Ipinagtanggol ni Jessy Mendiola si Angel Locsin, ang ex-gf ng kaniyang mister na si Luis Manzano laban sa mga basher.
Matapos ikasal ni Angel Locsin kay Neil Arce, naikumpara nanaman ang aktres kay Jessy Mendiola.
Ngunit hindi ito pinalagpas ni Jessy, at dinepensahan niya si Angel laban sa mga bodyshamers.
Sa kanyang ibinahaging picture, isang fan niya ang pumuri sa kanya at kinumpara siya kay Angel. Kinutya pa nito si Angel at tinawag na Tabachoy.
Saad ng nasabing basher, “Love you, queen. Mas maganda ka ‘di hamak kay tabatchoy na Angel.”
Para kay Jessy ay hindi naman tama ang komentong ito ng kaniyang followers.
Aniya hindi dapat ipagkumpara kung anong meron silang dalawa ni Angel.
Lahad ni Jessy, “Please tama na ‘yung ganyan. We are all happy na.“Peace and love lang, please. Ingat ngayong ECQ.”
Nagsimula ang pagkukumpara kina Angel at Jessy ng maiugnay ang huli kay Luis Manzano, ilang buwan lamang matapos ang hiwalayan nito at ni Angel.
Marami pa ang nagsabi na tila inahas umano ni Jessy si Angel.
Samantala, marami naman ang pumuri kay Jessy dahil sa pagtatanggol niya kay Angel.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Bitter lang yung nag sabi. They are both pretty khit mataba man or sexy . Most important they found there destiny. I mean true love Happy together.”
“Tama yan Jessy pagtanggol mo si Angel good Job”
“Dapat lang na dipensahan ni Jessy si Angel dahil parehas silang babae”
“Bumabait na si Jessy ah go girl power!”
“They are both beautiful! Tama na tigilan na ninyo sila. Masaya sila pareho sa kanilang buhay. Just leave them alone..”
Anong masasabi mo rito?
Engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal na ngayon sa isang civil wedding
After two years of being engage, kinasal na sina Neil Arce at Angel Locsin.
Ito ang masayang ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram post ngayong Sabado ng gabi.
“and just like that, Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig,” lahad ni Angel sa kanyang caption.
Ayon naman sa post ng NicePrint sa Instagram, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce Civil wedding done”
Makikitang nakasuot lamang ng casual white sina Neil at Angel sa naganap na kasalan.
Makikita rin sa Instagram post ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana ang ilan sa mga kuhang larawan sa seremonya ng kanilang kasal.
“In case you missed the end of their surprise reveal VLOG , check out the Angel and Neil channel on YouTube channel. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin,” saad sa IG caption ni Dimples.
Kasunod pa nito ay nagbigay din ng mensahe si Dimples para sa bagong kasal na matalik niyang kaibigan.
“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours”
Masayang-masaya si Dimples dahil isa siya sa mapapalad na nakasaksi sa pag-iisang dibdib na ito, kasama ang kaniyang mister na si Boyet.
Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.
Pinasilip ni Angel at Neil ang naging kasalan sa kanilang vlog na pinost sa YouTube channel nila nitong Sabado.
The post Jessy Mendioala, pinuri ng netizens matapos ipagtanggol si Angel Locsin sa netizens sa bumatikos rito matapos ikasal appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments