Looking For Anything Specific?

Lalaki Na Umorder Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fast Food Chain, Naiyak Na Lamang Sa Sorpresang Ibinigay Ng Mga Staffs

Isang nakakabagbag damdaming kwento ang ibinahagi ng netizen na si Earl Archievan Calixto sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang lalaki na umorder ng isang cup ng kanin at tubig sa isang branch ng kilalang fast food chain sa Pampanga.

Napag-alaman ni Earl na ang naturang lalaki ay mula pa pala sa Tacloban at bumyahe lamang patungo ng Pampanga sa pag-asa na ito ay makakahanap ng trabaho dahil sa hirap na pinagdadaanan nila sa kanilang lugar.

Ayon kay Earl, makikita na pagod at gutom na gutom ang lalaki nang ito ay pumasok sa McDonald’s branch sa San Fernando Pampanga. Nakita ni Earl na tanging isang cup na rice at tubig lamang ang inorder nito at kanin lamang ang kaniyang kakainin.

 

Hindi nagdalawang isip si Earl na lapitan si Tatay at bilhan pa ito ng pagkain dahil sinabi nito na nagugutom na siya ngunit hindi siya makabili ng maayos na pagkain dahil sa kakulangan ng kaniyang pera.

Saad ni Earl,

“Nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain”.

Matapos orderan ng pagkain si Tatay, laking gulat na lamang ni Earl dahil mayroon ng chicken fillet sa lamesa ni Tatay. Saad ng lalaki ay binigay daw ito sa kaniya ng crew.

Ani Earl sa kaniyang post,

“Thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip na tulungan si Tatay.”

Sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang isipin dahil mayroon pa ding mabubuting puso ang handang magbigay o magpaabot ng tulong sa kanilang kapwa na nangangailangan kahit sa maliit o simpleng paraan lamang. Nawa’y maging normal na gawain ang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon natin ngayon kung saan karamihan sa ating mga kababayan ay labis na nakakaranas ng matinding kahirapan dahil sa pand3miya.

Napagkamalang Pulubi sa Isang Pawnshop, Hindi Inakalang Isa Palang Ama na Nagpadala ng Pera Para Sa Kanyang Anak

Marami sa mga tao ngayon ang nagiging mapanghusga dahil lamang sa pisikal na kaanyuan at estado sa buhay. Lalo na kapag may mga taong nakikitang nakasuot lamang ng hindi maayos na mga damit. Madalas itong mangyari sa mga taong marangal naman na naghahanapbuhay ngunit ang pananamit sa ang tingin ng marami ay para ng isang pulubi.

Katulad na lang ng isang matandang lalaki na kamakailan lamang ay nahusgahan dahil sa kaniyang pananamit at kaanyuan. Nakakalungkot isipin na minsan sa ganitong pangyayari lumalabas ang tunay na ugali ng isang taong mapanghusga. Isa nga rito ang naging karanasan ng matandang lalaking ito na napagkamalan ng mga tao sa loob ng isang Pawnshop na isa siyang pulubi na namamalimos.

Source: Facebook

Kaya ng nakaramdam ang matandang lalaki ng pagkakutya ay tumayo na lamang ito sa isang sulok. Ngunit laking gulat ng mga tao sa Pawnshop na kumuha ito ng customer slip na pampadala at doon nila napagtanto na ito pala ay magpapadala ng pera. Naging kahiya-hiya naman ang mga taong mapanghusga sa nasabing Pawnshop dahil sa kanilang maling akala. Dahil ang inakala nilang pulubi at namamalimos ay isa rin palang customer katulad nila.

Napag-alaman na ang matandang lalaking ito ay magpapadala pala ng pera sa kaniyang anak. Sa kabila ng kaniyang hirap sa pagha-hanapbuhay at dala na rin ng katandaan ay nagsusumikap pa rin siyang makapagpadala ng pera para sa kaniyang pamilya. Marahil ang kinitang pera ng matandang lalaking ito ay kaniyang inipon na kita at kailangan na niyang ipadala dahil siguro mas nangangailangan ang kaniyang pamilya na nasa ibang lugar.

Source: Facebook

Sa ganitong mga pangyayari dapat natuto tayo na huwag maging mapanghusga sa ating kapuwa dahil hindi natin sila kilala at nalalaman ang kwento ng kanilang buhay. Huwag tayong basta-basta titingin sa panlabas na kaanyuan lamang ngunit mas atin silang kilalanin baka hindi natin namamalayan sila pala ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong. Nawa’y magsilbi itong aral sa lahat.

The post Lalaki Na Umorder Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fast Food Chain, Naiyak Na Lamang Sa Sorpresang Ibinigay Ng Mga Staffs appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments