Looking For Anything Specific?

Dimples Romana, Niregaluhan Ng Bahay At Lupa Ang Kaniyang Kasambahay Na 17 Taon Nang Naninilbihan Sa Kanila

Sinurpresa ng actress na si Dimples Romana ang kaniyang yaya ng isang house and lot! Ibinahagi ito ni Dimples sa pamamagitan ng isang video sa kaniyang Facebook acount.

Napagpasyahan ng actress at ng kaniyang asawa na si Boyet Ahmee na bigyan ng isang espesyal na bagay ang kanilang kasambahay na di kalaunan ay naging parte na ng kanilang pamilya.

Ayon kay Dimples at Boyet, ang kanilang kasambahay na si Vilma ay naninilbihan na sa pamilya sa loob ng 17 taon.

Sa unang bahagi ng video, makikita na ang mag-asawa ay nasa loob muna ng kanilang sasakyan. Ipinaliwanag nila na kinausap na nila si Ate Vilma at sinabi dito na magkakaroon sila ng isang house tour.

Pagbabahagi pa ng actress na si Ate Vilma ay naging isang malaking bahagi na ng kanilang buhay na siya na mismo ang gumagawa ng desisyon pagdating sa mga dapat gawin sa bahay.

Kahit ang pagsama sa kanilang mga anak, hindi na nila kailangan pang pagsabihan o tignan ang kanilang kasambahay dahil alam ng mag-asawa na alam na nito ang kaniyang ginagawa pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Nagbiro pa nga si Dimples at sinabi na si Ate V ang real life Dani girl sa kanilang buhay. Si Dani Girl ang role na ginampanan ni Dimples sa teleserye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto.”

Sa nasabing video, sinabi nila kay Ate V na tatanungin nila ito patungkol sa kaniyang opinyon tungkol sa bahay kung bibilhin ba nila ito o hindi. Tila nagustuhan naman ni Ate V ang bahay dahil sinasabi niya ay “wow ang ganda” at “gusto ko to” pagkakita pa lamang ng loob ng bahay. Ngunit, ang alam lang ni Ate V ay hindi pa nabibili ng mag-asawa ang nasabing bahay.

Nagkaroon sila ng house tour mula sa gate, restroom, sa likod, at sa second floor ng bahay. Nang sila ay makarating na sa second room, doon ay nakatago ang surpresa na handog ni Dimples at Boyet sa kanilang kasambahay.

Sa nasabing kwarto, mayroong nakasulat sa pader gamit ang lobo na sinasabi: “OO ATE V PARA SAYO TO”. Mayroon pa silang standee ni Ate V bilang parte ng surpresa nila dito!

Nang mapagtanto ni Ate V na para sa kaniya ang bahay, naging emosyonal at hindi na niya napigil ang pag-iyak dahil sa kasiyahan at kagalakan sa surpresang handog sa kaniya nina Dimples at Boyet. Labis din ang pasasalamat ni Ate V para sa mag-asawa dahil pangarap niya talaga ang magkaroon ng sariling bahay.

Isabelle Daza Gumawa Ng Kakaibang Kontrata Para Sa Kanyang Mga Kasambahay Na Pinuri Agad Ng Mga Netizens

Usap-usapan ngayon ang aktres na si Isabelle Daza matapos siyang gumawa ng kontrata para sa kaniyang mga kasambahay.

Ibinahagi ni Isabelle Daza ang kanyang saloobin at pangarap para sa kapakanan ng lahat ng mga kasambahay sa Pilipinas.

Isa ang aktres sa mga may mahusay na pamamahala pagdating sa karapatan ng kanyang mga kasambahay bilang mga manggagawa.

Ipinost ni Isabelle sa kanyang Instagram story ang ginawa niyang official contract.

Kung saan nakapaloob ang lahat ng benefits at responsibilidad ng kanyang mga kasambahay.

Aniya, “So I decided to create a contract for my helpers at home to show their job description and their rights as an employee.” May karapatang mag-break ang mga ito sa loob ng walong oras nilang trabaho bilang “labandera” at “tagalinis.”

Meron din silang day off at sick leave. Pero ayon sa kontrata, hindi pwedeng mag-advance sa kanilang sweldo ang mga ito kund hindi naman “emergency.”

“This is also so they know they cannot get fired over simple mistakes. This will help them feel secure and proud to keep a job and protect both parties. And in return of course they do a job well done.”

Siya rin daw ang nagbabayad ng Social Security System (SSS), Philhealth at Pag-ibig contribution ng kanyang house helpers.

Ibinahagi ni Isabelle ang isa pang paraan para mapabuti ang pagsasama nila.

Kada buwan ay mayroon siyang evalution na natatanggap mula sa mga tumutulong sa kanya sa bahay.

Bahagi ng evaluation ang mga bagay na nakapagpapasaya sa mga ito, sa mga pinakakinaiinisan nila kay Isabelle at marami pang iba.

Kaugnay nito, pangarap umano ni Isabelle na ma-“professionalize” ang mga kasambahay, makatanggap ng nararapat na suweldo, at mabigyan ng two days off work gaya ng ibang mga manggagawa.

The post Dimples Romana, Niregaluhan Ng Bahay At Lupa Ang Kaniyang Kasambahay Na 17 Taon Nang Naninilbihan Sa Kanila appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments