Muli na namang pinabilib ni Boxing Champ Manny Pacquiao ang ating mga kababayan sa Amerika.
Kamakailan lang ay nag-trending ang video ni Pacquiao kung saan binigyan niya ng 100 dollars ang isang pulubi sa U.S.
Ang video ay ibinahagi ng “Team Pacquiao”. Nasa gitna ng kalsada ang isang pulubi na may hawak na card board at nanglilimos.
Sakto naman na nakahinto ang sasakyang minamaneho ni Pacquiao kaya tinawag niya ang Amerikanong lalaki.

Abot langit naman ang ngiti ng lalaki ng makatanggap ng tulong mula sa People’s champ. Inabutan niya ng $100 o P5,000 ang lalaki.

Nakilala naman niya agad si Pacquaio at todo pasalamat siya sa perang ibinigay nito.

“What the f, Manny Pacquiao,” maririnig na saad ng Amerikano na tila na-starstruck sa boksingero.
Tila fan ni Pacquiao ang pulubi dahil sinabi nito na ang Pinoy boxer daw ang tunay na nanalo sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

“On the streets, everybody says, ‘you f*cked up Floyd Mayweather’,” masayang wika ng Amerikanong tinulungan ni Pacquiao.

Todo pasalamat naman ang fighting senator sa papuri ng palaboy.

Matapos naman ng kanilang pag-uusap ay mukhang masayang masaya na tumakbo paalis ang Amerikano.
Samantala, kamakailan lamang ay muling naulit ang pagbibigay ni Pacquiao ng pera sa kalsada ng Los Angeles.

Isang video sa YouTube ang usap-usapan muli ngayon dahil may naka-encounter ulit na homeless man si Manny.

At muli, hindi nagdalawang isip ang boksingero na abutan ito ng pera.

“I know what it feels like to be poor and hungry” maririnig na saad ni Manny.

Nagdadalawang isip naman ang lalaki na tanggapin ang pera ngunit nag-insist si Pacquiao na iabot ito.

Kaya muli na namang nasurpresa ang maraming kababayan natin sa kabutihang loob ng Pambansang Kamao.
At muli ay nakatanggap ito ng maraming papuri.
Narito ang video:
LOOK! Hindi Makapaniwala Ang Amerikanong Pulubi Nang Binigyan Siya Ni Manny Pacquiao Ng 100$!

The post Mga Pinoy sa Los Angeles, nasurpresa kay Manny Pacquiao ng bigyan nito ng pera ang isang homeless appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed






0 Comments