Looking For Anything Specific?

Rudy Baldwin, naghain na ng reklamo sa NBI para sa mga bashers at naninira sa kanyang pangalan

Handa na si Rudy Baldwin na sampahan ng kaso ang mga taong naninira sa kanya.

Kamakailan lang ay naging mainit ang bakbakan sa social media nina Rudy Baldwin at Xian Gaza.

 

Isang expose ang inilabas ni Xian sa kanyang video sa Facebook.

Kung saan sinasabi nito na modus lamang ginagawang vision ni Rudy Baldwin.

Sa pagsisimula ng exposé ni Xian Gaza ay ibinulgar nito na scammer si Baldwin at hindi totoong may vision itong nakikita.

Ayon kay Gaza na ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin

Ay mga possibility lamang na mangyayari sa mga current events.

May ilan ding personalidad ang lumutang at nagbulgar din ng mga bahong itinatago umano ni Rudy Baldwin.

Kaya naman, ilang araw lang ang lumipas ay nagdesisyon na si Baldwin na personal na pumunta ng NBI.

Upang maghain ng kaso laban sa mga taong pinipilit umanong sirain ang kanyang pangalan.

“Just Finished formally filing eleven counts of criminal cases of cyber libel against people na mga walang alam sa batas na grabe walang preno ang mga bibig sa panlalait, pamamahiya lalo na mga kasinungalingan,” saad ni Baldwin sa kanyang post na burado na ngayon.

Aniya pa, malapit na umanong ma-identify at makasuhan ang mga fake accounts and pages na lumalabag sa batas.

Dinagsa naman agad ng samu’t-saring komento ang post na ito ni Baldwin, kaya naman binura niya ang mga larawan.

Pinalitan niya din ang caption ng kanyang post at sinabing, “ACCORDING TO MY ATTY’S ADVICE, since the filing for cases has been formally initiated, DISCRETION and PRIVACY MUST BE OBSERVED SINCE THE PROCESS IS NOW UNDER LEGAL.”

Mga lihim sa likod ni Rudy Baldwin, ibinulgar ni Xian Gaza, hindi mo aakalaing ganito daw pala ang modus

Mga lihim na modus ng sikat na manghuhulang si Rudy Baldwin isiniwalat ni Xian Gaza.

Kamakailang lang ay nagpalitan ng maanghang na mensahe sina Xian Gaza at Rudy Baldwin.

Kinuwestiyon kasi ni Xian ang mga hula ni Rudy.

Na karamihan ay tungkol sa mga maaring mangyaring masama sa iba’t ibang lugar at tao.

Pinuna ni Xian ang vision ni Rudy tungkol sa nangyaring lind0l noon sa Batangas ngunit hindi naman daw nahulaan ng manghuhula ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Olympics.

Ilang bagay pa ang kinwestyon ni Xian sa mga negative visions ni Rudy Baldwin.

At kahapon lamang August 1, ay isang expose ang ibinahagi ni Xian tungkol kay Baldwin.

Sa pagsisimula ng exposé ni Xian ay ibinulgar nito na scammer si Baldwin at hind totoong may vision itong nakikita.

Ayon kay Gaza na ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin ay mga possibility lamang na mangyayari.

Unang bahagi umano ito ng step ng panloloko ni Baldwin, dahil sa paglago umano ng followers nito ay lumalago rin ang naniniwala at nananalig sa di-umano’y pekeng vision nito.

Dagdag pa ni Gaza na may dalawang babae na ang lumapit sa kaniya at ibinulgar na nabudol umano sila ni Baldwin.

Dahil sa tila magandang reputasyon ni Baldwin sa kaniyang vision ay lalapitan siya ng followers at magpapahula,

Huhulaan umano ni Baldwin ang mga ito at sasabihing may masamang mangyayari sa pamilya ng mga ito.

Dito na umano papasok ang pagbibenta ni Baldwin ng kaniyang amulet na nagkakahalaga umano ng 20k hanggang 50k.

Dahil sa modus na ito ay kumikita umano ng mahigit sa isa hanggang dalawang milyong piso si Baldwin.

Dahil umano sa panloloko nito sa mga followers nito na naniwala sa taglay niyang vision.

The post Rudy Baldwin, naghain na ng reklamo sa NBI para sa mga bashers at naninira sa kanyang pangalan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments