Kisses Delavin, pinahanga na naman ang kanyang mga fans!
Isa sa Miss Universe Philippines delegates ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin.
Simula nang siya ay pumasok sa reality show, naging kilala si Kiss sa pagiging kikay nito. Noong na sa loob siya ng bahay ni Kuya, very vocal ang dalaga kung paano siya sumasabak sa iba’t-ibang beauty pageants.

Kung noon ay sa kanilang lugar lamang siya sumasali, ngayon ay iba ang level up ng kanyang sinalihan.

Todo ang suporta ng kanyang mga fans para sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021.

Kaya naman ganoon na lang din ang paghahanda ni Kisses para sa pinaka malaking pageant sa bansa.

Ngayon pa lang, makikita na agad ang resulta ng matinding paghahanda ni Kisses. Sa isang photo sa social media, makikita ang magandang larawan ni Kisses.
Nakasuot siya ng fitted slit dress kung saan kitang kita ang korte ng kanyang katawan.
Madami ang nagsasabi na “hour-glass” shape daw ang korte ni Kiss dito. Kaya naman ganon na lang ang papuri sa kanya mula sa kanyang mga fans.
Kuha naman ang larawan ng Miss Universe candidate sa kanilang naging interview.
Samantala, narito ang ilan sa mga komento mula sa kanyang fans:
“Go kisses.. manalo matalo support pa rin k.. go go go kea mo yan kisses.. wg pkinggan an mga bad commintor.. gnun tlga sila…”
”wow gogogo kisses may kababayan in san fernando masbate go for the win beautiful girl”
“She’s perfectly in shape.”
“Ganda parang manika”
Viral Video Introduction ni Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021 umani ng maraming papuri ngayon

Up for next challenge na ang Miss Universe Philippines 2021.
This time, and mga introduction video naman ng bawat kandidata ang inilabas ng Miss Universe Philippines.
At siyempre trending na naman ang entry ng former PBB Housemate na si Kisses Delavin.

Ginamit ni Kisses ang tunay niyang pangalan sa paglahok sa prestigous pageant, kung saan she’s representing her hometown, at ito ay ang Masbate.


“Hello, Universe! My name is Kirsten Danielle Delavin,” panimulang saad ni Kisses sa video.


Sa isang minutong video, nagbahagi si Kisses ng ilang bagay na tungkol sa kanya.

Tulad kung saan siya nag-aaral, ang kanyang trabaho, at mga interest.

“I am studying business at De La Salle University and in my work I act in front of the camera. I sing and dance on stage, and record music,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Kisses, “In this work, I get to meet and connect to people of all ages which I loved to do since I was young. And I get to travel to places and different parts of the world, too, which I also love.”


“A fun fact about me is that I am a food lover. I love rice, I love ulam, all kinds of ulam and everything in between.”
Agad namang umani ng papuri ang video na ito ni Kisses.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Kulang lang sa practice how to walk as miss unniverse.. but beauty and brain i think u have it naman so goodluck kisses”
“Kisses is such a positive, happy and confident candidate best of luck and may you reach what your heart desires!!!”
Nagbahagi din si Kisses ng video ng pasasalamat niya sa mga fans at mga sumusupporta sa kanya sa pagsali niya sa Miss U PH 2021.
The post Kisses Delavin, pina-wow ang mga netizens dahil sa kanyang kaseksihan ngayon sa pagsali sa Miss Universe PH appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments