Nagkaharap para sa isang virtual live event ng isang brand ng beauty products sina Bea Alonzo at Korina Sanchez.
Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Korina kung ano ang pakiramdam ni Bea na isa na siyang Kapuso star ngayon.
Tanong ni Korina sa aktres, “So now you’re with GMA-7. Does it feel weird to be in GMA-7?”

Sagot naman ni Bea, “When I was signing the contract already, parang hindi ako makapaniwala.

“Parang it was like a dream kasi, imagine, I was working for ABS-CBN for twenty years.
“Then all of a sudden, I was signing a contract with GMA, so it was a big shift sa buhay ko, di ba?”

Hindi naman itinanggi ni Bea na naninibago pa din siya pag ipinapakilala siya bilang isang Kapuso. Ngunit ayon sa dalaga ay alam niyang tama ang naging desisyon niya sa paglipat ng istasyon.

“It was a new chapter that would change my life possibly. So, surreal siya sa ‘kin.
“Parang di ako makapaniwala just hearing my name being announced as the ‘new Kapuso.’
“Parang merong gaan sa dibdib when you’re doing something that you like to do.
“Yung magaan sa loob. Parang everything is falling into place. I felt that.”

Samantala, sa nasabing virtual event ay nakasama din ni Bea ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa isang bahagi ng online event, nabanggit ng bagong Kapuso actress na kinikilig siyang makasama sina Marian at Korina, “Actually, sa totoo lang, kinikilig ako.

“Alam mo kung bakit? Nandiyan na si Miss Korina Sanchez, nandiyan pa si Miss Marian Rivera Dantes.”

Sagot naman ni Marian sa kanya, “Asus!”
Panoorin dito ang kanilang video:
Bea Alonzo, Ipinakita Ang First Time Na Pagharvest Ng Mga Gulay Sa Kanyang Napakalawak Na Farm Sa Zambales

Karamihan sa atin ay nag-iimpok ng kayamanan ngunit hindi nga lang sa bangko kundi sa lupa. Ang magkaroon ng malawak na kabukiran sa probinsya ay isang napakagandang paraan ng pagnenegosyo at nakakapagbigay ng kapayapaan lalo na at kung ang trabaho mo ay sa Manila.

Mainam ang piniling desisyon ng aktres na si Bea Alonzo naiinvest ang kaniyang kinikitang pera mula sa dugo’t pawis niya katulad na lamang ng kaniyang mga endorsement, mga proyekto, at iba pa para bumili ng napakalaking lupain na pinangalanan niyang Beati Firma sa Zambales.

Nariyan ang mga tanim na mangga na kung saan ay ipinasilip ng aktres na si Bea. Marami ang na-inspire na netizen sa kaniya. At hindi lang iyon, mayroon din itong fishpond at mayroon ding iba’t ibang alagang hayop sa nasabing farm. At kung pagmamasdan din natin maraming namumungang puno na talagang organic at walang halong kemikal. Napakataba at busiksik sa protina kaya’t makikita ang sustansiya.

May naisipan rin ang aktres na magkaroon ng bagong proyekto para sa kanyang Beati Firma Farm na ibinahagi sa kaniyang youtube vlog. Tinagurian niya rin itong “Mary’s Secret Garden” dahil narito ang mga gulay na pananim ng kaniyang ina na si Mary sa Vegetable garden.

Ibinahagi naman niya sa nasabing vlog doon sa secret garden ng kaniyang ina ang paghaharvest ng mga pananim na gulay. At mamamasdan natin ang ilang mga pananim na gulay sa nasabing garden na gaya na lamang ng sitaw, talong, mais, at okra.

Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ni Bea habang pinipitas ang sitaw at talong. Batay kay Bea, maraming protina na talagang ang mga gulay at prutas ay malaking kahalagahan sa ating katawan. Masustansiya ang kanilang kinakain dahil bagong ani pa ang mga ito at nakakatipid din at nasisiguro nila na purong organic ang ginagamit dito. Makulay na sustansiya na magsusupurta sa ating katawan.


Malaki rin ang naitutulong para kay Bea na magkaroon ng sariling garden dahil sa maganda nitong benepisyo kaya’t hinihimok niya ang mga netizen na gumawa ng ganitong garden sa kanilang mga bahay upang hindi sila mahirapan na bumili sa palengke at makakatipid din sila sa gastos kung kaya’t ang pakinabang talaga nito sa atin ay malaki gayundin din sa ating kalusugan.

Samantala, habang aliw na aliw si Bea sa pamimitas ng mga gulay ay siya namang pagbuhos ng ulan kung kaya ay nahinto ang pagha-harvest nito. Datapwa’t, hindi niya inalintana ang biglaang pagbuhos ng ulan bagaman hindi na natuloy ang pamimitas nito bagkus ipinagpatuloy niya ang naturang vlog. Ipinakita niya ang family bonding ng kaniyang pamilya na halata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.
The post Korina Sanchez, may awkward na tanong kay Bea Alonzo kung ano nga ba ang pakiramdam ng aktres bilang isa ng Kapuso ngayon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments