Looking For Anything Specific?

Mag-amang hindi pinayagan sumakay ng bus, naglakad mula Surigao hanggang Davao Del Sur para mailigtas ang isa niyang Anak

Usap-usapan sa social media platform na Facebook ang isang post ng netizen na si Danilo Calzadora.

Ang naturang post ay may kalakip na larawan ng isang mag-ama na di umano ay naglalakad sa kabila ng tirik na araw.

Ayon sa mag-ama nagmula pa raw sila sa Surigao at plano nilang makauwi sa Davao Del Sur na may layong 549 kilometro sa pamamagitan lamang ng paglalakad.

Ang naturang Ama ay may tulak na kariton habang ang anak naman nito ay nasa loob ng kariton kasama ang kanilang ibang gamit.

Sa pahayag ni Danilo sa kanyang post kinilala ang matandang lalaki (Ama) na si Reynante Quintos.

Ayon kay Tatay Reynante, gusto niya raw makauwi ng Davao Del Sur dahil nalaman niyang ang kanyang isang anak ay sinasaktan ng kanyang asawa.

Subalit dahil sa kakulangan ng mga papeles ay hindi makasakay ng Bus ang mag-ama kaya naman napilitan na lamang silang maglakad upang makauwi.

Dahil naawa si Calzadora sa kalagayan ng mag-ama ay binigyan niya ito ng kaunting pera. Bumili rin siya ng materyales para makagawa ng kariton si tatay Reynante upang kahit papaano ay mayroong masakyan ang anak nito habang nasa paglalakbay sila at maaari nilang magamit na mapagpahingahan.

Dahil sa post ni Danilo ay maraming netizens ang nahabag sa kalagayan ni Tatay Reynante at ng anak nito, Hiling at dasal ng marami na sana daw ay may tumulong sa mag-ama lalo na ng mga nasa lokal na pamahalaan upang makauwi sila ng maayos at ligtas.

Post a Comment

0 Comments