Looking For Anything Specific?

Vice Ganda at Ion Perez, naging malaking tanong sa mga netizens kung kinasal o ikakasal na nga ba dahil sa viral video nila sa IG

Ikakasal o ikinasal na nga ba ang magkasintahang Ion Perez at Vice Ganda?

Ito ang taong ng maraming netizens dahil sa mga litrato at video ng dalawa na kumakalat ngayon online.

Magtatatlong taon na ang relasyon ng dalawa at base sa reaksyon at mga comment ng madlang pipol, napatunayan na ng hunk model-actor na tunay ang pagmamahal niya kay Vice at hindi pera-pera lang.

Kasal na nga lamang daw ang kulang sa pagsasama ng celebrity couple.

Marami ang nagwi-wish na sana’y pakasalan na raw ni Ion ang Phenomenal Box-Office Star dahil kitang-kita naman ang sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Marami na ding tinalikurang bisy0 o nakagawian si Vice simula ng magsama sila ni Ion sa iisang bubong.

Sa kanyang panayam noon sinabi ni Ion na tinalikuran niya ang lahat ng ito dahil si Ion lang ay sapat na umano.

“Dati, ‘di ba, gabi-gabi rampa ako nang rampa. So, tinalikuran ko ‘yon.”

“Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inum. ‘Di ba, hindi na rin ako umiinom. Kasi si Ion lang sapat na. Totoo ‘yon.

Nagpapasalamat daw s’ya sa Diyos na ibinigay sa kanya si Ion kaya may katuwang s’ya sa buhay ngayon at mas na-appreciate niya yon ngayong may ongoing pandemic.

Kaya naman mas lalong umugon ang balita na ikakasal na sila, may ilan pa ngang nagsabi na baka kasal na nga raw ang dalawa.

Ito ay dahil sa mga larawan at video nila na ipinost ni Ion sa kanyang Instagram. Kung saan makikita ang compilation tungkol sa kasal.

Saad pa nga ni Ion sa kanyang caption, o more Sad . Cry . and Pain .Just pure Smile. Happiness. Joy. love and LOVE.

Anong say mo dito? Kasalan na nga kaya ito?

Vice Ganda, inaming gusto nang magkaroon ng anak

Ready na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na maging magulang.

Sinabi ng ng talent manager na si Ogie Diaz na nagpahayag ng interes na magkaroon ng sariling anak si Vice.

Marami raw kasi ang nagtatanong kay Ogie kung gagaya na nga ba si Vice kanya.

“Kapag nagkaroon ka ng sarili mong anak, na talagang dugo at laman mo, nagbabago ang perspektibo mo sa buhay.” Payo umano ni Ogie kay Vice.

“Ayokong maging tatay. I want to be a parent,” sagot ni Vice.

“Diyos ko, baka maguluhan ‘yung bata, ganito ako. I just want to be a parent. Neutral, walang gender,” dagdag pa nito.

Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam niya noong mga panahong pinu-push siya na magkaroon na ng sariling anak, nandiri daw ang TV host-comedian.

“Syempre noong una, baklang-bakla ako nang todo ‘di ba tapos hindi talaga sumasagi sa kahit anong bahagi ng utak o ng kamalayan ko ang pagkakaroon ng anak.

“Diring-diri talaga ako kasi hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na mag-aanak.

“Parang happy na ako na meme-memehan ako ng napakaraming tao. Pero ‘yung totoong sa akin, hindi ko talaga naaano (naiisip),” pagpapatuloy niya.

Sa napakaraming achievements nga na nakamit ni Vice, idavdag pa ang masayang love life nito kasama ang partner na si Ion Perez, tila anak na lang ang kulang sa buhay niya

Ito nga raw ang pangarap ni Ogie para kay Vice. Ito rin ang pangarap ng kanyang inang si Nanay Rosario.

Sa huli ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya din si Ogie para sa kaibigan.

Dahil naabot na nito ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

At ngayon nga ay muling isasakatuparan ang kagustuhan niya na magkaroon ng sariling pamilya.

The post Vice Ganda at Ion Perez, naging malaking tanong sa mga netizens kung kinasal o ikakasal na nga ba dahil sa viral video nila sa IG appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments