Napa wow ang maraming netizens sa simple pero eleganteng wedding reception nina Angel Locsin at Neil Arce.
Sa kaniyang social media accounts, ibinahagi ni Angel ang backyarad garden set up para sa kanilang wedding reception.
Dito ay ikinwento ng aktres kung paano nabuo ang idea ng simple but elegant ang design ng kanilang backyard.
“What started out as “pwede bang makihiram ng tables and chairs, a buffet table for our take out food”, nauwi sa napakagandang set up na ito na pwede ng peg sa pinterest,” saad ni Angel.
Dagdag pa niya, “hanggang ngayon nagagamit pa namin yung mga herbs and plants na you used as decoration since alam mo na nanghihinayang ako na pa’ta’y na yung plants the next day.”
Sa kanyang caption ay pinapasalamatan niya ang nag decorate para sa wedding reception nila.
Table for 10 lang ito pero makikita ang pagka elegante ng lugar.
Ibinahagi din ni Angel na gusto raw talaga nila ni Neil sa walang bulaklak sa area.
Dahil pareho silang may allergies sa flowers.
“Salamat for adjusting sa gusto namin na no flowers dahil sa dami ng allergies namin ni Neil sa flowers,” sey ni Angel.
Maraming follower ni Angel ang nagsabing kahit simple ay napakaganda ng wedding reception set up nila ni Neil.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Ang ganda from the lights to the table set up, flowers, plants and all.”
“Grabe. Never thought na magiging simple ang wedding mo pero so beautiful and genuine.”
“Simple and Elegant!”
Anong say mo dito?
Engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal na ngayon sa isang civil wedding
After two years of being engage, kinasal na sina Neil Arce at Angel Locsin.
Ito ang masayang ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram post ngayong Sabado ng gabi.
“and just like that, Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig,” lahad ni Angel sa kanyang caption.
Ayon naman sa post ng NicePrint sa Instagram, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce Civil wedding done”
Makikitang nakasuot lamang ng casual white sina Neil at Angel sa naganap na kasalan.
Makikita rin sa Instagram post ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana ang ilan sa mga kuhang larawan sa seremonya ng kanilang kasal.
“In case you missed the end of their surprise reveal VLOG , check out the Angel and Neil channel on YouTube channel. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin,” saad sa IG caption ni Dimples.
Kasunod pa nito ay nagbigay din ng mensahe si Dimples para sa bagong kasal na matalik niyang kaibigan.
“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours”
Masayang-masaya si Dimples dahil isa siya sa mapapalad na nakasaksi sa pag-iisang dibdib na ito, kasama ang kaniyang mister na si Boyet.
Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.
Pinasilip ni Angel at Neil ang naging kasalan sa kanilang vlog na pinost sa YouTube channel nila nitong Sabado.
The post Simpleng wedding reception ng bagong kasal na sina Angel Locsin at Neil Arce, pinapurihan ng mga netizens appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments