Naiyak sa tuwa si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol dahil sa ibiniga sa kanya ni Wilbert Tolentino.
Naging guest ni Ka-Freshness Wilbert si Herlene sa kanyang latest vlog. Kung saan naglaro sila ng PERA o KALDERO.
Bago mag-umpisa ang kanilang laro ay nagkulitan muna sina Wilbert at Herlene. Ikinumpara pa nila ang mga sarili nila sa mga ulam at binigyan pa ng hugot ang mga ito.
Nang pipili naman si Herlene ng kaldero nabanggit nito na parang alam na niya ito. Si Kuya Wil na namimigay umano ng jacket ang peg ni Ka-freshness.
Sagot naman ni Wilbert, hindi lang jacket 100K.
Hanggang sa ipinaliwanag na ni Wilbert ang instruction sa kanilang lalaruin.
Sa sampu na kaldero nasa harapan nila, may isa umano doon na naglalaman ng one hundred thousand pesos.
Ang number 8 ang pinili ni Herlene bilang magiging kaldero niya. Aniya 8 daw ang birthday ng kanyang tatay at baka andun ang swerte niya.
Kung sakaling makuha umano ni Herlene ang jackpot prize na one hundred thousand ay gagawin niya itong pang puhunan sa negosyo.
At nagsimula na nga ang kanilang laro, nagbukas ng ilang kaldero, at nagkatawaran.
Noong una ay pera na ang pinili ni Herlene na halagang fifty thousand, secured na daw umano ito para pang birthday ng papa niya.
Ngunit naguguluhan pa din siya at hindi makapagdesisyon. Hanggang sa huli ay kladero na nga ang kanyang napili.
Ngunit ng buksan ay bokya din, dahil lahat ng kaldero ay bokya ang laman. At inilabas ni Wilbert ang isa pang kaldero na naglalaman ng 100K.
Aniya, balak umano talaga niyang ibigay ito kay Herlene bilang tulong. Naantig daw siya sa istorya nito ng mapanood sa panayam kay Toni Gonzaga.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:
Harlene ‘Hipon Girl’ Budol, umalma sa mga netizens na bumabatikos sa kanya at tumawag na ‘Feeling Mayaman.’
Umalma si Herlene “Hipon Girl” Budol sa mga batikos na ipinupukol sa kanya.
Ito ay pagkatapos niyang ipagtapat na ubos na ang ipon niyang pera.
Ibinahagi ito ni Herlene sa panayam niya kamakailan sa online show ni Toni Gonzaga na “Toni Talks”.
Inamin ni Herlene na kapos na kapos na siya ngayon matapos ng kanyang Wowowin stint.
Ibinahagi niya na naging kampante siya nang maging co-host ni Willie Revillame.
Inakala niya na habang buhay na ang kanyang trabaho dito at hindi niya naisip na mawawala na lang ito bigla.
Pero dahil sa pandemya, natanggal siya sa game show, kasama ang ilan pang empleyado.
Sinubukan din daw ni Herlene magnegosyo sa gitna ng pandemya, pero hindi siya nagtagumpay.
At sa ngayon nga ay hindi niya na alam kung saan pa kukuha ng pagkakakitaan.
Aminado din siyang back to zero na siya at nahihiya ng humarap sa kanyang pamilya.
Marami ang naantig sa kwento ni Herlene.
Kabilang na si Toni na nangakong ibibigay sa kanya ang kikitain ng kanilang video.
Ngunit siyempre, hindi lahat ay naawa kay Herlene, may ilan ding binatikos pa siya sa mga nangyari sa kanya.
Sa kanyang Instagram Story noong Lunes ibinahagi ni Herlene ang ilang negatibong komento ng netizens.
Tinawag siya ng mga itong “feeling sikat” at “kala mo kung sino sikat na.”
Reaksiyon ni Herlene sa mga pambabatikos sa kanya : “KAYA PO AKO NAG KWENTO KASE PO TINANONG PO AKO
“KAYA PO AKO UMIYAK KASE NAKAKAIYAK PO
“KAYA NAMAN PO AKO NAG NEGOSYO KASE NAG TRY PO AKO PERO LUGI.”
AT ARAW ARAW PO AKO NAG PAPA SALAMAT SA KUNG ANONG MERON PO AKO
“SANA PO PINANOOD NYOPO NG BUO AT DI PO AKO NAG REREKLAMO KASE ALAM KONG HINDI LANG PO AKO ANG NAAPEKTUHAN NG PANDEMIC GODBLESS”
The post Hipon Girl, hindi mapaliwanag ang saya ng makatanggap ng P100k na tulong mula sa vlogger na si Wilbert Tolentino appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments