Looking For Anything Specific?

Tingnan ang malaking pinabago ng talentado at dating ‘Miss Little Philippines’ na si Aiza Seguerra

Ang talentado at dating ‘Little Miss Philippines’ na si Cariza ‘Ice’ Yamson Seguerra o mas kilala bilang si Aiza Seguerra ay nag-umpisa ang karera sa entertainment industry dahil sa kanyang pagsali sa naturang patimpalak. Ito ang naging daan ni Aiza upang siya ay ang maging isang mahusay na artista. Bukod sa kanyang talento, kinagiliwan rin siya ng mga manonood dahil sa kanyang pagiging bibo.

Sa TV show na ‘Eat Bulaga’, unang umusbong ang pagkakataon na maipakita ni Aiza ang kanyang kahusayan. Sa naging tanong sa kanya ni Joey de Leon noon sa ‘Little Miss Philippines’ ang tumatak sa isipan ng mga manonood, “Anong gagawin mo sa pera kapag ikaw ang nanalo?”

Ito ang nakakaaliw na sagot ni Aiza, “Ilalagay ko po sa mga bulsa.”

Dahil sa kanyang pagiging bibo, talino, karisma, at sobrang kadaldalan nito ay kinuha siya ng management ng Kapuso network bilang parte ng ‘Eat Bulaga’ mula 1987 hanggang 1997. Bukod pa dito, marami siyang naging mga proyekto na talagang kinagiliwan siya ng mga manonood kagaya na lamang ng ‘Okay Ka, Fairy Ko’, ‘Super Inday and the Golden Bibe’ at ‘Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting’.

Unti-unti namang nakita ang galing ni Aiza sa pagkanta at isa nga sa mga hit na pinasikat niyang kanta ay ang ‘Pagdating ng Panahon’ na naging album niya noong 2001. Samantala, marami naman ang nagulat noong 2007 nang ipahayag ni Aiza ang kanyang pagiging lesbian at isa na siyang trans man noong 2014.

Sa kabila ng kanyang paglantad, marami pa rin ang tumangkilik sa kanya dahil sa kanyang galing sa pag-arte at sa kayang talento.

Sa ngayon, ay ikinasal na siya sa kanyang longtime girlfriend na model at aktres na si Liza Dino sa California. Sa tinahak na landas ni Aiza ay hindi naman nawawala ang pagsuporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Narito ang mga positibong komento kay Aiza na nagpapakita ng pagsuporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

@menchiedg: “Di bale ICE ikaw naman MR. Universe ng puso ng family mo at sa amin with your good d𝔢𝔢ds good voice good songs.”

@aprilmyles29: “Naku ice lagi kami namin inaabangan sa aiza’s k𝔦ddie corner noon. Saka kung si Cat may Lava walk ikaw naman may duck walk. Kung parehong edad lang kayo ni Ryzza Mae Dizon noon panigurado r𝔦ot ang Eat Bulaga noon.”

@janpinky_08: “Okay lng na nagibang landas ka iceseguerra nakilala and kasama mo naman ang Miss U ng buhay mo. Masaya kami para sa inyo dahil wala kayong inaapakan na tao.”

Ngayon ay isa ng ambassador si Aiza ng National Youth Commission na tumutugon sa bawat hinaing ng mga kabataan dito sa bansang Pilipinas. Masaya ang buhay ngayon singer-actress lalo pa’t pina-plano nila ng kanyang asawa na si Liza na magka-anak na.

Natatandaan Nyo Pa Ba Si Alyanna Angeles Ang Dating Child Star Nσσn Akalain Niyσng Dalagang Dalaga Na Ngayon

𝙼𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚌𝚑𝚒𝚕𝚍 𝚜𝚝𝚊𝚛 𝚗𝚘𝚘𝚗, 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚜𝚊𝚔𝚜𝚒𝚑𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚜𝚒𝚕𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚕𝚊𝚔𝚒, 𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚌𝚞𝚝𝚎 𝚊𝚝 𝚍𝚘𝚛𝚊𝚋𝚕𝚎 𝚗𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚝𝚒𝚜𝚝𝚊, 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚊𝚌𝚝𝚛𝚎𝚜𝚜 𝚊𝚝 𝚊𝚌𝚝𝚘𝚛 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚝𝚘.

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚊𝚕𝚊, 𝚖𝚊𝚢 𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚌𝚑𝚒𝚕𝚍 𝚜𝚝𝚊𝚛 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚘𝚘𝚗, 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣, 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚖𝚊𝚜 𝚙𝚒𝚗𝚒𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐-𝚊𝚊𝚛𝚊𝚕, 𝚘 𝚍𝚒 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚢 𝚒𝚋𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕𝚊𝚗, 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚍𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚋𝚒𝚋𝚒𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚊𝚢 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚜𝚞𝚋𝚊𝚢𝚋𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚙𝚊 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗.

Isa nga sa mga child star noon na ating nasisilayan sa telebisyon ay si Alyanna Angeles. Siya ay ay napanood natin noon sa seryeng ‘Maria La Del Baryo’ na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Nakilala si Alyanna Angeles sa ‘Maria La Del Baryo’, bilang si Andrea “Andi” H. Dela Vega, ang anak nina Maria Hernandez Dela Vega at Fernando M. Dela Vega, na ginampanan naman ng tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee.

Matapos nga ng seryeng ito, kung saan siya ay gumanap bilang anak ni Ercih. Ay muling nakasama si Alyanna, sa isa pang serye ng aktres, at ito nga ay ang superhero series na “Juan Dela Cruz” na umere sa telebisyon noong taong 2013.

Gumanap si Alyanna dito, bilang ang batang karakter ni Ercih na si Rosario Galang, ang love interest, ng superhero karakter ni Coco Martin.

Maliban pa nga rito, ay nakilala rin si Alyanna Angeles, bilang ang child star na madalas maging kapareha ni Zaijan Jaranilla. Napabilang rin siya noon sa mga naging teleserye ni Kim Chui na ‘Ikaw Lamang’ at ‘The Story of Us’.

Kilala rin si Alyanna, bilang pamangkin ng isa sa mga hinahanggang aktres, na si Angel Locsin.

Sa ngayon nga, matapos ang ilang taon na hindi na natin nasilayan sa telebisyon si Alyanna Angeles, ay makikita na sa dating child star,

na ito ay isa ng ganap na dalaga, at tila handa ng sumabak sa mga bagong karakter na maaari niyang gampanan kapag siya ay nagbalik showbiz na.

Hindi nga maikaka-ila na tulad ng kanyang ‘auntie’ na si Angel Locsin, ay may potensyal din si Alyanna Angeles na maging isang mahusay na aktres.

The post Tingnan ang malaking pinabago ng talentado at dating ‘Miss Little Philippines’ na si Aiza Seguerra appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments