Looking For Anything Specific?

Isang Service Crew na ‘Pipi’ at ‘Bingi’ sa isang Fast Food , Hinangaan at kinaantigan ng mga Netizen

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Facebook Post na mula sa Page na may titulong “Romina” kung saan ibinahagi nito ang naging karanasan ng isang netizen sa isang fast food.

Ayon sa Netizen naantig ang kanyang puso matapos niyang malaman na ang isang crew sa kanyang kinakainang fast food ay isang PWD dahil ang naturang crew ay isang Pipi at Bingi.

Narito ang naturang kwento ng netizen,

“Nasa POPEYES kami kanina sa SM SAN LAZARO habang waiting kami sa food napapansin kona to si kuya na kada may umaalis na customer nililinis niya agad yung table dahil siya lang ang crew na naka-assign sa dining.

*Siya lang kasi nakita ko* Yung nakaserve na yung food namin need pa namin ng extra plate for rice & chicken. So tinawag ko si kuya pero dinedma niya ko kahit malakas naman yung pagkakatawag ko sakanya.

Nasa isip ko.. “Hala dedma si kuya!” Tapos nag asikaso ulit sya sa isang table nung tapos na sya at papunta dun sa pag lalagyan niya ng mga tray tinawag ko ulit sya at tinaas kamay ko para mapansin niya ko.

Then nilapag niya muna mga hawak niyang tray na may mga cups at plates sa kabilang table at lumapit sakin sabi ko.. “Hello kuya, pahingi po extra plate pls!”

Nagtaka ako kasi naglabas siya ng maliit na notebook at ballpen. *syempre napaisip na naman ako* Sabi ko.. “Kuya hindi na kami oorder need ko lang extra plate po.”

Sabay bigla siyang sumenyas na di daw siya nakakarinig at nakakapagsalita. Sabay abot ng papel at ballpen kaya ang ginawa ko sinulat ko yung extra plate at sumenyas din ako na need lang namin isa.

Kaya lumapit agad siya sa counter at pinabasa yung sinulat ko at sumenyas siya kay ateng cashier na need ko lang ay isang plate. Nung inaabot nya sakin nag-thank you ako syempre at sumenyas ng okay sabay smile. ️

“Hindi ko nakuha name ni kuya dahil malabo mga mata ko hehe, Ang nakita ko lang na nakalagay sa name plate niya ay.. “I’M DEAF” Gusto ko lang i-share sa inyo to guys kasi sobrang natutuwa yung puso kooooo.

Sana lahat ng company, agency, o sa kahit saan o sino pang employer ay ganito. Yung hindi namimili, Yung walang discrimination, Yung walang sobrang taas ng standards.

Sana lahat tinatanggap o tumatanggap Dahil para sakin hindi hadlang yung may kapansanan ka o wala, As long as kaya mong magtrabaho para sa mga mahal mo sa buhay. Laban lang!

Dahil sa post na ito marami sa ating mga kababayaan na may mga karamdaman rin tulad nito ay nagkaroon ng pag-asa na mabibigyan parin sila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kabila ng kanilang kalagayan.

Panawagan at komento naman ng maraming netizen na sanay marami pa raw ang kompanya na kumuha ng mga tao na may ganitong kalagayan dahil marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng trabaho upang kumita sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Post a Comment

0 Comments