Namangha at humanga ang maraming netizens sa bagong motorsiklo ni Ion Perez.
Si Ion ay isa lamang sa mga personalidad na nagmula sa hirap. Bago pa man siya maging isa sa mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN na ‘It’s Showtime’, siya ay sumali muna sa mga pageants at sumubok din siya sa pagmo-model.
Dahil na din sa It’s Showtime, maraming mga oportunidad ang nagbukas sa kaniya sa showbiz industry. Sa paglipas ng panahon ay unti unti siyang nakikilala. Dahil ang kaniyang pangalan at nakaakibat na sa kilalang komedyante at host na si Vice Ganda, may mga natatanggap siyang mga positibo at negatibong komento mula sa mga netizens.
Gayunpaman, ipinakita naman nina Ion at Vice sa publiko na hindi makakahadlang sa kanilang pagmamahalan ang mga negatibong sinasabi ng ilan tungkol sa kanilang relasyon.
Sa katunayan nga nyan ay ipinagdiwang pa ng dalawa ang kanilang ika-2 anibersasyo bilang magkasintahan noong Nobyembre. Mas naging matatag at malalim din ang kanilang pagmamahalan sa paglipas ng araw.
Sila ay minamahal ng kanilang mga tagahanga dahil sa pagiging matatag at gusto din nila si Ion dahil sa sinseridad na pinapakita nito para kay Vice.
Marami sa kanilang mga tagahanga ang hinihiling na magkaroon sila ng isang matagal pa at masayang relasyon.
At kamakailan lamang nga ay marami ang humanga at namangha sa bagong motorsiklo ni Ion.
Ani Ion sa kaniyang Instagram post,
“Padaan po ako SIR.”
Ion Perez, inaming pinapangarap na magkaroon ng sariling negosyo na lenchon manok at pares sa Tarlac

Dahil pangsamantala lang daw ang pag-aartista, Ion Perez may planong magtayo ng negosyo sa Tarlac.
Sa industriya ng showbiz, isa si Ion Perez na mapapansin na napakasimple lamang.
Mula din siya sa probinsya kung saan namumuhay lamang siya kasama ang kanyang pamilya ng simple.
Kung matatandaan sa kanyang mga nakaraang panayam, ibinahagi ni Ion na naglalako siya noon ng mga kakanin.

Ume-extra din di-umano siya ng pagbebenta ng manok sa palengke.
Hanggang sa sumasali na siya sa mga beauty pageant at nag-umpisa na din maging modelo.

At dahil nga dito ay nakapasok siya sa showbiz nang siya ay maging si Kuya Escort sa It’s Showtime.

At ito rin ang naging tulay upang magkakilala sila ng kanyang partner ngayon na si Vice Ganda.
Ito din ang nagbukas ng napakaraming oportunidad para sa kanya sa industriya.

Ayon naman sa ulat ng PEP.Ph, ilang bagay ang binahagi ni Ion na plano niya sa buhay.

Bukas ang isip ni Ion sa katotohanang panandalian lamang ang showbiz career.
Kaya ang pagtitinda ng mga manok at pagbubukas ng pares restaurant sa kanilang bayan sa Tarlac ang mga negosyong kanyang pinaplano.

Ang pagbebenta daw ng manok ang unang pumasok sa kanyang isip dahil naranasan na daw niya ito sa kanilang bayan.

Wala daw talo dito dahil kahit balahibo, kahit paa, lahat daw talaga ay nabibili.
Naisip naman daw niya ang paresan dahil sa lugar daw nila sa Tarlac ay walang 24 oras na bukas na kainan.

Dahil sa lugar daw nila ang mga tao doon ay naghahanap ng makakainan makatapos ang inuman.

Kaya naman sinisigurado ni Ion na papatok talaga ang mga negosyong kanyang naiisip na itayo sa kanilang lugar.
Sa ngayon ang goal ni Ion ay mag-ipon at the same time ay mag-enjoy kung anong meron siya sa ngayon.
The post Ion Perez, Ginulat Ang Karamihan Matapos Mabunyag Ang Presyo Ng Kaniyang Motor! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed








0 Comments