Engaged na nga ba ang real and reel life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano?
Ito ang usap-usapan ngayon ng mga netizens dahil sa mga larawa nilang kumakalat ngayon sa social media.
Hindi kasi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang tila couple ring na suot ng magkasintahan.

Nag research pa ang kanilang mga followers at napag-alaman nila na isang Cartier love wedding band ang suot ng dalawa.

Kaya naman naging excited na ang napakaraming fans ng LizQuen kung sakaling totoo nga ag balitang ito.

Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Walang silang ganyang singsing dati OMG Lizquen! Napakasaya namin Godbless you twoGether Forever”
“Yes finally, I am so happy for both yous, plis go marry already stop delaying it. You both were made n meant for each other for Life”
“Parang nag propose ata si quen nong bday ni liza remember yung ring na caption sa ig post ni joross. Feel ko lng, ilove lizquen”
“Engaged? Wow right time”
“It’s about time to reveal the truth, LizQuen”
Hindi ito ang unang beses na lumabas ang haka haka na engaged na nga sina Liza at Enrique.
Nauna na itong napabalita noong birthday ni Liza noong January ng mag celebrate sila sa Siargao.

Sa araw ngang iyon ay napuno ng pagbati mula sa mga netizens na siyang nagmamahal sa nag iisang Liza.

Ngunit wala ng mas tatamis pa sa pinaka mahalagang pagbati mula sa nag iisang tunay na nagmamahal sa kanya kundi ang kanyang boyfriend na si Enrique.

Kasunod din nito ay ang pagbati ni Joross noon na may kalakip na ring emoji.


Ngunit ayon naman kay Liza noon ay hindi niya itatago kung talagang engaged na sila ni Enrique.
Liza Soberano at Kathryn Bernardo, hindi napigilang makapagmura nang ipaalam ni Riva Quenery ang kanyang pagbubuntis

Labis na naaliw ang maraming netizens sa naging reaksyon nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano sa pagbubuntis ni Riva Quenery.
Masaya ang mga artistang kaibigan ni Riva Quenery para sa bago nitong papel na gagampanan bilang isang ina.
Sa pinakabagong vlog na inilabas ni Riva, makikita ang iba’t-ibang reaksiyon ng kanyang malalapit na kaibigan.

Kabilang sa kanyang mga sinabihan ay ang mga Kapamilya actress na sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Naging malapit si Riva kay Liza nang magkatrabaho sila sa telesryeng “Make It With You.”
Habang si Kathryn naman ay nakasama niya sa “House Arrest Of Us.”

Samantala, sa nasabing vlog, tinawagan ni Riva si Liza, makatapos ang kanilang kamustahan ay ipinakita ni Riva ang litrato ng ultrasound niya.

Noong una ay hindi makapaniwala si Liza at inakalang prank lang ito ng kaibigan.
Saad ni Liza, “No you’re kidding? Prank ba ‘to?. Alam mo kinakabahan talaga ako nung sinabi mo. Sabi ko, ‘Ipa-prank ba ako nito?’”

Nang tanunging naman ni Liza kung ilang buwan buntis na ito, sinabi ni Riva na limang buwan na siyang nagdadalang-tao.

Napamura naman si Liza sa kanyang pagkabigla. At inulit niya pang muli ang tanong na kung prank nga ba ito.

Sa huli ay sinabi naman ni Liza na masay siya at excited para sa kaibigan.

Samantala, naaliw naman ang mga netizens na parehas din ang nagin reaksyon ni Kathryn ukol dito.

Inakala niyang pank lang din ang ibinabahagi ng kaibigan.

“What?! This is a prank, guys. … Totoo? … Oh my God. … Tinotoo mo ‘yung role mo ha?” Ang tinutukoy ni Kathryn ay ang role ni Riva sa The House Arrest of Us kung saan buntis din ang kanyang karakter.
Sa huli ay natuwa din naman si Kathryn at sinabing, Okay yan, congratulations! I can’t believe it. Akala ko ginag*go mo lang ako”
The post Engage na nga ba? Liza Soberano at Enrique Gil, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang parehong singsing na suot appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments