Looking For Anything Specific?

Magandang dalagita na nagtutuli, umagaw ng atensyon sa mga netizens dahil sa taglay nitong kagandahan

Sa nakalipas na mga taon at pag-uso ng social media ay marami ng mga nakilala na mga personalidad.

Na gumagawa ng ingay sa iba’t ibang social media platforms.

Hindi na lamang sa pamamagitan ng mga star search at reality show sa TV nagkakaroon ng mga bagong iidolohin.

Dati, ang mga sikat, nasa radyo, telebisyon, at pinilakang tabing. Ngayon, ang mga sikat, nasa bagong social mediana. At hindi lang yan; may mga taong sa Internettalaga sumikat.

Dahil na rin sa mga makabagong media, nagkakaroon na ng koneksyon ang isang sikat na personalidad at ang kanyang mga fans. I-follow mo lang siya, okay na. Updated ka na sa kung ano ang mga ginagawa niya o kung ano ang kanyang mga project.

Kasabay ng pag-usbong ng social media ay ang pagsikat ng ilang mga kabataan dito.

Ngunit ang pagsikat ay laging may dahilan.

May mga taong sumisikat, napupuri o pinagmamalaki sa pamanagitan ng pag popost o pagbabahagi ng kanilang buhay sa social media.

Ang iba naman ay nag-viral at sumikat dahil sa angkin nilang kakigisan o kagandahan.

Tulad na lamang ng isang dalaga na volunteer sa isang “Operation Tuli” sa Concepcion Tarlac.

Agaw atensyon nga ngayon sa social media ang dalagang nakilalang si Anne Sarmiento.

Nag-viral kasi ang mga litrato niya sa nasabing tuli operation dahil sa kaniyang likas na kagandahan.

Sa pagbabahagi nga niya ng kanyang mga litrato ay umani ito ng samu’t-saring komento.

Maraming mga kalalakihan tuloy ang na-engganyo na magpatuli muli dahil nga naman sa magandang volunteer na ito.

Dahil sa tagalay na kagandahan ni Anne ay sikat na siya ngayon sa social media.

May ilan na din na nagpa-follow sa kaniyang iba’tibang social media accounts.

Isang Amang Nagsasaka at Namamasada Ng Tricycle, Naitaguyod ang Pagtatapos ng Kaniyang Dalawang Anak na Isang Dentista at Pharmacologist

Ang isang magulang ay ginagawa ang lahat para sa kaniyang anak lalo pa’t kung ito ay para sa kinabukasan. Lahat ng pagsasakripisyo ay kanilang ibinibigay upang matulungan ang mga anak na maabot nila ang kanilang mga pangarap. Kagaya ng isang amang ito na ang tanging hanapbuhay lamang ay ang pagsasaka at pamamasada.

Kaya naman masaya itong ibinahagi ni Marga Santiago Suobiron sa kaniyang social media. Dito ay labis siyang humanga sa naging kasipagan at pagsisikap ng kaniyang ama upang mapagtapos silang dalawa ng kaniyang kapatid sa simula elementarya hanggang kolehiyo. Tanging pagsasaka at pamamasada lamang ang hanapbuhay ng kaniyang ama ngunit napag-aral sila nito sa kolehiyo na may magandang kurso.

Sa post ni Marga, maraming mga netizens ang humanga sa katatagan, pagsisikap at sakripisyo ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang ama. Kahit pa na maliit lang kinikita nito bilang isang tricycle driver ay nagagawa pa din nitong masuportahan ang mga pangangailangan nilang magkapatid sa kanilang pag-aaral. Nakapagtapos rin naman ng pag-aaral ang kaniyang ama sa kolehiyo ngunit mas pinili nitong maging magsasaka at tricycle driver dahil gusto ng kanilang ama na nasusubaybayan silang lumalaki at nagkakaisip.

Ayon kay Marga sa kaniyang post na may caption na, “Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mamamasada sya. Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya.”

Dahil din sa naging pag-iipon ng kaniyang ama ng Php5 coins sa ibabaw ng kanilang drawer dito kinukuha ng kanilang ama ang mga bayarin nila sa school. Nasusuportahan ng kaniyang ama ang bawat pangangailangan nila sa pera katulad na lang kapag humihingi siya ng 500, 1k, 5k, hanggang isang beses ay humingi siya ng 20k pambili ng mga materials niya sa school. Sabi pa ni Marga, hindi daw umaangal ang kaniyang papa sa tuwing malaki ang kinakailangan nilang pera minsan na gastusin sa school. Hanggang sa naka-graduate sila ng kaniyang kapatid sa kursong Dentistry at Pharmacology sa kolehiyo ay namamasada pa rin ang kanilang ama.

Hindi pa rin daw tumitigil sa pamamasada ang kaniyang ama kahit na sila ay mga professionals na. Kaya ganoon na lang ang labis na paghanga niya sa kaniyang ama na simula elementarya sila hanggang ngayon na siya ay isa ng dentista at pharmacist naman ang kaniyang kapatid. At kahit kelan daw ay hindi niya ikinahihiya ang trabaho ng kaniyang ama dahil isa itong marangal na hanapbuhay na malaki ang naitulong sa kanila upang maabot nila ng kaniyang kapatid ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sabi pa ni Marga,
“Simula nung grade 1 kami hanggang sa tunay na dentista na ako, yung tricycle nayun yung nag hahatid sundo saamin. Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong “TRICYCLE DRIVER LANG” I am not giving all the credits to my father sa panggastos samin sa pag aaral.”

“Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.”

Isa itong patunay kung gaano nagsasakripisyo ang magulang upang mabigyan lang magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak at matuturing na real life superhero ang ama ni Marga.

The post Magandang dalagita na nagtutuli, umagaw ng atensyon sa mga netizens dahil sa taglay nitong kagandahan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments