Bali-balitang nagkakasawaan na umano ang controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Saad kasi ng ilan ay parang walang gana na umano si Gerald sa mga video sa Tiktok ni Julia.
Ngunit napabulaanan naman ang balitang ito dahil sa latest vlog update ni Julia noong July 31.
Kung saan kasama niya ang kanyang nobyong si Gerald at ang kanyang inang si Marjorie Barretto. Kumasa sina Gerald at Marjorie sa “Who Knows Me (Julia) Better” challenge ni Julia.
Makikita sa vlog ni Julia na masayang masaya sila ng kasintahan pag nasasagot ng tama ni Gerald ang mga tanong.
Nagpapatunay na kilalang-kilala na niya si Julia dahil halos tie ang score nila ng ina ng aktres.
Samantala, saad naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, dahil umano sa big age gap ng dalawa kaya nami-misinterpret ang ilang kilos ni Gerald.
Sinabi din niya nadahil baka saktong pagod o wala lang sa mood si Gerald noong makunan ni Julia. Tao rin naman ito at hindi naman palaging mataas ang energy.
Tila di rin naman pinansin ni Julia ang mga mapangmatang netizens dahil no comment lang ito sa isyu dahil di naman ito totoo.
Sa fanpage nga ng Julia and Gerald ay tila pinasaringan pa nila si Ogie Diaz.
“Next vlog: Landian for 24hrs! Haha.. wait lang daw @ogie_diaz update ka nila”
Sino na bang mas-sweet? Larawan nina Gerald-Julia at Dominic-Bea, pinagkumpara ng mga netizens ngayon
Sino nga ba ang mas nakakakilig? Gerald Anderson at Julia Barretto, o Bea Alonzo at Dominic Roque?
Mukhang hindi pa din maka move on ang mga netizens sa naging takbo ng relasyon ng mga artistang ito.
Kaya naman kahit may kanya kanya na silang partners ay hindi pa din maiwasan na mabahiran ng intriga.
Kamakailan nga lamang ay halos magpaligsahan sina Bea Dom at Gerald Julia sa pagbabahagi ng mga sweet photos.
Sina Gerald at Julia ay masayang kasama ang pamilya ng aktres sa mga island hopping. Pati na din sa pamimigay ng tulong sa iba’t-ibang parte ng Zambales.
May mga kuha din sila na enjoy na enjoy sa pag-stroll gamit ang motor ni Gerald kasama ang kanilang mga kaibigan.
Samantala, sina Bea at Dominic naman ay unti-unti na ding inilalantad sa publiko ang kanilang paglalambingan.
Ilang araw na nga na usap-usapan ang rumored couple sa social media dahil sa mga lumalabas na larawan nila.
Enjoy kasi ang dalawa ngayon sa US, at doon ay tila nag-out na ang dalawa sa kanilang relasyon.
May litrato at video kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa at wala ng itinatago.
May kuha pa na nakayakap si Bea kay Dominic kaya naman tila kumpirmado na nga ang kanilang status.
Kaya naman sa tila paligsahan ng mga swet photos, ipinagkumpara ngayon ang apat na artista.
Sa mga litratong ang mga aktres ang nakayakap sa kanilang mga kasintahan tanong ng isang website, Who Did It Better?
At tila mas marami ang boto kina Bea at Dominic dahil saad pa nga ng ilan,
“dun tayo sa halatang masaya sa mata.”
“Dom-Bea kasi pareho nilang hawak ang kamay ng isa’t isa.”
“Parang relax ang akap ni Bea, yung kay Julia parang nahirapan ako for her.”
Ikaw BeaDom o JuRald?
The post Gerald at Julia, nagkasawaan na agad? Mga signs di umano kita sa latest posts nila appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments