So what kung muling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.
Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”
Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.


Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.
Kilalang kapuso aktor, nanghiram ng P30k kay Lolit Solis para sa pambili ng gatas umano ng anak nito

Ibinahagi ng beteranang talent manager at manunulat na si Lolit Solis ang pangungutang sa kanya ni Mark Herras.
Sa weekly online show kamakailan ni Lolit Solis ay ibinahagi niya ang naging usapan nila ng alaga niyang si Mark.
Saad ni Manay Lolit tinawagan umano siya ni Mark para mangutang ng thirty thousand pesos.

Pangdadag umano sa pangbili ng pangangailangan ng 6mos. old na anak nila ni Nicole Donesa.
“‘Nay, pambili ng gatas (formula milk) ng anak ko,” pakiusap umano ni Mark Herras.

Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya.
“Sabi ko talaga, Thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung PA [personal assistant ko], may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!”

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Ang layo na umano ng agwat ng karera ni Jennylyn kung ikukumpara kay Mark na halos wala ng proyekto ngayon.

Ngunit para kumalma si Manay Lolit sinabi umano ni Mark na may parating siyang trabaho nitong Agosto.

“Sa August pa kasi magsisimula ‘yung lock-in taping ko. By then, ‘Nay, makakaluwag-luwag na’ko. Don’t worry.”

Ngunit hindi pa din nagpatinag si Lolit at sinabing huwag umanong pakakasiguro si Mark.

“Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga [pointing to her other male ward], nag-lock-in taping, nu’ng matapos, na-shelve ang project!’ Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!” saad ni Manay Lolit.
Sa huli ay pinaheram pa din ni Lolit ang alaga makatapos ang mahabang sermon.
The post Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang age gap sa kanya ayon kay Lolit Solis appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments