Looking For Anything Specific?

Oyo Sotto, pinuri ng mga netizens dahil sa pagiging hands-on sa panganganak ng asawang si Kristine Hermosa

Isinilang na ni Kristine Hermosa nitong Martes ang ikalimang supling nila ni Oyo Boy Sotto.

Ito ang masayang ibinahagi ni Oyo Sotto sa kaniyang Instagram post.

Saad ni Oyo, “Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga”

Pinasalamatan din ni Oyo ang kanyang mga kapamilya at kaibigan sa mga dasal para sa safe delivery ng kanyang misis.

Pinangalanan nilang Vittorio Isaac ang kanilang bunso, ipinahayag din ni Oyo ang pagmamahala niya sa asawang si Kristine.

“To my family and friends, thank you for all your prayers i love you Welcome to the world Vittorio Isaac i love you @khsotto”

Kalakip ng kanyang post ay ang llitrato ng kanilang newborn baby at litrato nila ni Kristine.

Na kitang kita na napakaganda pa din kahit bagong panganak lang.

 

Samantala, umani naman ng papuri si Oyo dahil sa pagiging hands-on daddy at husband nito.

Pati na din ang kagandahan ni Kristine ay pinuri ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento:

 “,napaka cute…at sobrang pretty ni mommy kristine..parang di bagong panganak sana all ganyan parin ka fresh pag nanganak…”

“swerte ni tin kay oyo sobrang maalaga”

“hands-on daddy talaga si oyo mang mana kay bossing.”

“Parang hindi nanganak parang hindi din nahirapan fresh na fresh pa din ganda mo talaga miss Kristine Hermosa Sotto”

“Congrats. Si Tin lang nkita ko n super ganda kahit kapapanganak grabe saan ang hustisya”

Taong 2011 nang ikasal ang dalawa. Bukod kay Vittorio Isaac, may apat pang supling ang couple na sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin at Kaleb Hanns.

Oyo Boy Sotto, Sinagot Ang Isyu Na Anak Ni Kristine Hermosa Sa Ibang Lalake Ang Kanilang Panganay

Si Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ay isa sa mga pinakahinahanggan na celebrity couple sa industriya ng showbiz dahil na rin sa paraan nila sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Sa loob ng mahigit na pitong taong pagsasama, sila din ay ang isa sa tinuturing na mayroong pinakamatatag na relasyon sa showbusiness. Ang dalawa ay nagpakasal noong January 2011.

Ang celebrity couple ay nagsimula bilang magkatrabaho lamang sa pelikula ng tatay ni Sotto na si Vic Sotto na pinamagatang ‘Enteng Kabisote: Okay ka fairy ko! The legend” noong 2004 kung saan gumanap si Kritine bilang asawa ng karakter ni Vic Sotto sa naturang pelikula.
Sinabi naman ni Kristine sa isang panayam, noong naka-trabaho niya si Oyo, wala naman siyang naramdaman na kahit anong special tungkol dito dahil na rin siguro parehas silang nasa relasyon noon ngunit sila ay magkaibigan na noon. Hanggang sa makuha na nga ni Oyo ang cellphone number ni Kristine.
Nagulat pa nga daw ang actress noon dahil hindi niya inaasahan na maririnig niya ang boses ni Oyo Boy kung saan ito ay sumisigaw pa sa kabilang linya dahil ito ay masaya na nakuha na niya ang number ni Kristine.
Hanggang sa naging malapit na ang dalawa sa isa’t isa at ngayon ay mayroon na silang isang malaki, kumpleto, at masayang pamilya.

Sila ay mayroong apat na anak na sina Ondrea Bliss, ang ampon nilang anak na si Kristian Daniel, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin.
Ngunit, isang netizen naman ang nagsasabi na ang panganay na anak nila ay anak umano ni Kristine sa ibang lalaki.

Sinagot naman ni Oyo ang isyu na ito at sinabi na ang kanilang panganay ay hindi anak ni Kristine sa ibang lalaki kung hindi ito ay kanilang ampon na anak.
Komento ng isang netizen sa socmed post ni Oyo Boy,
“So proud of you @osotto kahit na anak si Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin syang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ganito.”
Sagot naman ni Oyo dito, “Hindi siya anak sa ibang lalake. Kiel is our adopted son.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa pamilyang Sotto at binatikos rin nila ang netizen at sinabi na hindi tama na sabihin nito ang mga ganoong uri ng salita, lalo pa sa social media.

Sabi rin ng ilan na maaaring ito ay makaapekto sa bata sa murang edad nito kung maririnig niya ang mga ganoong uri ng salita.

The post Oyo Sotto, pinuri ng mga netizens dahil sa pagiging hands-on sa panganganak ng asawang si Kristine Hermosa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments