Mas pinipili ng masa ang mamalengke kaysa bumili ng mga isda sa grocery stores. Ayon sa iba, hindi hamak na mas sariwa ang nabibili sa palengke kaysa sa mga naka-freezer lang.
Para sa mga madalas na namamalegke, hindi maiiwasan na magkaroon tayo ng suki na siyang magbibigay ng magagandang produkto o kaya man ay discount sa kabuuang presyo.
Samantala, isang post ng netizens ang pinandirihan ng karamihan dahil sa mga nakitang mga basura sa loob mismo ng hiniwang tyan ng isdang kung tawagin ay “Dorado”.
Siya si Mary Vanessa Guzman Tan. Ayon sa kaniya, gawain na daw talaga ng kaniyang ama ang pumuntang palengke at mamili ng mga sariwang isda sa kaniyang suki.
Isang kilo o dalawang piraso ng malalaking Dorado ang binili nito.
Laking gulat ng kaniyang ama maging ang nagtitinda nang naglabasan ang mga basura sa loob ng tiyan ng isdang nahuli sa Palawan.
“Candy wrappers, bottle caps of softdrinks (Royal pa nga yung isa), a yellow plastic spoon and Salonpas”
Dagdag pa niya, iba daw ang pakiramdam na makita mong harap harapan ang ganitong mga kaganapan kaysa sa mga nababalita lang.
Aniya, isang patunay lamang ito na ang ating mga karagatan ay tuluyan nang sinira ng mga tao na umabot na sa puntong maging mga yamang dagat ay nadadamay sa polusyon ngunit tayo lang din ang nabibiktima nito.
Narito ang kaniyang pagsasanaysay sa Facebook kalakip ng mga larawan
“My father’s routine almost every morning is to buy fresh fish in Jacana. He went straight to his suki this morning to look for what is available from his fresh catch. He decided to buy a kilo or two of dorado. Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten,” kwento ni Tan.
“Yes basura. Basura na nilunok o nalunok ng isda. There were candy wrappers, bottle caps of softdrinks (Royal pa nga yung isa), a yellow plastic spoon and Salonpas.
Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw.”
“Ewwwness talaga. Dahil sa kalamangan ng tao pati lamang dagat nadadamay. This only means that our ocean is being flooded with trash.
Sabi nga ng Tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pagbukas ng tiyan ng isda, puro basura.”
“The photo shows what they’ve found inside the intéstinés of the fish,”
0 Comments