Tunay ngang bilog ang mundo at hindi natin masasabi ang mga maaaring mangyari kinabukasan. Madami na ang nakapagpatunay na ang karangyaan ay maaaring makamit nino man ngunit hindi ito nangangahulugang hindi na makakaramdam ng kahirapan at kagipitan kahit kailan.
Kadalasan sa ating mga Pinoy, sa ibang bansa hinahanap ang pera at trabaho dahil na nga sa malaking pasahod nito.
Ngunit bakit nga ba ang isang ginang na ito na may maraming pera at negosyo ay napilitang magsakripisyo at mamasukang bilang domestic worker sa ibang bansa?
Ganoon kabilis magbago ang ikot ng mundo ni Joh Bagundol Sese mula Midsalip, Zamboanga del Sur.
Ibinahagi niya ang kwento at naging takbo ng buhay ng kanilang pamilya na mula sa maganda at marangyang buhay ay napunta sa isang masalimuot at pagiging kapos palad.
Saad ng Hottest Online Trends, maginhawa ang pamumuhay ni Joh simula noong siya’y maikasal sa isang lalake na may pamilyang nagmamay-ari ng good export business sa Hagonoy, Bulacan.
Ilan sa kanilang mga negosyo ay ang sariling sari-sari store at manukan. Hindi na din mahirap sa kaniya ang kumilos sa bahay dahil mayroon silang sariling katulong at kasambahay.
Kagaya ng ibang negosyante, nagkaroon sila ng financial problem at ang kanilang negosyo ay nalugi nang napakalaking pera.
Lumipas ang mga taon at nalubog sila maraming utang, kung saan nagawa pang bantaan ang kanilang mga buhay at sinampahan ng mga kaso dahil hindi ito nakakabayad.
Maging ang kaniyang sariling pinsan na asawa ng kaniyang kasyoso sa negosyo na tagapag supply ng bigas, ay ipinost at ipinahiya siya sa social media.
Kahit na ganoon ang ginawa sa kaniya ng kaniyang kamag- anak, pinili niyang manahimik na lang alang alang sa kaniyang huong pamilya.
Wala nang ibang pagpipilian si Joh kundi ang mag ibang bansa o makulong. Sinubukan niyang mag- apply bilang domestic helper sa Singapore ngunit tatlong buwan na ang nakalilipas ay wala pa ding kumukuha sa kaniya.
Mayroong inikekomendang agency papuntang Saudi ang kanilang kapit bahay ngunit natatakot si Joh dahil na nga sa mga balitang inaalipusta ng ibang la ang mga Pilipino sa Middle East. Dahil na nga walang wala na, lakas loob niyang ibinigay ang kaniyang passport sa agency na ito.
Makalipas ang dalawang linggo nang siya ay makahanap na ng employer sa Saudi ang kanyang agency. Bagaman wala siyang ideya sa lugar at lenggwahe, ginawa niya ang lahat upang malampasan lahat ng pagsubok.
“Hindi man ako nagtapos, anak ko man lang makatapos” saad ni Joh.
Iginapang niya ng sabay sabay ang pag aaral ng kaniyang panganay na nasa kolehiyo at bunso na kasalukuyang high school.
Higit sa lahat ay ang kanilang mga utang. Taong 2017 nang nabigyan ng pagkakataong umuwi si Joh sa Pilipinas ngunit hindi siya masyadong lumalabas ng kanilang tahanan.
Lumipas ang isang buwan at bumalik din siya sa ibang bansa upang magtrabahong muli at mabayaran ng tuluyan ang lahat ng kanilang mga pagkakautang.
Nakapaggpatayo na din sila ng kanilang sariling sari- sari store na maaari nilang mapagkakitaan. Laking pasasalamat pa din ni Joh sa kaniyang asawa dahil sa suportang ibinibigay nito sa kaniya at mapagkakatiwalaan sa paghawak ng pera.
0 Comments