Ready na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na maging magulang.
Sinabi ng ng talent manager na si Ogie Diaz na nagpahayag ng interes na magkaroon ng sariling anak si Vice.
Marami raw kasi ang nagtatanong kay Ogie kung gagaya na nga ba si Vice kanya.
“Kapag nagkaroon ka ng sarili mong anak, na talagang dugo at laman mo, nagbabago ang perspektibo mo sa buhay.” Payo umano ni Ogie kay Vice.
“Ayokong maging tatay. I want to be a parent,” sagot ni Vice.
“Diyos ko, baka maguluhan ‘yung bata, ganito ako. I just want to be a parent. Neutral, walang gender,” dagdag pa nito.
Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam niya noong mga panahong pinu-push siya na magkaroon na ng sariling anak, nandiri daw ang TV host-comedian.
“Syempre noong una, baklang-bakla ako nang todo ‘di ba tapos hindi talaga sumasagi sa kahit anong bahagi ng utak o ng kamalayan ko ang pagkakaroon ng anak.
“Diring-diri talaga ako kasi hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na mag-aanak.
“Parang happy na ako na meme-memehan ako ng napakaraming tao. Pero ‘yung totoong sa akin, hindi ko talaga naaano (naiisip),” pagpapatuloy niya.
Sa napakaraming achievements nga na nakamit ni Vice, idavdag pa ang masayang love life nito kasama ang partner na si Ion Perez, tila anak na lang ang kulang sa buhay niya
Ito nga raw ang pangarap ni Ogie para kay Vice. Ito rin ang pangarap ng kanyang inang si Nanay Rosario.
Sa huli ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya din si Ogie para sa kaibigan.
Dahil naabot na nito ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
At ngayon nga ay muling isasakatuparan ang kagustuhan niya na magkaroon ng sariling pamilya.
Vice Ganda, binitawan ang ρaninigarιℓуσ at ρag-iinσм ng αℓαk para kay Ion Perez
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Ang imposible ay nagiging posible.
At iyan nga ang pinatunayan ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez.
Sa panayam ni Vice sa dati niyang handler at kaibigang si Ogie Diaz ay ibinahagi niya kung gaano siya kasaya.
Aniya laking pasalamat daw niya sa Panginoon dahil dumating si Ion sa kanyang bu’hay.
“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion.l,” saad ni Vice.
Aniya pa masaya daw siya da relasyon nila ni Ion, at araw-araw niya itong pinagpapasalamat.
Ibinahagi din ni Vice na si Ion ang naging sandalan niya lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.
Ito din daw umano ang nagbigay ng malaking pagbabago at pananaw niya sa bu’hay.
Si Ion din daw ang kanyang pangpakalma sa tuwing nalulungkot at may pinagdadaanan siya.
“Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko,” pagbabahagi ni Vice.
Saad pa niya, ang dami daw nabago sa kanya simula nagsama sila ni Ion.
Natigil na rin daw niya ang mga bisy0ng nakasanayan na niya noon.
Tulad ng paninigarilyo, paginom ng alak, at gumimik kung saan saan.
Hindi na daw siya naghahangad pa ng anupaman dahil sapat ng lagi niyang kasama si Ion.
“Dati di ba gabi-gabi nga rampa ako ng rampa, so tinalikuran ko ‘yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion lang sapat na, totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa,” paglalahad ng komedyante.
Magtatatlong-taon na ang relasyon ng dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagsasawa si Vice sa nobyo.
The post Vice Ganda, inaming gusto nang magkaroon ng anak appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments