Looking For Anything Specific?

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hinahanap at gustong matulungan ni Vhong Navarro ang dating komedyanteng si Allan “Mura” Padua

Sa latest vlog ng TV host-commedienne na si Ogie Diaz sa kanyang bagong update sa showbiz kasama si Mama Loi. Sa vlog, pinag-usapan nila ang naging viral interview ni Allan “Mura” Padua ang dating komedyante at side-kick ng aktor na si Vhong Navarro. Ayon kay Ogie, sa panayam kay Mura binanggit nitong si Vhong ang matalik niyang kaibigan sa showbiz noong siya ay nasa entertainment industry pa.

Matatandaan naman na si Mura ay nakagawa ng maraming pelikula kung saan kasama niya lagi ang aktor na si Vhong, na gumaganap bilang kanyang sidekick noong araw. Kasunod ng balitang ito, sinabi din ni Ogie na hinahanap na ni Vhong ang contact number ni Mura.

Payahag ni Ogie, “Ako naman sasabihin ko na, ito pangungunahan ko na. Parang John Lloyd din ‘to at si Karen Davila, na yun nga, sa totoo lang hinahanap sakin ni Vhong Navarro ang number ni Mura.”

Ayon pa kay Ogie, gustong makausap ni Vhong si Mura upang ito ay kanyang muling makita at mapaabutan ng tulong.

“Gusto niyang makausap si Mura. Nako, ewan ko kung kailangan ko ‘tong sabihin, pero sila na lang bahalang magusap ni Mura. Kasi gustong tulungan ni Vhong si Mura,” saad ni Ogie.

Bukod kay Vhong, nabanggit din ni Ogie na balak din niyang tulungan si Mura sa kanyang sitwasyon ngayon. Sa kalagayan nga ng dating komedyante kaya nais siyang matulungan ng kanyang ng dating mga naging kaibigan sa showbiz.

Marami sa mga naging artista noon ang naghirap ang buhay dahil sa mga bagay na hindi inaasahang mangyayari. Ngunit, sa ganitong sitwasyon nakilala ang totoong mga kaibigan na handang tumulong sa kapwa nila artista upang makabangon sa buhay. At isa na nga doon ang buhay ng dating komedyante.

Sikat na sidekick noon sa mga palabas na si Mura, naapektuhan ang paglalakad dahil sa aksidenteng natamo sa paa

Ito na pala ngayon ang kalagayan ng small but terrible na si Mura.

Kung si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal ay aktibo parin sa showbiz ngayon, si Mura na dati niyang katambal ay hindi na masyadong napapanood sa telebisyon.

Ang kanilang tambalan ay napapanood noon sa isang dating noontime variety show. Nakabilang din si Mura sa ilang mga pelikula at proyekto sa telebisyon.

Ngunit taong 2010, ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap kay Mura. Na naging dahilan din kaya nawala siya sa industriya.

Taong 2010, nabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Ngayon, nakatira ang 46-anyos na dating komedyante sa Ginubatan, Albay kasama ang kaniyang pamilya, at dito ay bumalik siya sa simpleng pamumuhay.

Bukod sa pagtatanim ng gulay, gumagawa rin ng uling si Mura na kaniyang ikinabubuhay.

Ayon kay Mura ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz at nais parin niyang bumalik dito.

Para matulungan ang kanyang pamilya sa probinsya pero hindi na siya masyadong nakakatanggap ng mga proyekto.

Samantala, sa isang video na ibinahagi ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0, naibahagi ni Mura kung paano siya nabubuhay sa kasalukuyan.

Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim.

Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo.

Aniya kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.

Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang P10,000.

Abot-abot ang pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn at sa mga OFW na nagbigay ng kanilang mga donasyon.

The post Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hinahanap at gustong matulungan ni Vhong Navarro ang dating komedyanteng si Allan “Mura” Padua appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments