay kasal na si Luis sa kanyang long-time girlfriend na si Jessy Mendiola. Bago ito, matatandaang naging girlfriend rin ni Luis sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Anne Curtis, at Nancy Castiglione.

Ngunit sa kanyang mga naging ka-relasyon, naranasan na nga bang magloko ni Luis? Yan ang tanong ni Jessy sa kanilang latest “Never Have I Ever” challenge.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang vlog entry, kung saan tinanong nila ng personal questions ang isa’t-isa.

Nang tanungin si Luis kung nagloko na nga ba siya sa kanyang past relationships, tapat naman itong sinagot ni Luis at inaming guilty siya dahil naranasan na niyang magloko dati.

“I have. High school at saka college. Dalawa sila dini-date ko ng sabay. Actually hindi ko maalala, basta ang alam ko marami akong dine-date noon,” pahayag ni Luis. Ngunit nilinaw niya na naganap ito noong bata pa siya, at hindi na siya nagloko sa kanyang adult relationships.

Dagdag pa ni Luis, naranasan niya na ring ipagpalit ang kanyang kaibigan para sa kanyang girlfriend. Dati daw ay malapit pa sila ng aktres na si Anne Curtis. Ngunit hindi siya kinakausap ni Anne dahil di ito boto sa kanyang girlfriend noong mga panahong iyon.

“Parang a while back hindi niya gusto yung dine-date ko, sabi niya, “Manzano, as long as dine-date mo yon di tayo mag-uusap.” Tapos ako nung time na yon, may dine-date din siya. Sabi ko sige quits tayo, parang sabi ko you are not good for each other,” pahayag ni Luis.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwenot, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Jessy Mendiola, ipinagtanggol ang asawang si Luis Manzano sa mga nagsasabing ‘playboy’ ito!

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Jessy Mendiola sa mga kumakalat na memes na playboy daw ang asawang si Luis Manzano.

Si Jessy ay naging special guess sa sa latest vlog ni Luis Manzano kamakailan.

Dito ay ipinakita ng mag-asawa ang mga reaksyon nila sa mga litrato nila noong kasal nila na ginawang memes.

Isa sa napagtuunan nila ng pansin ay ang litrato ni Luis kung saan ay umiiyak ang actor host.

May meme na ginawa ukol dito na kaya daw umiiyak si Luis ay dahil tapos na ang kanyang pagiging babaero dahil ikinasal na siya.

Agad namang dinepensahan ni Jessy ang kanyang asawa, ipinaliwanag niya sa vlog ang kanyang karanasan.

Noong una daw niyang makilala si Luis at maging kaibigan ay inakala din niyang playboy nga ito.

Samantala, nang maging magkarelasyon na sila ay dito niya napatunayan na mali pala ang kanyang akala.

“Alam ng mga tao ito. Unang kita ko kay Luis tsaka nung unang friends pa lang kami, sabi ko, ‘Ito talaga para siyang kuyang manyak,” saad ni Jessy.

Dagdag pa niya, “Mukhang pakboy kasi swabe ka eh. You have your way with girls, you have your words, you are a smooth talker…”

Ngunit sa huli ay si Jessy na din mismo ang nagpatunay na faithful at loyal ang kanyang asawa.

“Mukha lang siyang ganun pero hindi talaga. Ako na magsasabi na hindi talaga,” pagbabahagi pa ni Jessy.

Sa part naman ni Luis ay wala naman daw siya pakealam sa mga sinasabi ng iba.

Pagpapatunay pa nga na siya mismo ang naghikayat sa mga followers niya na gawing meme ang kanyang litrato.

Umaabot pa nga daw ng halos 15 Million reach ang post niyang iyon.

Patunay lamang daw na maraming netizens ang talagang pinag-tripan ang kanyang picture.

Panoorin dito ang kanilang video:

The post “Dalawa silang dine-date ko”- Luis Manzano, Inamin kay Jessy Mendiola na Nag-Cheat na Siya Dati appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments